Kabanata 2

4.7K 162 5
                                    

"Can we share a table, Ladies?" Pinasadahan ko ng tingin ang mga lalaking tumapat sa table namin ni Lucille. They are five and I frowned. I must say that they are varsity players because of their attire. This is why I'm telling Lucille to sit in my front but she's stubborn, ipinilit pa rin ang gusto at tumabi sa akin. Hindi naman masikip, kasya hanggang sampung tao sa isang table pero ayaw ko lang talaga ng may kasabay kumain na hindi ko kilala.

"Yes-" Agad kong pinutol ang pagsangayon sana ni Lucille.

"No." Tinignan ako ni Lucille na puno ng pagtataka. Hindi ko siya pinansin at ibinalik sa pagkain ang atensyon. Nagkibit balikat ito sa aking tabi at wala na ring nagawa.

There are lot of vacant tables kaya bakit pa sila makikiupo?

We're eating our lunch inside the cafeteria. There are lot of white tables in an organized rows. I can hear everyone talking with their friends. Ang ingay! Lalo na yung mga babae sa likod ng table namin.

"Sungit." I heard someone muttered. Napaanggat ako ng tingin sa mga varsity player na hindi pa rin umaalis sa tapat ng table namin. I raised my brow up on the man who spoke. Nasisiguro ko na siya ang nagsalita. Nasa gilid siya nung lalaki na nagtanong kanina kung maaari silang makiupo. Some of them are sweating dahil mukhang kakagaling lang nila sa laro or training or whatsoever. Hindi man lang sila naligo muna, my God!

"Anong sinabi mo? Pakiulit nga." Taas noong bumaling ako dito.

"Dale." Rinig kong saway ng isa nilang kasamahan.

I smirked when the man named Dale slowly shook his head na para bang nagtitimpi. "Duwag ka pala." Ngising sambit ko sa lalaki bago isa isang tinignan ang kanyang mga kasama. "Anyway, madaming table sa paligid. Kung gusto niyo pagtigitigisahan niyo sobra pa yung table, huwag na kayong makisiksik." I sarcastically said before smiling widely.

"Sorry." One of them muttered but I ignored it. Tuluyan ng umalis ang mga ito sa harap ng table namin.

"Yun ba gusto mo? Sama ng ugali." Bago sila makalayo ay narinig ko pa ang sinabi nung Dale ngunit agad ko iyong inignora at wala sa sariling napaikot ang mga mata dahil sa inis.

"You know what, Luci-" Napatigil ang aking sasabihin nang may babaeng sumigaw sa loob ng cafeteria.

"Gusto kita, Creed! Mahal kita!" I turned to the woman's direction and saw her crying in front of Creed's table. Isang table ang nasa harap namin ni Lucille at sa harap noon ay ang table nila Creed.

Natigil ang bulungan at kwentuhan ng mga tao sa cafeteria dahil sa sigaw na iyon. Naagaw ng babae ang atensyon ng lahat.

I can't see Creed's emotion because I'm facing his back. Beside him is Mirae. In front of them is Astrid and the famous Archer because of his ton of girls.

Mirae gestured something and her mouth opened, hudyat na may sinabi ito sa babae ngunit mahina iyon kaya naman kahit medyo malapit ang table namin sa kanila ay hindi iyon rinig. Siguro ay sinadya na rin ni Mirae iyon para walang ibang makarinig sa kung ano man ang sinabi niya. Umiling ang babae at nanatiling nakatayo sa harap ng table nila Creed.

My God! Nakakawala ng class ang ginawa niya. I would never do that. Ano ba ang mapapala niya sa ginawa niya? Wala naman kung hindi ang mapahiya sa harap ng marami, lalo na mukhang walang pakealam si Creed.

"You know who is she?" Tanong ko kay Lucille ngunit hindi tinatanggal ang tingin sa babae.

"That's Cerys, I think she's crazy and obsessed with Creed. Balita ko ay tinatakot niya ang mga babae na nagkakagusto kay Creed. Yung iba natatakot, yung iba naman walang pakealam."

Taming The Night [Cosmos Series#2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon