Mirae already left but her word's still flashing back on my mind.
"Crizzy is your daughter, do you understand?" She rolled her eyes as she crossed her legs.
"I as was saying, your grandfather have something to do with it. He paid your ob-gyn or more like, blackmailed her, para palabasin na patay ang batang ipinanganak mo. He's the reason behind all of these. Ang nagawa lang niyang maganda ay noong nagdesisyon siya na iwan ang bata kay Creed." I can feel Mirae's anger but she's trying to control it using a mocking voice while my tear's flowing down my cheeks and I still can't find a voice to speak.
I was back to reality when the door of my office swiftly opened and saw a familiar built of a man. Mariin ang bawat titig niya sa akin at para bang umuusok ang tainga. I can even see the veins on his neck.
Mariin akong napapikit at napahilot sa aking sentido bago tuluyang pinalis ang mga luhang naglalandas pababa sa aking pisngi.
"What the hell did you do, Lavinia?" I almost rolled my eyes at my Lolo. Mabuti na lang ang napigilan ko ang akin sarili.
Tumayo ako at sinalubong ang mga titig niya. "Should I be the one asking you that?" I asked with my voice full of sarcasm. Marahas kong inilapit sa kanya ang mga papeles na ibinigay sa akin ni Mirae. Naroon din ang mga litrato ni Lolo kasama ang doktora ko pati na rin ang resulta ng DNA test namin ni Crizzette.
Bahagya naman siyang natigilan at napatitig sa mga dukomentong nakapatong sa aking lamesa. Nasisiguro ko na kitang-kita ni Lolo ang mga iyon.
"Now tell me, what the hell did you do, Lolo!" Malaki ang respeto ko kay Lolo at hindi iyon mawawala ngunit ngayon ay hindi ko mapigilan ang sarili na hindi magtaas ng boses. Six years, almost seven years and I thought I lost my daughter. I can still remember the days that I can't sleep while thinking of the daughter that I lost. Ngayon ay malalaman ko na buhay ang anak ko at si Lolo ang may kasalanan kung bakit hindi ko siya nakasama ng ilang taon.
"Saan mo nakuha ang mga ito?" He asked while he's still looking at the documents on my table.
"So totoo nga?" Sarkastiko akong napatawa sa aking sarili.
Hindi ako sinagot ni Lolo. I felt my tears on my cheeks and I immediately wiped it. "Of course! Lahat 'yan totoo. Paano mo nagawa 'to sa'kin? Apo mo ako, Lolo. Dapat-" Napahinto ako sa sasabihin at napasinghap. I slowly shook my head. "Hindi mo nga pala 'ko apo."
Napabaling sa akin si Lolo at mariing nagsalita. "You are my granddaughter."
I tilted my head as I sarcastically turned to him. Patuloy na naglalandas ang aking mga luha sa aking pisngi ngunit hindi ko na iyon binigyang pansin. "Yes. Maybe I am your granddaughter, dapat ay kilalang kilala na kita, bakit ba nakalimutan ko? I should know how desperate and selfish you are! Lahat ng gusto mo, dapat nasusunod, dapat nakukuha mo!" I intently look at him and I saw glint of pain in his eyes. "Ano naman ang rason mo ngayon? Saan mo pinagpalit ang kaligayahan ng sinasabi mong apo mo?"
Akala ko ay hindi na siya sasagot sa tagal niyang nakatitig lang sa akin. "You can't focus on Amherst if you have a daughter."
I felt my jaw fell opened as my lips trembled because of his answer. Ilang beses akong napakurap bago nahihiwagaang napatingin sa kanya. "Dahil lang doon? I can't believe you're that selfish. Sino pala ang nakaburol sa mausoleo na ilang taon kong iniiyakan?"
Nagiwas ito ng tingin sa akin bago ako tuluyang sinagot. "Wala." Muli siyang bumaling sa akin at nagtama ang aming mga mata. "Patawarin mo ako, apo." He looks sincere but I can't, hindi ko pa kayang ibigay sa kanya ang hinihingi niya.
"Maibabalik ba niyan ang mga taon na hindi ko kasama ang anak ko? 'Yong mga oras na araw-araw akong lumuluha at nagluluksa sa wala?" I can feel my heart clenching everytime I think about the years that I spent without Creed and my daughter.