SLAP ME, YOU'RE MINE
Chapter 24
I'm fallingSOUTH CHARLESTONE
"As long as you won't hurt me, I will stay," she said while looking at me. She looked pretty, her eyes were smiling.
"How could I hurt the girl I care the most? How could I hurt you if I'm deeply in love with you?" I said slowly, trying to entangle my emotions through my words. Mas lalo naman siyang napangiti.
I smiled back and slowly walked towards her while holding her hands. She stared at me, confused. I breathed a large amount of air before I came close to her. I want to kiss her once more.
I was about to claim her lips when she suddenly stepped away. Napakamot pa siya sa ulo habang pinipilit ang ngiti.
"I think, kailangan na nating umalis. It's getting late, baka hindi na tayo umabot sa first period," halos pabulong na saad niya.
Napailing na lang tuloy ako bago binuksan ang pinto ng kotse ko. Huminga naman siya ng malali bago tuluyang isinara ang pinto. Sumunod na rin ako sa loob.
Nang makita ko si Safaia na nakasandal sa gilid ng bintana ay hindi ko napigilang mapangiti. Iwas na iwas kasi, akala mo naman may gagawing masama sa kanya. Napailing na lang tuloy ako bago pinagana ang makina. Pasimple pa akong nagnakaw ng tingin bago nagsimulang magmaneho.
Tahimik lang kami buong byahe hanggang sa makarating kami sa school. Mabilis kong ipinark ang kotse at pinagbuksan ng pinto si Safaia. Nang maisara ko na ang pinto ay agad akong sumabay ng paglalakad sa kanya at pasimpleng pinagsiklop ang kamay naming dalawa.
Napahinto naman siya sa paglalakad at kunot-noong nilingon. Dahan-dahan namang bumaba ang tingin niya sa kamay ko bago nag-iwas ng tingin.
"Ano bang ginagawa mo? Huwag mo nga akong hawakan," nakaiwas na saad niya. Ni hindi siya makatingin ng diretso sa 'kin. Mas lalo naman akong napangisi.
"What's wrong? Naiilang ka ba?" I asked, tunog ng nang-aasar. Bigla naman siyang natigilan at hindi kaagad nakapagsalita. Napakamot pa siya sa ulo bago nagpeke ng ngiti.
"Hindi naman, kaya lang hindi pa kasi tayo," aniya. Napatawa naman ako ng mahina. Ang cute niya kasi mailang, namumula na naman pisngi niya.
Dahan-dahan naman akong yumuko para magpantay ang paningin namin. Agad namang nanlaki ang mata ni Safaia at bahagyang napaatras.
I tried to bite my lips to stop myself but I couldn't stop from smiling. She's very cute, naiinlove na naman ako.
"Ayos ka lang? Kanina ka pa tulala eh habang nakangiti." Hindi ko naman siya sinagot tsaka muling nagfocus sa kanya at pinitik ang noo niya. Agad naman siyang napahawak do'n.
"Aray! Bakit mo ako pinitik?" inis na anas niya. Nginitian ko naman siya.
"Kahit hindi pa naman tayo, para sa 'kin akin ka na. I'm courting you to prove my sincerity, and to show my love for the girl I love. Whether you like it or not, you are mine," kalmadong saad ko pero nandoon pa rin 'yong authority.
Dahan-dahan namang nagsalubong ang kilay niya. Halatang hindi nagustuhan ang sinabi ko.
"I think it's too unfair. Hindi pa kita sinasagot kaya hindi mo ako pwedeng angkinin," reklamo niya. Napangisi naman ako tsaka mas lalong inilapit ang mukha ko.
"Safaia, bago pa man kita magustuhan, alipin na kita. That means, akin ka na talaga. You should be thankful that'd I fall for you kasi imbis na pahirapan ka. Ituturing pa kitang prinsesa," nakangiting sabi ko. Agad namang umarko ang kilay niya.
BINABASA MO ANG
SLAP ME, YOU'RE MINE [On-Going]
Teen FictionSafaia is a simple girl who wants to enjoy her high school life. Until she met the popular guy on their campus in the most unexpected event. Pero hindi niya inakalang ang ginawa niyang pagsampal dito ay magdadala sa kanya ng kamalasan. Will she eve...