CHAPTER 7 | Worthy

30 4 0
                                    

A/N: Nasa media yung tattoo na ipinalagay nina Via and Zach. Wala akong makitang sample ng ganyang tattoo so I made it myself. Salamat sa Mygel pen 😅😌 Am thinking to have my first ink din sana pero a minimalist one. Sige lang one day 😊

Via Samantha Asuncion

Nakabibingi ang ingay sa paligid.  Naghalo ang tunog ng banda at ang sigaw ng mga estudyanteng sumama sa motorcade sa palibot ng city proper.  It's the opening of the Foundation Week.

Tumigil ang motorcade sa aming university. Isa-isang tinawag ng host ang mga participants sa motorcade. Sinalubong ng masigabong palakpakan at tunog ng drums mula sa Marching band ng University ang pagpasok ng bawat participating group.

"Let's make way for the Home of the Artists, the College of Architecture!"

Pumalakpak ako nung tinawag ang kinabibilangan kong College.  Ngayong taon lang ako hindi nakasabay sa mga collegemates ko dahil kasama ko ang bago kong grupo. Nasa isang service kaming mga varsity players ng Volleyball.

Pagkatapos ng opening remarks ng aming University President, nagbigay ng isang exhibition performance ang Marching Band.

Sinundan naman ito ng cheerdance competition among colleges. Lalong lumakas ang hiyawan nang magperform na ang College of Nursing. Ang kanilang grupo ang laging inaabangan sa kompetisyong ito dahil lagi silang may bagong pakulo.  Pasabog factor ika nga ng mga cheerdance enthusiasts. 

Bukod sa napaka-sexy lagi ng kanilang costume, mahuhusay rin ang kanilang performers.  Simula sa flyers, dancers at maging ang mga extras. Malinis ang kanilang mga stunts kaya palaging sila ang hinihirang na panalo sa katapusan ng kompetisyon.

"Woah!  Ms. Flyer, ikaw na talaga!" tili ni Gwen sa tabi ko. 

Traydor naman nitong kasama ko.  Imbes na i-cheer ang college namin ay kumampi na sa iba.

Nag-vibrate ang aking cellphone. Si Zach ang nag-text.

Zach:
Where are you love?

Ako:
I'm with Gwen love. Nasa right wing bleacher kami.

Zach:
I can't go there. Can't see you either 😢

Ako:
It's okay love. I'll see you after the Opening. Bawal kang tumingin sa mga cheerdancers na naka-mini skirts. Ipapadukot ko iyang mga mata mo.

Of course it was just a joke.

Zach:
My eyes are only for you love😘

Ako:
Aba dapat lang Mister dahil tutusukin ko yang mga mata mo pag nahuli kitang nakatingin sa iba 😅✌️ I love you love 😘

Napangiti ako sa tinakbo ng text namin. Habang naghihiyawan ang mga tao sa paligid ko ay parang nagririgodon naman sa kilig ang aking puso.

Ito yung quality ni Zach na talagang minahal ko. Kaya nga hindi ko na namalayan. Hindi na rin ako nagtaka at nagising na lang akong isang araw na boyfriend ko na ang isang campus hearthrob samantalang wala naman yun sa bucketlist ko. Atleast ngayong college. Siyempre iba ang priorities ko sa buhay. I need to graduate. On top of that, I need to work hard to survive.

"O naano ka na dyan bakla?" puna ni Gwen. "Nilalandi ka naman ng boyfriend mo nuh?"

Yung pagiging sweet ni Zach ay kalandian naman para kay Gwen. But don't get me wrong. She supports my relationship with Zach. Talagang may saltik lang din itong si Gwen minsan.

"Bakit kasi di ka rin makipagrelasyon na para may kalandian ka rin," ani ko na ikinangiwi niya. "Yung si Reeve ah mukhang trip ka," tukso ko pa na lalong ikinagusot ng mukha niya.

Thy WorthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon