I went inside our mansion. Naabutan ko sa sala si Lolo at si Dad na sa tingin ko ay may pinaguusapan. Naroon din si Mommy at Creed na kadarating lang. Narinig ko pa ang pagbati ni Creed sa dalawang nadatnan.
Bakas ang pagtataka sa mukha ni Lolo at Dad dahil sa presensya ni Creed. Dad rose up and tapped Creed's shoulder na tinanguan naman ni Creed. Wala itong sinabi at nanatili lang sa pagkakatayo.
"Hindi nasabi sa atin ni Vinia na nagkabalikan na sila ni Creed," Nahihiwagaang napatingin ako kay Mommy. What the hell is she talking about? I don't know why Creed's not denying what my mom's telling. I want it to happen, ang magkabalikan kami ni Creed pero kasinungalingan ang sinasabi ni Mommy.
Agad namang nagliwanag ang mukha ni Dad sa narinig. Tumayo si Lolo at alertong nakinig sa amin. Oh, God! Alam ko kung ano ang naiisip ni Lolo ngayon.
"Really? That's good then, when is the wedding?" Daddy asked.
I was about to answer ngunit naunahan ako ni Creed.
"We just got back together, we still haven't talk about the wedding, Tito." Muntik na akong mapahilot sa aking sentido dahil sa isinagot ni Creed. Sa ginagawa niya, pinapaasa niya lang sila Daddy. Alam ko na makakarating ito kila Tita Merida. Mommy got close to her since I don't know. One day I just woke up and they're already that close. As in close, iyong tipo na wala na silang naitatago sa isa't isa.
Hindi na ako nakapagsalita dahil sa sagot na iyon ni Creed. What were you thinking, Creed? Mommy's lying na sinabayan naman ni Creed. Paano kapag nalaman ito ng pamilya ni Adriel? I mean, they thought I am Adriel's fiancee then malalaman nila ang relasyon ko kay Creed? Fuck! Ngayon ko lang na-realized na ang laking gulo ng pinasok namin ni Adriel.
"Lavinia, I want to talk to you privately," Lolo muttered using a firm voice kaya't hindi na ako nakaanggal sa gusto nito.
Wala sa sariling napatingin ako kay Creed at nahuli ko ito na nakatingin din sa akin, tumango ito na para bang pinapayagan akong sumama kay Lolo kahit na hindi naman ako nagpapaalam.
Lolo started walking, hindi ko alam kung saan ito pupunta kaya naman napasunod na lang ako rito.
Matapos ang ilang minuto ay natanto ko na palabas kami ng mansyon.
Lolo turned to me when he reached the center of the garden.
"Good job." I was about to ask kung para saan iyon ng maalala ko ang pinapagawa niya sa akin.
"It's not that, Lolo."
"Then what is it?" He asked using his voice that's full of authority.
"Hindi totoong nagkabalikan kami." At kung magkabalikan man ay hindi ko susundin ang iniuutos ni Lolo. Muntik ko na iyong masabi, mabuti na lang ay napigilan ko ang aking sarili.
Napaayos ng tayo si Lolo at mapanuyang tumingin sa akin. "Are you saying that Ladia is lying? As well as that underboss of Cosmos?" He frowned.
I bit my lower lip and sighed. "About me taking over your position at the end of this year, kanino mo sinabi Lolo?" I asked, trying to change our topic and I succeed.
"The Montecillos and the Montenegros, why are you asking?" I saw him straightened.
"I received a threat, saying that I shouldn't take that position."
My Lolo's jaw clenched. "Sinasabi mo ba na isa sa dalawa na pamilyang iyon ang nagpadala sa iyo ng threat na iyon? Imposible ang iniisip mo kung ganoon. Maybe it's the Cosmos." Itinago ko ang aking kamay na yumukom sa aking likod. Imposible talaga iyon sa mga Montecillo pero hindi sa mga Montenegro. And I don't know why Cosmos na naman ang naisip niya na gagawa noon kahit na ang may alam lang noon bukod sa amin ay ang pamilya ng Montecillo at Montenegro.