Laking pasalamat ko nang bumalik na si Creed kasama si Crizzy. Sa wakas ay natigil ang dalawa. Natuon ang pansin nila sa bata. I must say that they're very fond of Crizzy.
The movie's playing ngunit wala ang atensyon ng lahat doon. Archer's playing with Crizzy while Dasher's smiling while watching the two. Ganoon din kami ni Creed.
"The two of you," I started, pertaining to Archer and Dasher. "Wala ba kayong mga girlfriend? Looks like mahilig kayo sa bata, why don't you two make your own child para may sarili na kayong anak."
"Mauna ka!" Mapanuyang sagot ni Archer at agad na tumaas ang aking kilay dail doon.
"I already have--" Agad akong natigilan. "H-had," I continued as I smiled bitterly. Napatigil si Archer sa pakikipaglaro kay Crizzy at napabaling sa akin.
After that, there's a deafening silence inside Creed's condo. Nangibabaw ang ingay mula sa mga laruan ni Crizzette.
"I'm sorry," Archer muttered apologetically. "Sorry, Vinia. I didn't mean to--"
"Stop saying sorry." Iyon na lang ang nasabi ko. Hindi naman din kasi niya kasalanan.
"Sorry." Ulit nito na nginitian ko nalang. Alam ko na nasa amin ang atensyon ni Dasher at Creed. Wala sa sariling napatingin ako kay Creed at naabutan ko ito na nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin.
"What happened? It's okay if you don't want to answer."
I tilted my head and I met Dasher's eyes.
"H-hindi ko rin alam." One day I just woke up and I already lose everything. Creed can't remember and we lose our baby. Ni hindi ko man lang nahawakan ang anak ko. Hindi rin ako nagkaroon ng pagkakataon na makita siya. Kahit iyon ang una at huli ay hindi ko nagawang makita ang anak ko.
Mapait akong napangiti nang maramdaman ang pagtulo ng aking luha sa kanang pisngi at agad itong pinalis.
They say that when a person cries and the first drop of tear comes from the right eye, it's happiness. But how can I be happy when everything is already fucked up. Pinipilit ko na ayusin ngunit alam ko sa aking sarili na ano man ang mangyari ay hindi na magiging katulad ng dati. Dahil may nawala na at may kulang na kahit kailan ay hindi mapupunan.
"Nagulat na lang kami nang nalaman namin na aalis ka na...at ganoon ang nangyari sa bata." Dasher shifted on his seat upang tuluyang mapaharap sa akin.
"What happened?" It was Creed who asked kaya nabaling ang atensyon namin dito. After a few minutes ay wala pa ring sumasagot sa tanong niya. Not because we don't want to answer him but maybe because we don't know how to answer his question.
"Ano, wala 'yon." Dahil mukhang wala talagang balak sumagot ang dalawa ay ako na ang nagkusa.
Para sa iba ang dali lang ng tanong niya. Pero para sa akin ay mahirap sagutin ito, I don't know where to start knowing that he can't remember me.
"A-anyway, I'll go ahead," Paalam ko sa kanila. I walked near Crizzy at lumuhod sa tapat nito kaya agad niya akong napansin.
I smiled. "I'll go ahead, Crizzy."
"Visit me if you have time, Tita Vinia."
"I'll surely will," I answered and I was confused when Crizzy spread her arms. I felt like my body froze when she leaned and enveloped me in a tight hug. "Don't be sad, Tita Vinia. Everything will be alright," Crizzy whispered on my ear while patting my back. This girl, Creed is so lucky to have her. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ng ina ni Crizzy at basta na lang itong iniwan kung saan. But its Crizzette's mother's loss.