After what happened earlier napagdesisyunan kong isabay siya sa pagpasok hindi din naman siya masusundo ng Vince na yon dahil may practice daw.
"Olympics" tawag niya sa akin kasalukuyan kaming nasa loob ng sasakyan at nagkukwento siya ng kung ano ano.
"ha?" Saad ko dahil Naka focus ang mata at isip ko sa daan.
"Sabi ko tuloy ba tayo sa bakasyon?" Saad niya.
"hindi ko alam" Sabi ko. December na sa susunod na linggo nakaugalian namin na umuwi sa kanila tuwing bago mag pasko ang pamilya niya ang lagi kong kasama tuwing pasko at bagong taon dahil hiwalay na ang magulang ko at may kanya kanya na silang pamilya.
"tss. hahanapin ka nila mama sasama ka sakin sa ayaw at sa gusto mo" Saad niya. Nagkwentuhan lang kami hanggat makarating sa paaralan naghiwalay kami nung pagpasok na sa gate dahil magkaiba kami ng building na pinapasukan.
Kinuha ko ang aking notebook sa bag at napagdesisyunan na magreview habang naglalakad."woy!" sigaw ni Ally kaklase ko at sabay akbay sa akin.
"wag ka ngang manggulat" Saad ko habang hawak hawak ang aking dibdib.
"Olympics pa kopya alam kong may assignment ka" Saad nya walang salisalita ay inilahad ko sa kanya ang aking notebook.
"aray!" sigaw niya dahil tumama ito sa kanyang mukha tumingin siya ng masama sakin habang himas himas ang noo.
Pagkatingin ko ay namula ang noo niya kung saan siya tinamaan ng note book lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang baba itinaas onti ang kanyang ulo.
"Are u okay?" tanong ko ng may halong sinseridad habang nakatingin sa mga Mata niya.
"iloveyou Olympics" Saad niya sakin sabay hawak sa likod ng aking ulo at pinaglapit ito hinalikan niya ako sa labi.
tumagal din ang ganong sitwasyon namin ng may umubo sa gilid namin.
"ehem" Saad nito. Napalingon naman kaming dalawa ni Ally nanlaki ang aking Mata ng makita ko kung sino yon si.....
"Ara".