Nasa byahe kami papuntang San Andres kung saan nag umpisa ang pagkakaibigan namin.
Ilang taon na kaming mag kaibigan ni Olympics. Nasa tabi niya ako sa lahat ng mahahahalagang pangyayari sa buhay niya.
First Year High School siya nang maghiwalay ang magulang niya. Sa murang edad nagalsabalutan siya at nilisan ang kanilang bahay.
Saamin siya nakatira hanggang maka graduate siya ng High School.
Nang grumaduate siya napagpasyahan niyang makipagsapalaran sa Manila ako naman ay naiwan sa San Andres. Masasabi kong grabe ang naging hirap niya. Estudyante sa umaga service crew sa gabi lahat ata ng trabaho pinasok nito.
Hanggang sa makakuha siya ng scholarship libre lahat pati apartment na kanyang tinitirahan.
Sabado at Linggo ay pumupunta ako sa Manila upang dalawin siya.
Ngunit isang araw ang nagkaroon kami ng matinding pagtatalo ng aking magulang. Nang maging kami ni Vince lumayo ang loob ko sa lahat halos mapabayaan ko ang pag aaral ko na naging ugat ng pagtatalo namin ng magulang ko napagdesisyunan kong pumunta sa Manila at mamuhay dala ang ipon ko. Naging online seller ako pinagsabay ko ito sa pag aaral hanggang sa lumago ng lumago napag sasabay ko ang pag aaral at pagpapatakbo ng negosyo.
Nakabili ako ng bahay na hindi nalalaman ng lahat. 2nd year college ako ng makilala ko si Ally ang kapatid ko sa ama nung una ay nagalit ako sa kanya at sa magulang ko dahil tinago nila ito ng napaka tagal. Di tumagal ay natutunan ko din mahalin ang kapatid ko itinago namin to sa publiko kami lang ng mama at papa ko ang nakakaalam ng tungkol kay Ally.
Isang gabi ay biglang may kunatok sa bahay ko pag bukas ko ng pinto ay nakita ko si Ally na basang basa ng ulan. Medyo sira sira ang kanyang damit at umiiyak ito. Napag alaman ko na muntikan na itong molestiyahin ng kanyang ama amahan ang asawa ngayon ng mama niya. Dahil sa nangyari nagsampa kami ng kaso at napagdesisyunan ko na sa akin na titira si Ally.
Magkasing. Edad lang si Ally at Olympics mas matanda ako sa kanila ng isang taon graduating na ako.
"Lalim ng iniisip natin a." Saad ni Olympics.
"Oo nga ate." Saad ni Ally.
Magkakasama kaming tatlo uuwi kami sa San Andres para mag bakasyon dahil dito namin balak mag pasko.
" May iniisip lang ako." Saad ko.
" Ate nakita ko si Sabina at Kuya Vince nung isang araw mukha silang masaya." Saad ni Ally.
" I let him go." Saad ko na patingin naman sa akin si Olympics at napangiti.
"Gagraduate kana?" Saad ni Oly na nakatingin pa din sa Daan dahil siya ang nagdadrive.
" Yes." sagot ko.
" Anong plano mo ate after ng graduation mo?" tanong ni Ally.
" I'm planning to leave." Saad konapatingin naman sa akin si Olympics. "Pupunta akong New York balak ko mag trabaho don." dugtong ko.
"Bakit hindi mo sakin sinabi?" tanong ni Olympics. "Wait magbobook na din ako ng ticket pag dating natin sa San Andres sasama ako sa New York ." dugtong niya na ikinagulat ko.
"no."saad ko. " stay here finish your studies. " Saad ko.
" so hindi pala ako kasama sa plano mo." Saad niya at mapait na ngumiti.