SLAP ME, YOU'RE MINE
Chapter 19
I'm Jealous
SAFAIA PRIMROSE
"Kasi nga gusto kita. At kahit ilang beses mo pa akong itaboy, gugustuhin pa rin kita," aniya bago ako muling niyakap ng mahigpit.
Napayuko na lang tuloy ako at napasubsob sa balikat niya tsaka humagulhol ng iyak.
Marahan niya namang hinaplos ang likod ko para pagaanin ang loob ko. Hinayaan ko lang ang sarili kong umiyak hanggang sa mamugto na ang mga mata ko. Nang mapagod sa pag-iyak ay agad kong pinahid ang luha ko tsaka kumalas sa pagkakayakap niya.
Nagpilit pa ako ng ngiti pero napailing lang siya at mahinang pinitik ang noo ko.
"Huwag ka ngang magpilit ng ngiti, mas lalo kang pumapangit," nang-aasar na anas niya.
Napairap na lang tuloy ako at palihim na napangiti. Nagpapasalamat na lang talaga ako at nandito si South para damayan ako.
"Gumagabi na, tara, ihahatid na kita," nakangiting alok niya bago hinawakan ang kamay ko tsaka marahang hinila. Siya na rin ang nagbukas ng pinto kaya nauna na akong pumasok sa loob.
Agad naman siyang sumunod. Inabutan niya pa ako ng tuwalya mula sa likod para ipampunas sa katawan ko.
Tinanggap ko na lang 'yon tsaka pinunasan ang sarili ko kaysa manginig ako sa sobrang lamig.
"Ikaw ba? Hindi ka magpupunas?"
Napangiti naman siya bago ako nilingon na siyang ikinakunot ng noo ko.
"Teka, bakit ngiting-ngiti ka d'yan?" nalilitong tanong ko pero mas lalo lang lumawak ang pagkakangiti niya.
"Uy, ano? Nalamigan na ba 'yang utak mo?" nag-aalalang tanong ko pero umiling siya bago ibinalik ang atensyon sa daan.
"I'm just happy. Concern ka kasi sa 'kin," masayang sambit niya.
Bahagya naman akong nakaramdam ng ilang kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Huminga pa ako ng malalim para pakalmahin ang sarili. Nang maramdam ng lamig ay agad kong pinagkrus ang braso ko. Humilig na lang ako sa gilid ng bintana habang pinagmamasdan ang mga tala sa itim na kalangitan habang malalim ang gabi.
Sa sobrang pagkawili, hindi ko namalayang na nakarating na pala kami sa tapat ng bahay. Tsaka pa lang ako natauhan ng si South na mismo ang magtanggal ng seatbelt ko dahilan para magtama ang paningin naming dalawa.
Maingat naman akong nag-iwas ng tingin tsaka binuksan ang pinto at naunang lumabas ng kotse niya. Pinaypayan ko pa ang sarili ko ng maramdaman kong biglang uminit ang katawan ko.
"Hey, nakalimutan mo 'yong bag mo,"
"Ay palaka!" gulat na sigaw ko habang nakahawak sa puso. Natigilan naman siya tsaka napatitig sa'kin habang kagat-kagat ang ibabang labi niya at nagpipigil ng tawa.
Napairap na lang tuloy ako tsaka humakbang palapit sa kanya. Akmang kukunin ko na ang bag ko ng hawakan niya ang kamay ko tsaka inilagay sa dibdib niya.
"Ano bang ginagawa mo?" nagtatakang tanong ko habang pilit na binabawi ang kamay ko.
Mas lalo pang nagsalubong ang kilay ko ng ngumiti siya at tinitigan ako sa mata.
"Always remember that my heart belongs to you. Hindi ka man gusto ng crush mo, at least may isang taong pinapahalagahan ka ng husto," nakangiting sabi niya bago binitiwan ang kamay ko at isinukbit sa balikat ko ang bag ko.

BINABASA MO ANG
SLAP ME, YOU'RE MINE [On-Going]
Ficção AdolescenteSafaia is a simple girl who wants to enjoy her high school life. Until she met the popular guy on their campus in the most unexpected event. Pero hindi niya inakalang ang ginawa niyang pagsampal dito ay magdadala sa kanya ng kamalasan. Will she eve...