"Lavinia." Mariing bungad ni Adriel pagkapasok pa lamang ng aking opisina. He's wearing a black suit na para bang galing ito o papasok pa lang sa kanyang opisina.
"Anong kailangan mo?"
"Tinatanong mo pa?" Bahagyang tuminis ang boses nito sa dulo. Nahuli ko ang pamimilog ng mga mata ni Lucille sa narinig.
"Malansa." Patay malisyang sambit nito.
"You saying something?" Adriel muttered in a firm tone.
"Huh? Nothing." Lucille smiled widely as she shook her head repeatedly.
"Anyway, aalis na 'ko. I have a meeting at ten. Gawin mo ang sinabi ko. Get him!" Lucille muttered and I found my self nodding at her.
Matapos ay ngumiti ito at dumiretso sa pinto ng aking opisina. Bahagya pa itong huminto sa tapat ni Adriel.
"Halata ka, slight." Mahinang sambit ni Lucille kay Adriel ngunit sapat iyon para marinig ko. Hindi ko nakita ngunit alam ko na mapangasar siyang ngumiti kay Adriel.
Nahuli ko ang pagikot ng mga mata ni Adriel nang lampasan siya ni Lucille. Wala sa sariling napailing ako dahil sa dalawa.
Nang makaalis si Lucille ay binalinggan ako ni Adriel.
"You!" He pointed his forefinger on me as he walked towards my way.
"What?" I asked and my brow arched.
"How dare you leave without informing me?" He stopped in front of my table and placed his hand in his waist. Noong una ay hindi ko nakuha ang tanong niya ngunit nang tumaas ang kanyang kilay ay naalala ko ang tinutukoy niya.
"Your reaction is one week late." Noong nakaraang linggo pa ang sinasabi niya ngunit ngayon lang niya ako kinokompronta.
Bahagya itong natigilan matapos ay umupo sa kaninang inuupuan ni Lucille. "I'm busy." Sambit nito na sinabayan pa ng pagpilantik ng mga daliri.
"Kaya ka nahahalata," I stated.
Akmang sasagot pa ito ngunit agad kong naunahan. "Why are you here?" I'm not buying his excuse. Hindi ito pupunta sa aking opisina para lang komprontahin ako sa nagawa.
He sighed and massaged his temple habang nakapilantik ang mga daliri nito. "Mama's desperate to find a woman who's willing to marry me." Problemadong sambit nito.
"Then marry that woman, problem solved!" I chuckled when I saw his creased brow and squinted eyes.
"You're not an alpha kid." Natigilan ako sa sinabi niya at bahagyang napaisip.
Sarkastikong napatawa ako sa tinuran nito. "Is that a joke? Kasi kung oo, hindi nakakatawa."
He dramatically rolled her eyes. "Kulang ka lang sa sense of humor."
"But seriously, why don't you try it?"
"Ano, i-try na magpakasal sa babae? Ew, disgusting!" He emphasized the word 'disgusting' and he even twisted his lips.
"Malay mo may chance pa." I muttered. Sayang naman ang lahi ng mga Cervantes, maraming iiyak sa oras na malaman ng mga babaeng humahabol ka Adriel na kauri ang nais nito.
"Na ano?" Nahihiwagaang tanong niya sa akin.
"Tumuwid!"
"Ang alin?"
I rolled my eyes. "Ang baluktot na ikaw."
He faced me with a mocking smile. "Sure na 'to, wala ng itutuwid. I'm born to be a queen." Maarteng sambit nito. He even rose up, mabagal itong umikot at umaktong may korona sa ulo habang ang isang kamay ay kumakaway.