I pressed Creed's pass code and his condo unit opened.
Dalawang linggo na ang nakakalipas mula nang magpakita si Cerys dala ang balitang buntis ito. I left them after telling Cerys that I want a paternity test after the baby came out.
I went back to our house, devastated. Ilang minuto lang ay nakasunod na sa akin si Creed ngunit hindi ko ito nilabas. I can still remember my Mommy asking me why but I didn't answer.
Kalaunan ay nalaman din nila Mommy ang nangyari. I don't know how but maybe Creed told them.
Tita Merida and Mommy wants to call off the engagement. Tita said that Creed needs to marry Cerys kung mapapatunayan na si Creed ang ama ng dinadala ni Cerys. While Mommy wants to call off the engagement because she's not pleased on what happened. Sino nga bang magulang ang matutuwa sa nangyari? Si Dad naman at si Tito Kristoff ay sa amin ni Creed ibinibigay ang desisyon. They said that if we still want to marry each other then they'll support us.
Sa loob ng dalawang linggo, kulang nalang ay sa amin tumira si Creed dahil araw-araw iyong pumupunta sa amin para kausapin ako ngunit hindi ko ito nilalabas. Maaga pa lamang ay nasa bahay na ito at aabutin na iyon ng gabi sa kahihintay. Kung hindi lang pinapauwi ni Mommy ay baka sa amin na ito nakatira.
Hindi ko alam kung paano siya haharapin. What if he's the father of Cerys' child? Ayokong angkinin sa bata ng pagkakataon na magkaroon ng buong pamilya. Bagay na hindi naibigay sa akin ng totoo kong ama. I love Creed at kung anak niya nga ang dinadala ni Cerys ay ayokong lumaki ito na may pagkamuhi kay Creed dahil lang ako ang pinakasalan ng kanyang ama at hindi si Cerys. Alam ko kung ano ang pakiramdam noon, I know how much I hate my father for marrying other woman. I have Daddy Robs but there's still a hole in the inside. My real father died, at hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataon na mayakap ito.
I was about to gave Creed up but I changed my mind after talking to Lucille. I can still remember her exact words.
"Isusuko mo nalang si Creed? We all know how much he loves you, at alam kong mahal mo rin siya. Come on, wake up! Where's the selfish bitch that I know?" Lucille angrily muttered. She went to our house just to nag. Hindi pa sumisikat ang araw ay nasa bahay na siya.
I was shocked because of what she have said. Akala ko ay sasabihin nito na hayaan ko na si Creed kay Cerys. I don't know why we became friends because our attitude was totally opposite pero nagkakasundo rin naman kami sa maraming bagay. Sa aming dalawa ay ito ang palaging nasa tama. I remember the first time that we went to a night party, hindi ito pinayagan ngunit tumakas. Sa huli ay agad din itong umuwi dahil nakokonsensya sa ginawa.
Umupo ako sa aking kama at hinarap si Lucille. "I thought you hate that selfish bitch?"
She rolled her eyes on me. "Oh, fuck that! I know who my friend is and you're not Lirae Verania if you're not a selfish and a bitch. Do you want to attend Creed's engagement with Cerys? If you don't want then go get him!"
That was Lucille's last words bago ako nagdesisyon na pumunta sa condo ni Creed. Maaga pa kaya naman naunahan ko siya bago pa ito makapunta sa bahay namin.
Hindi pa tuluyang bumubukas ang pinto ng condo ni Creed ay narinig ko na ang mga pamilyar na boses mula sa loob.
"You planned this with Cerys, don't you?!" Creed angrily muttered. Hindi iyon masyadong malakas ngunit sapat iyon para marinig ko.
"What the fuck, Creed? Bakit ko naman gagawin 'yon?" I heard Mirae muttered.
"You don't like Lavinia!" Ito ang unang beses na nakita at narinig ko na galit si Creed kay Mirae.
![](https://img.wattpad.com/cover/226854996-288-k594473.jpg)