𝐒𝐋𝐀𝐏 𝐌𝐄, 𝐘𝐎𝐔'𝐑𝐄 𝐌𝐈𝐍𝐄
Chapter 33
Kidnapped
SAFAIA PROMISE
"Hoy! Bakit ngiting-ngiti ka riyan?" sita ko kay Elisa pagkasakay namin ng sasakyan. Napansin ko ring namumula ang pisngi niya. Mabilis naman siyang nag-iwas ng tingin.
"Anong nakangiti? H-Hindi k-kaya! Baka guni-guni mo lang 'yon!" ilag na tanggi niya. Napangisi naman ako at mapaglarong sinundot-sundot ang pisngi niya.
"Talaga lang ha? O baka naman kinikilig ka lang? Pulang-pula na 'tong pisngi mo o," natatawang saad ko. Kinunotan niya naman ako ng noo.
"H-Huwag ka ngang mag-imbento! Hindi kaya ako kinikiligin kay Holland!" biglang sigaw niya ngunit agad din siyang natigilan ng marealize niya ang isinigaw niya. Napangisi naman ako lalo.
"So, kinikilig ka nga?" nang-aasar na sambit ko. Itinikom niya naman ang bibig niya tsaka pilit iniwasan ang mga mata ko. Halatang walang balak sagutin ang mga tanong ko. Napailing na lang tuloy ako tsaka sumandal sa upuan habang naghihintay sa pagdating ng mga boys. Bumili muna kasi sila ng pagkain para raw hindi kami gutumin sa byahe. Ipinikit ko na lang ang mata ko at panandaliang nagpahinga hanggang sa marinig ko ang pagbukas ng pinto.
When I opened my eyes, a smile plaster on my face when I saw my boyfriend standing beside me while holding a rose. Napansin ko ring nasa likod niya si Holland at hindi nakatakas sa paningin ko ang dala-dala nitong tatlong piraso ng bulalak.
Mas lalo tuloy akong napangiti. Mukhang nag-iimprove na ang status nilang dalawa. Well, good for them kasi bagay naman sila.
"Ah, Holland, palit na lang tayo ng upuan. Ikaw na lang dito sa pwesto ko," nakangiting alok ko sa kanya. Magsasalita pa sana siya nang mabilis ko siyang hinila papasok at pinaupo sa dati kong pwesto tsaka naupo sa dulo katabi ni South.
"Anong problema mo? Bakit bigla mong pinagpalit 'yong upuan niyo?" Nginisian ko naman siya tsaka lumingkis sa braso niya.
"Wala lang. Gusto ko lang na makatabi ka. Bakit? Ayaw mo ba?" nakataas ang kilay na tanong ko. Napailing naman siya tsaka malakas na pinitik ang noo ko.
"Aray! Bakit mo pinitik?" inis na tanong ko. Mahina naman siyang natawa tsaka ikinulong ang mukha ko sa mga bisig niya.
"I love you," naglalambing na bulong niya sabay halik sa buhok ko at niyakap ako. Napairap na lang tuloy ako bago ipinikit ang mata tsaka yumakap pabalik habang may sinusupil na ngiti sa labi hanggang sa makatulog ako.
Hindi ko alam kung ilang oras akong natulog. Basta nagising na lang ako nang maramdaman kong may humalik sa noo ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at agad na bumungad sa 'kin ang nakangiting mukha ni South.
"Good evening babe," he said in a soft voice. Napangiti naman ako bago nagkusot ng mata. Napahikab pa ako tsaka ipinalibot ang mata sa loob ng van.
"Teka, nasaan na si Elisa? Nakauwi ka na ba siya?" kunot-noong tanong ko nang hindi ko siya nakita. Nginitian niya naman ako.
"Don't worry, kanina pa nakauwi si Elisa. Hindi ka na niya ginising kasi sobrang himbing ng tulog mo," aniya. Napatango-tango naman ako bago umayos ng upo tsaka inayos ang buhok ko ngunit agad ding napatigil nang makaramdam ng pagkailang sa paraan ng pagtitig sa 'kin ni South.

BINABASA MO ANG
SLAP ME, YOU'RE MINE [On-Going]
Novela JuvenilSafaia is a simple girl who wants to enjoy her high school life. Until she met the popular guy on their campus in the most unexpected event. Pero hindi niya inakalang ang ginawa niyang pagsampal dito ay magdadala sa kanya ng kamalasan. Will she eve...