Nahiya ako sa pinag gagawa ko kay Olympics ni hindi ako makatingin sa kanya. Nakahiga ako patalikod sa kanya. Di kalaunan ay nakatulog na ako.
Pag gising ko ay wala nang Olympics sa tabi ko. Nag ayos ako at bumaba.
Nang makababa ako ay nakita ko si Olympics na may kausap sa may pintuan. Para bang galit ito sa kanyang kausap napagdesisyunan kong magtago sa gilid at makinig na sa pinagtatalunan nila.
" Ano ba Satina ang kulit mo sabi ng hindi ko anak yan." Saad ni Olympics.
"Anak mo ito. How dare you Oly. Pinagbibintangan mo ba akong may ibang kinakalantare." Saad ni Satina sinampal nito si Olympics.
"Look Satina one night stand lang ang nangyari sa ating wala nang iba." Saad nito.
"Oly anak mo nga ito." mangiyak ngiyak na Saad ni Satina.
"Oo kung anak ko nga yan papanagutan ko ang bata wag mo na kaming guluhin Satina umuubra na ang plano ko kay Ara wag mo nang guluhin unti unti na siyang bumabalik sa akin." Saad nito.
Lumabas ako sa pinagtataguan ko napatingin naman sila sa akin pinunasan ko ang luha ko at walang emosyong tumingin sa kanila.
" Kunin mo na ang mga gamit mo sa taas, Makakaalis ka na sa pamamahay ko. "Walang emosyon kong Saad kay Olympics.
Tumingin naman ako kay Satina na ngayon ay gulat na gulat. Malaki na ang tiyan nito mukhang nadale siya ni Olympics habang nakakulong ako.
" W-wait magpapaliwanag ako. " Saad ni Olympics.
" Wala ka nang ipapaliwanag pa narinig ko ang lahat Makakaalis kana." Saad ko.
"Ayoko, hindi ako aalis." Saad nito.
" Okay edi ako ang aalis." Saad ko.
Umakyat ako upang tumungo sa aming kwarto kinuha ko ang maleta ko at nag alsabalutan.
Pumasok naman si Olympics sa kwarto at in aalis ang mga gamit na nilalagay ko sa maleta.
"Putcha naman Olympics." galit na Saad ko binato siya ng damit na hawak ko.
Sapul ito sa mukha niya na mula ito ngunit wala akong pakielam.
Kinuha ko ang maleta ko at bumaba nandon pa din si Satina mukhang natataranta ito. Nasa huling hagdan na ako ng hawakan ni Olympics ang maleta ko.
Hinampas ko ito sa kanya. Natamaan ang kanyang binti kaya napaupo ito sa hagdan.
Dali dali akong nag lakad paalis ng sarili kong bahay. Sumakay ako sa sasakyan at pinaharurot ito paalis.
Hindi ako sinundan ni Olympics malamang ay hindi non alam kung saan ako pupunta.
Dumiretcho ako sa building na tinitirhan ng aking kapatid kumatok ako sa pinto at nang buksan niya ito ay agad ko siyang niyakap at napahagulgol ng iyak. Niyakap niya ako pa balik at hinagod ang likod ko.
Pumasok kami sa unit ang asawa niyang si Liriko ang nag pasok ng maleta ko sa loob.
Kasalukuyan akong nakaupo sa sofa. Inabutan ako ni Ally ng tubig Ininom ko ito nang mahimasmasan.
" gago talaga yong Olympics na yon." gigil na Saad ni Ally.
" Calm down woman." Saad ni Liriko.
" Kalma Ally okay lang ako. Tatawagan ko nalang si Trophy Uytengsu magpapabook ako ng flight pa balik sa New York okay lang ako." Saad ko bumuntong hininga naman ito at niyakap ako ulit.