Last two chapters then Wakas.
__________I buzzed the doorbell of the condo unit in front of me. The door opened and behind it is a woman in his early fifties.
"Ano ang sadya mo, hija?"
"I'm Lavinia, Armando Amherst's granddaughter. I hope Lolo already informed you about what I want?"
Tumango ang ginang bago nilakihan ang bukas ng pinto para ako ay makapasok.
Inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng unit. Mabuti at binigyan ni Lolo ng maayos na tutuluyan ang bata.
Iginiya niya ako patungo sa isang silid. Siguro ay naroon si Cerise. "Ako si Lumeng. Mabuti naman sinabi na sa iyo ni Armando ang totoo. Ako ang naaawa sa bata tuwing naghahanap siya ng mga magulang." I don't know that Lolo is that heartless. Hinayaan niya na lumaki ang bata na walang magulang para lang sa kagustuhan niya.
"Hindi ko pa malalaman na may itinatagong bata si Lolo kung hindi pa humingi ng tulong sa akin ang mga magulang ni Cerise."
Lumeng stopped walking as she turned to me. "Ano ang ibig mong sabihin? Hindi ikaw ang ina ni Cerise?"
Napatigil din ako at nagtatakang lumingon sa kanya. I frowned. Paanong magiging ako? "No. Her mother is Cerys Fuentabella."
"Cerise is not an Amherst?" Sambit nito sa mababa at puno ng pagtatakang boses.
"She's not an Amherst. What are you talking about?"
Mataman ako nitong tinitigan bago napailing sa sarili. "Wala. Halika, naroon siya sa kanyang silid."
Tumango ako at sinundan siya. Isinawalang bahala ko na ang kaninang sinasabi niya.
We entered Cerise's room and saw a little girl in her yellow ruffled dress. She's seating on the chair in front of a study table while reading her book.
Agad na nakuha ang atensyon ng bata dahil sa pagpasok namin.
"Nay Lumeng!" Lumeng walked towards the kid and started caressing her hair.
Cerise smiled when our eyes met. Agad ko namang sinuklian ang kanyang ngiti.
"Nay, is she my mother?" Inosenteng tanong nito kay Nanay Lumeng. I saw how her eyes sparkled when she asked that. I smiled but it didn't reached my eyes when I saw hope in Cerise's eyes while waiting for Nanay Lumeng's answer.
"H-hindi, apo." Bumagsak ang balikat ng bata dahil sa narinig. She pouted her lips as she smiled widely but I know behind that smile there's sadness.
"Who is she po?"
Lumapit ako sa kanila at lumuhod upang magpantay kami ni Cerise. "I'm Lavinia, you can call me Tita Vinia. Do you wanna meet your parents?"
Her eyes suddenly lit up. "Yes! I want to meet them. Ang tagal ko na pong hinihintay na makilala sila. Naalala ko po noong family day sa school si Nanay Lumeng ang kasama ko. Gusto ko po ng mommy at daddy! Parang sa mga classmates ko po."
"Alright, we'll go to your parents."
"Talaga po?"
Her eyes widened when she saw me nodded my head. She bit her lower lip as her eyes started tearing up. Tinakpan nito ang mukha gamit ang dalawang kamay at hindi na napigilang humagulgol.
I pulled her as I hugged her. I hushed her and started caressing her back.
Hindi ko maiwasang hindi magalit kay Lolo. Look what he have done? How could he? Ilang taon ang ninakaw niya hindi lang kay Cerise, pati na rin sa mga magulang nito. Para lang sa ano? Para malaman kung sino ang Universe ng Cosmos? Ano bang mapapala ni Lolo kung malaman niya kung sino iyon? Wala naman.