Chapter 5

8 0 0
                                    

"nambababae siya Olympics nakita ko sila" Saad ni Ara habang lumuluha ako naman ay may hawak na tissue at hinihimas ang likod niya kanina pa ayaw tumahan.

"tsk" yan lang ang lumabas sa bibig ko.

"Oly mahal na mahal ko siya di ko kakayanin pag hiniwalayan niya ako" Saad niya habang umiiyak.

" madami pa namang lalaki Dyan di lang si Vince" Sabi ko

"ayoko sa iba siya lang gusto ko Oly" Saad niya.

"matulog nalang tayo" Sabi ko sa aking isip isip ay si Ara lang din naman ang gusto ko.

"Oly pa yakap" Saad niya niyakap ko naman siya ng mahigpit at hinayaang umiyak ng umiyak sa aking dibdib hanggang sa makatulog.

Kinabukasan maaga akong nagising at nagbihis napagpasyahan kong mag review muna sa may sala nasa kalagitnaan ako ng pag rereview ng marinig kong may nag doorbell.

"Bat ka nandito" Saad ko ng buksan ko ang pinto at tumambad saakin ang walang kwenta ng lalaki na nag paiyak sa babaeng mahal ko.

"Where's Calista?" diretchong tanong niya.

" Tulog pa" Sabi ko wala namang pasintabi ay tinabig niya ako at pumasok sa loob ng aking pamamahay.

"CALISTA" sigaw niya binuksan niya ang mga pinto sa pamamahay ko at nang makita niya ang kwarto na tinutulugan ni Ara agad siyang pumasok don.

"What the fuck is wrong with you Calista" Saad niya ng pasigaw na boses si Ara naman ay nakaupo na sa higaan at takot na nakatingin sa kanya.

"Vince mahal kita ayoko nakipag hiwalay sayo" Saad ni Ara na may halong pagmanakaawa na nagpa tigil sa tibok ng puso ko.

"Calista can't you see that we're so damn over fuck why did you text Sabina huh" galit na Saad nito

"Hindi kita basta basta ibibigay nalang sa kanya Vince wala akong pake sa babae mo basta nasa akin ka wala akong pake kahit anong gawin niyo wag lang kayo magpapakita sa akto sa akin sisiguraduhin kong alam mo ang mangyayari kilala moko Vince alam mo kung paano ako magalit" Saad niya sa nakakatakot na tono.

"You're unbelievable Calista" Saad ni Vince at walang pasabi ay umalis siya sa inuupahan ko.

"hays" Napabuntong hininga naman si Ara.

" bat ayaw mo pa siya pakawalan?" tanong ko kay Ara.

"mahal ko siya Oly makikipagpatayan ako pag naagaw siya sa akin" mahinang sabat ni Ara.

"andito naman ako a bat ayaw mo pang pakawalan ang gagong yon" Saad ko ng may halong galit.

"Oly eto na naman ba tayo?" Sabi niya.

"wag wag mo na ituloy alam ko naman na ang sasabihin mo uulitin mo lang ulit sinabi mo sakin 1 year ago" Sabi ko.

"I'm sorry" Sabi niya at niyakap ako.

"Bata ka pa kasi Olympics madami ka pang mahahanap na kasing edad mo" Sabi niya sa akin.

"Aalis na ko" Sabi ko sabay kuha ng backpack ko sa side table.

"Olympics mahal kita para na kitang nakababatang kapatid ayokong saktan ka kaya mas magandang hanggang dito lang tayo" pahabol niya hindi ko na siya nilingon pero narinig ko ang sinabi niya.

A Not So Happy Ending (Olympics Gatchalian) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon