Kabanata 8

3K 109 9
                                    

"Anak, sigurado ka na ba sa desisyon mo?" Hindi ko na mabilang kung ilang beses na naitanong ni Mommy sa akin ang tanong na iyon. Isa lang isinasagot ko sa kanya at mananatiling iyon ang sagot ko.

"Yes, Mommy." I answered as I smiled at her, I wonder if it reached my eyes.

"Kaya mo ba? I mean, wala ako roon para gabayan ka, Lavinia."

"I'll be okay. I'll be back maybe after my college graduation."

She sighed. "We'll visit you once a month."

I nodded. Nang lumabas si Mommy sa aking kwarto ay mapait akong napangiti nang maalala ang nangyari kay Creed at sa anak ko. Creed's memory was triggered the time that I told him that he's the father on my child. Habang ang anak ko ay namatay sa loob ng aking sinapupunan.

That day, I woke up hoping that everything was just a bad dream. That my baby is still alive and nothing bad happened to Creed at hindi ako nabura sa memorya nito. Pero kahit anong gawin ko ay ginigising ako ng katotohanan na hindi isang panaginip ang mga nangyari.

Hindi ko na namalayan ang bilis ng paglipas ng mga araw. Its been five years since that accident happened ngunit malinaw pa ang lahat sa akin na para bang kahapon lang nangyari ang lahat.

It has been five years since I left because I don't know how face Creed after what happened to our child. Kasalanan ko ang ano mang nangyari sa anak namin. Wala akong maaaring sisihin kung hindi ang sarili ko. They were always telling me to take care of my self for the baby but I didn't listen.

Wala akong balita tungkol kay Creed sa loob ng limang taon at hindi ko alam kung may karapatan pa ako para makibalita. Hindi ko alam kung bumalik na ba ang memorya niya ngunit gusto kong hilingin na sana ay hindi pa. Dahil ang sakit isipin na hindi niya ako hinanap kung bumalik na ako sa memorya niya. Si Cerys naman ay hindi pa rin nahahanap. Walang may alam kung buhay pa ito kung ano ang nangyari rito.

It's been five years and I already graduated. Wala akong balak umuwi ng Pilipinas kung hindi lang dahil sa magulang ko at kay Lolo.

Si Lolo ay kinukulit na ako tungkol sa Amherst. Mom and Dad keeps on telling me that they want a grandchild. Hindi na raw sila bumabata ni Daddy.

Mommy told me that I have a fiance at kaylangan ko raw makipagkita rito kaya pinauwi ako nila Mommy. I have no problem with that but I hope she's not expecting me to marry whoever that fiance she's talking about. I don't have a plan to marry anyone if it isn't Creed.

It's been a year, sabi ko sa sarili ko ay babalik ako sa States matapos ang pakikipagkita ko sa fiance na nahanap ni Mommy para sa akin. Taon na ang nakalipas ngunit hindi pa ito nauubusan ng ipapares sa akin kaya hindi na ako nakabalik. Hindi ko na mabilang kung ilang ang naging fiance ko na hindi ko naman sineryoso. Sinusunod ko lang ang gusto ni Mommy ngunit wala akong balak seryosohin ang mga iyon dahil isa lang ang gusto kong pakasalan. Lalo't hindi ko nagugustuhan ang ugali ng iba.

Sa isang taon na pamamalagi sa Pilipinas ay wala pa rin akong lakas para harapin si Creed. Minsan ko ring nakita si Cerys ngunit wala akong balak na kausapin o lapitan man lang ito. Hindi ko alam kung kailan siya nahanap at wala na rin naman akong pakealam doon.

After six years I saw him again. I saw Creed, his arms were encircled around Cerys' waist at hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko roon.

Hindi ko alam kung nakakaalala na si Creed ngunit siguro ay bumalik na ang memorya nito dahil natatandaan ko na tinawag niya ang pangalan ko.

Maybe Creed's not for me. Maybe he's meant for Cerys at isa lang akong hadlang sa kanilang dalawa.

Its been six years. He moved on at ganoon na rin dapat ako. I need to move forward.

Taming The Night [Cosmos Series#2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon