Kabanata 1

6.7K 194 12
                                    

I stared on my reflection in the mirror. My long lashes were highlighted. My hazel brown eyes fitted on my pointed nose and perfectly shaped lips. I looked like a little bit matured compared to the other sixteen years old girls. Mas depina ang hubog ng aking katawan kaya naman ang iba ay napagkakamalan na ako ay nasa hustong gulang na.

I heard a knock on the door and I didn't bother to look at it. The door of my room opened and later on I heard the familiar voice of Manang Siling. "Ma'am Lavinia, nasa hapag na ang mga Ferron. Pinapasabi ni Sir Robert na huwag ka ng masyadong magpaganda dahil maganda ka na sa harap ng lahat." Imporma nito.

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil sa pinapasabi raw ni Daddy. Well, he's my mother's husband. Tinanggap ni Daddy Robs si Mommy kahit na may anak ito sa iba. Siya na ang kinagisnan kong ama dahil hindi pinakasalan ng tunay kong ama si Mommy. Hindi kami magkadugo ngunit itinuturing niya ako na parang isang tunay na anak. Ako lang ang nagiisang anak nila ni Mommy. Lagi nilang sinasabi sa akin na sapat na ako para sa kanilang dalawa. Hindi ko alam kung hindi lang talaga sila magkaanak o pinili nalang nila na huwag ng maganak.

"Susunod ako, Manang," I answered. Narinig ko ang pagsangayon niya bago umalis at muli akong naiwan na mag-isa sa aking silid.

I don't understand why they're in our house. Wala akong matandaan na sinabi sa akin ni Mommy na pupunta dito ang mga Ferron. Hindi ko sila personal na kilala ngunit nakikita ko ang nagiisang anak nila sa eskwelahan. Their son is one of my sister's friend or maybe her boyfriend?

Nagkibit balikat ako sa naisip. Napaikot ang aking mga mata nang maisip ang kapatid. We're not close at mukha itong walang pakialam sa akin dahil tuwing magkakasalubong kami sa eskwelahan ay parang hindi ako nito kilala. Hindi ko rin naman gugustuhing mapalapit sa kanya. Her Mom is the reason why my real Dad didn't marry my mother. I am thankful dahil kung pinakasalan ng daddy ni Mirae si Mommy ay hindi namin makikilala si Daddy Robs. At the same time, being an Amherst is a curse. Kakabit ng pagiging Amherst ang responsibilidad na maaaring buhay ang kapalit. Maari kong takbuhan ang responsibilidad na iyon ngunit hindi iyon kakayanin ng aking konsensya.

Ilang sandali ay lumabas na rin ako ng aking silid. I walked down the winder stairs at tumambad sa aking ang buong kabahayan.

It is a typical open-spaced modern mansion. Our house looks so bright and lively from the interiors down to a single piece of furniture. There's a rectangular shaped chromatica LED ceiling light in the middle of the living room. There's also a flow sectional cream sofa facing the wall-mounted television. Beside the sofa is an Isabella floor lamp with its slim metal lampstand and neutral-coloured lamp shade. On the right side of the house is the dining room where my parents and the Ferrons are in.

Mukhang ako nalang ang hinihintay dahil nakaayos na ang lahat sa hapag ngunit wala pang nagsisimula sa pagkain. Si Daddy ay nakaupo sa kabisera habang sa kaliwa niya ay si Mommy at sa kanan naman ay bakante. Sa kabilang dulo ng kabisera ay si Kristoff Ferron na nasa kanan ang asawa at katabi ng bakanteng upuan ay si Creed Ferron. Nakatalikod ito sa akin ngunit ramdam ko ang maawtoridad na anyo nito.

Si Dad ang unang nakapansin sa aking presensya. "Anak," Bati nito kaya ang buong atensyon ng mga nasa hapag ay napunta sa akin.

"Lavinia, maupo ka na," Sambit ni Mommy at inilahad pa ang bakanteng upuan. Dumako ang tingin ko sa mag-asawang Ferron. Kristoff Ferron's smile looked so welcoming while his wife, Merida Ferron looked so intimidating with her blank stares.

Bahagya akong ngumiti sa mag-asawa bago dumiretso sa bakanteng upuan.

Tahimik at walang imik ang lalaki sa aking katabi. Kung tama ang tantya ko ay nasa labingsiyam na taon na ito. 

Taming The Night [Cosmos Series#2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon