Chapter 18

1K 33 0
                                    

            SLAP ME, YOU'RE MINE

                        Chapter 18

                    I'll stay with you

                 SAFAIA PRIMROSE

                  

Agad naman akong napahawak sa pisngi ko habang nanlalaki ang matang nakatitig sa papalayo niyang bulto.

"What the hell? Nahalikan na naman ako? Argh! Nakakainis!" inis na anas ko at pabalang na ibinagsak ang kamay ko.

Nasabunutan ko na lang ang sarili ko sa sobrang inis tsaka iritadong pinunasan ang pisngi ko.

Napairap na lang ako sa hangin bago muling sinamaan ng tingin si South na ngayon ay tuluyan ng naglaho sa kumpol ng mga tao.

I breathe a large of air, para pakalmahin ang sarili ko. Nang humupa na ang galit ko ay naglakad na lang ulit ako pabalik sa classroom.

"Oh? Problema mo?" kunot-noong tanong ni Elisa. Inismiran ko na lang siya at dumiretso na lang sa upuan ko at inis na nagpangalumbaba.

"Hala siya, anong nangyari? Parang kanina lang ang saya-saya mo pa ah?" curious na turan niya.

Napabuntong naman ako tsaka tinapunan ng tingin si Elisa. Nanatili naman siyang nakatingin sa'kin na para bang hinihintay lang akong magsalita.

Napailing na lang tuloy ako at napairap ng maalala ko na naman ang ginawa ni South.

"Psh! Bwisit talaga 'yong unggoy na 'yon. Kapag lang talaga nakita ko siya, babasagin ko talaga siya ng mukha!" nanggigil na anas ko kasabay ng pagyukom ng kamao ko.

"Relax. Ano ba kasing nangyari kanina?"

Hindi ko naman pinansin ang tanong ni Elisa. Bigla na lang kasi akong nakaisip ng magandang ideya.

Her brows drew together when I smiled at her and played with her hair.

"Elisa, may kilala ka bang mangbabarang?" I asked, still smiling devilishy.

Agad namang nanlaki ang mata niya at lumayo ng bahagya. Napailing na lang tuloy ako tsaka palihim na natawa.

"What's wrong with you? Ang creepy mo!" nakangiwing saad niya. Nagkibit balikat naman ako tsaka ngumiti ng nakakaloko.

"So, may kakilala ka nga?" Mabilis naman siyang napairap at marahas na hinila ang dulo ng buhok ko.

"Gaga ka! Alam mo bang delikado 'yon? At saka, sino bang ipapabarang mo?" sunod-sunod na tanong niya.

Pabalang ko namang binawi ang buhok ko tsaka inis na napairap.

"Gusto ko lang naman turuan ng leksyon 'yong unggoy na 'yon. Masyado na siyang namumuro!" magkasalubong ang kilay na anas ko.

Nagpangalumbaba naman si Elisa sa arm rest habang nakunot ang noong pinagmamasdan ako.

"Ano bang kasalanan ni South sa'yo at ganyan na lang ang galit mo sa kanya? To the point na ipapabarang mo pa siya."

Mas lalo namang nagsuntukan ang kilay ko. Nahampas ko pa ang desk ko at nalukot ang kamao ko.

"Do you think I would be happy if someone stole a kiss from me? At hindi lang isang beses, kundi ilang beses! Pakiramdam ko tuloy, ang dumi-dumi ko na. Palagi na lang akong hinahalikan ng unggoy na 'yon, bwisit siya!"

Hindi ko na lang napigilan ang sarili ko at tuluyan ko ng naputol ang ballpen na hawak ko.

"O.M.G! For real?" Malakas na tili ni Elisa kaya agad na sumama ang titig ko sa kanya.

SLAP ME, YOU'RE MINE [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon