SLAP ME, YOU'RE MINE
CHAPTER 21
I won't give up
SAFAIA PRIMROSE
Isang araw na ang nakalipas simula ng aksidente akong umamin ng nararamdaman ko kay South.
Hindi na tuloy ako mapakali. Ni hindi ko nga rin alam kung paano ako haharap sa kanya kapag nagkita kami.
Should I greet him or pretend that I don't know what he's talking about? I guess, second is the best option. Magpapanggap na lang akong walang maalala para maisalba ang sarili ko.
Hindi ko pa rin naman sigurado kung gusto ko nga ba talaga siya o baka natutuwa lang ako sa mga ipinapakita niya.
Napabuntong hininga na lang tuloy ako at nagpatuloy sa paglalakad. Luminga-linga pa ako sa paligid sa takot na baka makasalubong ko siya ngunit agad din akong napahinto ng bigla siyang lumitaw sa harap ko. Nginitian niya pa ako.
"Ako rin, hindi na kita gusto kasi mahal na ata kita."
Nanlaki naman ang mata ko at kunot-noong tumitig sa kanya. Akmang hahawak ko pa sana siya pero agad ring naglaho ang imahe niya. Mabilis ko namang naipilig ang ulo ko at sinuntok-suntok ang ulo ko.
"Ano ba, Safaia! Umayos ka nga! Hindi mo siya iniisip. Wala kang gusto sa kan--"
"Hoy! Sinong kinakausap mo d'yan?"
"Ay puso ko nalaglag!" biglang bulalas ko at agad na napahawak sa puso ko. Nakagat naman ni Elisa ang ibabang labi niya para magpigil ng tawa.
"Oh my gosh, ayos ka lang? Kanino naman nahulog 'yang puso mo? Kay South ba?" ngiting-ngiting tanong niya. Palihim naman akong napairap tsaka ibinaba ang kamay ko.
"Bakit ba kasi bigla-bigla ka na lang sumusulpot sa kung saan?" inis na saad ko. Pinangningkitan niya naman ako ng mata tsaka ngumisi.
"Hindi ko na kasalanan kung wala ka sa sarili kanina. Nga pala, sino ba 'yang pinagtataguan mo? Kanina ko pa kasi napapansin na panay tingin mo sa paligid. Daig mo 'yong bida sa horror movie eh," natatawang saad niya.
Nanatili naman akong tahimik tsaka nag-iwas ng tingin. Wala akong balak sabihin sa kanya ang kahihiyan ko noong nakaraang gabi.
Ang alam ko sa isip ko lang sinabi 'yon pero bakit napakalas 'yong bigkas ko? Iniisip na siguro ng unggoy na 'yon na patay na patay ako sa kanya kahit hindi naman.
"Teka nga, may nangyari ba kagabi?" curious na tanong niya. Mabilis naman akong umiling dahilan para mas lalong lumaki ang pagkakangisi niya.
"Talaga lang ha? Eh bakit hindi ka makatingin ng diretso sa mata ko?" nang-aasar na saad niya at pilit hinuhuli ang paningin ko.
"W-Wala n-nga s-sabi! B-Bakit ba, bakit ba ang kulit mo?" putol-putol na sabi ko pero napangiti lang siya.
"Ang cute mo talagang magsinungaling. Namumula tapos nauutal. Though, kahit hindi mo naman sabihin sa'kin, nakita at narinig ko naman ang lahat ng nangyari." Agad namang umarko ang kilay ko.
"Huwag mong sabihing--" Hindi ko natapos pa ang sasabihin ko ng tumango-tango siya.
"Oo, tama ka. Hindi talaga ako umalis no'n. Nagtago lang ako para isipin niyong umalis na talaga ako," aniya at binigyan pa ako ng nakakalokong ngiti.
"Ang sabi mo pa nga, I like you," puno ng emosyong bigkas niya dahilan para magsalubong ang kilay.
"Hoy, huwag ka ngang mag-imbento d'yan! Hindi ko kaya sinabi 'yon!" Pagkakaila ko pa pero umiling lang siya at nginisian ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/238960320-288-k656510.jpg)
BINABASA MO ANG
SLAP ME, YOU'RE MINE [On-Going]
Genç KurguSafaia is a simple girl who wants to enjoy her high school life. Until she met the popular guy on their campus in the most unexpected event. Pero hindi niya inakalang ang ginawa niyang pagsampal dito ay magdadala sa kanya ng kamalasan. Will she eve...