SLAP ME, YOU'RE MINE
Chapter 16
I said I like you!
SAFAIA PRIMROSE
"Wala akong gagawin. Basta ako, hindi kita gusto," seryosong sabi ko bago tumayo at nagsimulang humakbang palayo.
Napahawak pa ako sa puso ko ng maramdaman kong bahagyang kumirot iyon. Ipinilig ko na lang ang ulo tsaka nagpatuloy sa paglalakad nang may humarang sa dinadaanan ko.
Agad naman akong nag-angat ng tingin at agad ding nangunot ang noo ko ng mapagtantong si Nash ang nasa harap.
He was just standing in front of me with a smile plaster on his face. I wonder why he seems so happy today.
Hindi kaya nanalo siya lotto? Pero masyado na siyang mayaman para tumaya pa sa gano'n.
Napailing na lang tuloy ako tsaka sinubukang humakbang ulit pero mabilis siyang humarang sa daan at pasimple akong inakbayan.
"Ano bang ginagawa mo?" kunot-noong tanong ko. Napangisi naman siya.
"Nakita ko 'yong ginawa mo kanina. Ang lakas mo talaga! Paano mo nagawa 'yon?" Mas lalo namang nangunot ang noo ko.
"Ano bang gusto mong iparating?" naguguluhang anas ko dahilan para mapangisi siya lalo at ginulo pa ang buhok ko.
"Alam mo bang ikaw palang ang tumanggi kay South?" Napairap naman ako.
"Eh ano naman ngayon? Porket ba gwapo siya eh bibigay na agad ako sa kanya?" Mabilis namang umiling si Nash at nginitian pa ako.
"I know that you're different from those hopeless romantic girls who were dreaming to have like us. Kaya hindi na nakakapagtaka na tinanggihan mo si South," nakangiting sabi niya.
Palihim naman akong napairap at agad na inalis ang braso niya sa balikat ko.
"Kung wala ka ng ibang sasabihin, mauuna na ako sa'yo dahil may klase pa ako," nagmamadaling sambit ko.
Maglalakad na sana ako nang mabilis niyang nahagip ang kamay ko dahilan para mapaharap ako sa kanya.
Nagtaka pa ako ng bigla siyang lumuhod habang hawak ang kamay ko dahilan para maagaw niya ang atensyon ng lahat.
"Ano bang ginagawa mo?" nagtatakang tanong ko.
Nagsimula na ring magbulung-bulungan ang mga estudyanteng nakapaligid sa'min.
Hindi niya naman sinagot ang tanong ko at agad na nanlaki ang mata ko ng halikan niya ang likod ng palad ko.
Agad naman akong nagtaas ng kilay pero nginitian niya lang ako.
"Pwede ba? Huwag mo akong ngitian at sagutin mo na lang ang tanong ko," nagtitimping anas ko na ikinangisi niya.
"Since you already asked me. My answer is yes. I'm willing to be your boyfriend," Aniya.
Agad namang namilog ang mata ko dahil napalakas masyado ang boses niya kaya maging ang mga tao sa paligid ay narinig ang sinabi niya.
"O.M.G! Narinig niyo 'yon?"
"What? Hindi pwede! Akin lang si Nashua!"
"Akala mo kung sinong maganda! Mang-aagaw ka!"
Huminga na lang ako ng malalim at nagpanggap na walang naririnig tsaka pinangningkitan ng mata si Nash.
Ano bang pinagsasabi ng isang 'to? Hindi kaya nahawa na rin 'to kay South kaya bigla-bigla na lang nagiging weirdo?
Napailing na lang tuloy ako at mabilis na binawi ang kamay ko tsaka umatras palayo.
BINABASA MO ANG
SLAP ME, YOU'RE MINE [On-Going]
Novela JuvenilSafaia is a simple girl who wants to enjoy her high school life. Until she met the popular guy on their campus in the most unexpected event. Pero hindi niya inakalang ang ginawa niyang pagsampal dito ay magdadala sa kanya ng kamalasan. Will she eve...