"Mamita's looking for you." Lucille muttered the as she sat down on the chair beside me.
"May shoot daw?" I asked. At first, I do modelling just to ease boredom whenever I have nothing to do. Pero ngayon hobby ko na ang pagmomodel. Madali lang naman, pero kung busy talaga at hindi kaya ng time tinatanggihan ko nalang. Lucille is also a model at minsan magkasama kami sa iisang shoot.
Okay lang naman kay Mommy at Daddy, yun nga lang si Creed ang hindi masyadong gusto ang ginagawa ko. Lalo na kapag daring ang mga shoots. I remember the last time na nagmodel ako sa isang brand ng lingerie, muntik na namin iyong pagawayan dahil ayaw niya akong payagan. Sa huli ay wala itong nagawa dahil nakapirma na ako sa kontrata. Habang kinukuhanan ako ay nanonood siya. Naaalala ko pa ang walang tigil na pagigting ng kanyang panga.
"Oo, next week. Swim wear kaya ingat muna sa figure."
I nodded on what she have said. Lagi naman akong ingat sa figure even though walang shoot.
"Anyway, house party mamaya sa bahay nila Niles. We're invited." Friday so maybe we can go.
I nodded. "Papaalam ako kay Creed." Kahit na alam ko na hindi ito papayag.
"Speaking of Creed, last time nakasalubong ko sa mall si Cerys at hinahanap kayong dalawa ni Creed sa'kin." Napangiwi ako sa sinambit ni Lucille that bitch! Hindi talaga titigil kahit hindi siya pinapansin ni Creed. Hindi ba niya kayang tanggapin ang rejection? If I'm in her situation, I'll be happy for Creed at hindi na ako manggugulo o maghahabol.
Magiisang taon na kami ni Creed at magiisang taon na rin na ginugulo ni Cerys ang relasyon namin. Naalala ko ang pinakamalalang away namin ni Cerys. That was the time na nalaman niya ang relasyon namin ni Creed at ikakasal kami.
She was fuming mad. She confronted me, kung ano-ano ang pinagsasabi niya sa akin. Kasalanan ko ba na ako ang nagustuhan at hindi siya? Is it my fault that Creed loves me?
Wala akong plano na patulan siya dahil bukod sa nasa school kami ay ayoko ng patulan ang isang katulad ni Cerys na walang class. But she slapped me in front of my blockmates. Doon naputol ang pasensya ko. I slapped her twice and pulled her hair. Naaalala ko pa kung paano lumampaso ang mukha nito sa sahig dahil sa ginawa ko. Fuck class! Wala na akong pakealam. I am an Amherst and no one treated me the way she does.
We both ended up inside the detention. Dapat ay suspended kami ng dalawang linggo ngunit nagawan ng paraan ni Mommy ang sa akin, kaya si Cerys lang ang nasuspend.
That time ay nagalit si Creed kay Cerys. Lalo noong nalaman nito na sinampal ako ni Cerys. Pinagsabihin din naman ako ni Creed ngunit hindi siya nanalo sa akin at sa huli ay napabuntong hininga na lang at napayakap sa akin. I can still remember his eyes. He looked so calm yet worried.
May sasabihin pa dapat si Lucille ngunit dumating na ang professor namin kaya't natigil ito.
I looked around Niles' place. We're still outside the house but even here, we can still hear the loud sound of music from the inside. Sa entrance pa lang ay sinalubong na kami ng blockmates namin na si Haley. She's Niles' girlfriend.
"Lucille! Vinia! You're both late!" Salubong nito sa amin bago kami iginiya papasok sa loob.
"Ito kasing si Lavinia ang tagal!" Pabiro niya ba akong tinaasan ng kilay.
"Nagpaalam pa 'ko kay Creed." Simpleng sagot ko sa kanila.
"Pumayag naman ba?" One of my blockmates asked. Napunta na sa amin ang atensyon ng karamihan.
I shrugged. Nagpaalam ako kay Creed. I said that I'll go to a house party. Hindi ko sinabi kung saan dahil alam ko na pupuntahan niya ako kapag nalaman niya kung saan. Hindi rin ako pinayagan ngunit pumunta pa rin ako. I know that he will be mad if he'll know that I went to this house party, siguro ay susuyuin ko nalang bukas kapag nagalit.