"Hindi ko siya kayang layuan" Saad ko kay Belle isa sa mga kaibigan ko.
"Tsk Olympics Gatchalian isa kang baliw" Sabi niya sabay irap sa akin. "Di mo naman siya kailangan layuan duh may boyfriend lang ang bestfriend mo" Sabi niya at umirap ulet. "Uuwi nako para kang tanga tss" huli niyang sinabi at umalis na naiwan akong mag isa sa loob ng Cafe.
Pauwi nako sa apartment na aking tinitirhan pababa na ko sa aking kotse ng makita ko si Ara at Vince naglalakad at magka holding hands hinatid nito si Ara sa gate at hinalikan ito sa noo. Di nag tagal ay naglayo na sila at pumasok na si Vince sa kanyang sasakyan si Ara naman ay kumaway sa papaalis na sasakyan nagapdesisyunan ko nang bumaba.
"Oly" tawag niya sa akin. "O?" tanong ko. "Iniiwasan mo ba ako?" tanong niya wala akong maisagot nakatayo lang kami ni di ko siya matignan "Netong mga nakaraang araw kasi napapansin ko na nagiging mailap ka may nagawa ba akong mali?" dagdag niya. "wala" Sabi ko at pumasok na sa loob ng bahay dumiretcho ako sa banyo at naligo pag labas ko ay nakaupo na siya sa higaan ko di ko siya pinansin at nahiga na sa aking kama at pinilit kong matulog kahit alam kong nakatingin siya sa akin.
Kinabukasan maaga akong nagising sinadya ko talaga gumising ng maaga para di niya ako makita pag gising niya heto siya sa tabi ko tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa aking baywang gumalaw naman siya.
"Olympics" inaantok na tawag niya sa pangalan ko nagkukusot pa siya ng kanyang mata at naupo sa aking kama.
"Matulog ka muna maaga pa" Saad ko. Tumingin naman siya sa akin ngunit pumasok na ako sa banyo nang matapos ako maligo ay lumabas nako at nag bihis wala na siya at maayos na ang higaan siguro bumaba na siya sa kusina.
"Olympics" tawag niya sa akin kasalukuyan akong nasa kusina nagluluto siya ng almusal ako naman ay kumuha ng mineral na aking babaunin sa pagpasok. "Kain na tayo" Saad niya.
"Hindi na ikaw nalang may gagawin pa kasi ako" Saad ko sabay pagiwas ng tingin sa kanya humakbang nako papunta sa pintuan isasara ko na sana to ng lingunin ko siya nakayuko siya sa lamesa at kinukusot ang mata halatang na iiyak ito.
"Nagbago na isip ko dito ako kakain" Saad ko na pataas naman siya ng tingin sakin Tama ako umiiyak siya hinawakan ko ang mukha niya at pinahid ang luhang tumutulo sa mga mata niya.