Chapter 7

3.9K 106 6
                                    

          SLAP ME, YOU'RE MINE

                         Chapter 7

                      Hold me tight

    
              SOUTH CHARLESTONE

"South, nakita pala namin si Abigail kahapon. Balita ko kakatransfer niya lang daw. Nagkita na ba kayo?" Pumikit na lang ako tsaka sumandal sa sofa.

"Yeah, nagkita na kami," walang kalatoy-latoy na sabi ko.

"Woah! So, anong nangyari?" pangungulit pa ni Galen kaya inis ko siyang sinamaan ng tingin.

"Can you please, shut up? I want to sleep," iritableng sambit ko. Natahimik naman siya tsaka napanguso.

"Parang nagtatanong lang, bakit nagagalit agad?" bulong niya pa pero hindi ko na lang pinansin.

"Nga pala, anong ginawa niyo ni Safaia? Nakita ko kasi kayo kahapon, magkatabi pa kayong dalawa sa hallway." Napabuntong hininga naman ako tsaka umayos ng upo.

"We're just talking. What's wrong with that?" Nagkatinginan naman sila tsaka nagpangalumbaba.

"Boss, do you still remember kung kailan natin huling binully si Safaia?" Natigilan naman ako, bigla rin akong napaisip.

"See? Hindi mo na rin maalala. Nag-aalala lang kasi kami sa'yo. Bumabalik ka na naman kasi sa dating ikaw." Nangunot naman ang noo ko sa sinabi ni Holland.

"What are you trying to say?" napipikon na tanong ko. Ngumisi naman si Holland tsaka ako inakbayan.

"Nagsisimula ka naman kasing maging kampante sa isang tao. Hindi mo hilig ngumiti pero kapag si Safaia ang kasama mo, halos mapunit na 'yang labi mo." Napairap na lang ako at pabalang na inalis ang braso ni Holland sa balikat ko.

"You're just imagining things." Umiling naman sila.

"Hindi pare eh, hindi lang imahinasyon kasi kitang-kita naman namin na masaya ka kapag nandiyan si Safaia," dagdag pa ni Nashua. Magsasalita pa sana ako pero itinikom ko na lang ang bibig ko at saka pumikit.

"I have nothing to explain. Bahala kayo kung anong gusto niyong paniwalaan," walang ganang sabi ko. Narinig ko naman silang napabuntong hininga.

"Sana mali kami ng akala, bro. Sana talaga hindi mo gusto si Safaia dahil ikaw din ang mahihirapan." Rinig kong wika ni Holland. Nang marinig ko ang pagsara ng pinto ay agad kong binuksan ang mata ko tsaka umayos ng upo.

Bahagya pa akong napangiti na parang baliw at ilang beses na umiling.

"Ako? Maiinlove kay Safaia? Eh parang mas lalaki pa ata sa'kin 'yon," naiiling na sabi ko tsaka muling nahiga sa sofa.

                  ELISA MAUREEN

Napangiti na lang ako tsaka bahagyang ibinuka ang magkabilang braso para damhin ang simoy ng hangin pagkalabas ko ng bahay.

"Arf arf arf!" Agad naman akong napamulat ng marinig kong mag-ingay si Safaia. Naupo naman ako para i-tap ang ulo niya.

"What's wrong little cutie? Gusto mo bang maglakad-lakad?" Pagkausap ko sa alaga kong tuta.

"Arf arf arf!" Napailing na lang ng tumahol siya. Tumayo na rin ako at saka nagsimulang maglakad habang mahigpit ang hawak sa tali ni Safaia.

Hindi ko rin maiwasang mapahagikhik kapag tinatawag kong Safaia ang alaga kong siberian husky. Kapag siguro nalaman ni Safaia na pinangalan ko ang pangalan niya sa baby ko, paniguradong mag-aalburuto iyon sa galit.

SLAP ME, YOU'RE MINE [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon