Maaga akong nagising bumungad sa akin ang maamong mukha ni Olympics.
Tinanggal ko ang pagkakayakap nito upang makaligo at mag luto ng aming kakainin.
Nasa kalagitnaan ako ng pagluluto ng may kumatok sa aking pinto. Pagkabukas nito ay bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Trophy Uytengsu na ikinainis ko.
"Ang aga mo naman mangambala." Saad ko sa apat na buwan ay araw araw siyang nag pupunta sa sa bahay ko.
"Well I have a problem." Saad niya dumiretso ito at prenteng umupo sa sofa.
"Lagi ka namang may problema sa apat na buwan iisa lang pinoproblema mo." Saad ko.
"Bakit anggulo niyong mga babae." Saad niya sakin.
"Hulaan ko Donya Maria Ompauco?." Saad ko.
"Yeah it's kinda Ahm." Saad niya na tila ba nagiisip.
"Ayokong madamay sa kalokohan mo Mr. Uytengsu." Saad ko.
Pinatay ko ang gas stove at umupo sa tabi niya inakbayan niya naman ako. Ganito kami sa apat na buwan.
"Bakit kasi napaka sungit ni Maria sakin." Saad niya.
"Gago suyuin mo kase." sabay batok ko sa kanya.
Nagkwentuhan kami ng nagkwentuhan ni Trophy.
"ehem."
Napalingon kami dito nakita ko si Olympics na kakababa lang.
"uhm hi bro." Saad ni Trophy
"anong ginagawa mo dito Uytengsu?" maangas na sabat ni Olympics.
"ahm I think I should go." Saad neto. Tumingin ito sa gawi ko at hinalikan ako sa pisngi bago umalis.Natawa naman ako sa reaksyon neto.
"at natutuwa ka pa." Saad ni Olympics. "halika nga dito." Saad niya hinila niya ako paupo sa kandungan niya at pinunasan ang pisngi ko na hinalikan ni Trophy.
"Bat ka ba nagpahalik do ha." Saad neto ng malumanay halatang pinipigilan niya sumigaw.
Tumayo ako at tumingin sa kanya.
"kumain ka na." Saad ko.
" Tara kain na tayo." Saad niya.
"papasok ako sa opisina ngayon Oly." Saad ko.
ngumisi naman ito at tumingin sa akin ng malamig.
kinuha ko ang bag ko na nakalapag sa may couch ibinaba ko na ito kanina.
" may namamagitan ba sa inyo ng ungas na yon?"saad niya.
" wala ka na don Oly."Saad ko.
"PUTANGINA." Saad niya at binato ang basong may lamang tubig.
nagulat naman ako dito.
hindi pa siya nakuntento at ibinato ang lagayan ng ulam na niluto ko." Olympics ipapaalala ko lang sayo nasa pamamahay kita." malamig ngunit malumanay kong saad sa kanya.
medyo nahimasmasan naman ito.
" linisin mo ang mga kinalat mo." Saad ko dito at lumabas na habang kinakalma ang sarili.
mabuti nalang ay hindi niya na ako sinundan kundi masasapak ko siya.
dumiretso ako sa kumpanya pagkatapos ng nangyari. tatapusin ko lahat ng naiwan kong gawain kagabi.
lumipas ang mga oras napag desisyunan kong umuwi. nasa harap ako ng aking pamamahay napansin kong nakapatay ang mga ilaw.
pumasok ako sa loob nilinis niya nga ang mga nag kalat kanina. may nakahain na ding pagkain. ngunit walang baka ni Olympics don.
napagdesisyunan kong umakyat sa itaas at silipin kung nandon siya.
Pagkabukas ko ng pinto ay madilim ito. Binuksan ko ang switch ng ilaw at nilibot ang paningin ko.
napatakbo ako ng makita ko si Oly na nakaupo sa gilid ng aking higaan.
" Oly anong mangyayari sayo?" Saad ko nanginginig ito at nakatakip ang mga kamay sa dalawang tenga. hinawakan ko ang pisngi nito at pinaharap sa akin.
"g-galit ka sa akin." utal at malungkot nitong saad napabuntong hininga naman ako.
"Oly hindi ako galit." Saad ko habang nakahawak pa din sa kanyang pisngi tinignan ko ito sa Mata.
"g-galit ka nakita ko yon kanina k-kalma ka l-lang mag salita p-pero galit ka." Saad nito na para bang bata na pautal utal.
niyakap ko ito ng mahigpit upang mapa kalma.
"Oly hindi ako galit." Saad ko bumitaw ako sa kanya at ngumiti. "kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya umiling naman ito.
"Tara na sa baba tikman natin ang niluto mo." kalmado kong saad at tinulungan siyang tumayo.
magka hawak ang aming kamay ng bumaba napansin kong nakayuko lang ito. napairap ako ngunit kinalma ang sarili ngumiti ulit dito.
"Oly kain ka madami a tignan mo ang payat payat mo na." Saad ko habang nilalagyan ng kanin ang plato niya.
"w-wala ka kasi e kaya h-hindi ako nakakakain ng M-maayos" utal utal niyang saad tinitigan ko naman ito. kaya ito pumayat dahil wala ako saad ko sa aking isipan.
"nandito na ako kaya kumain ka ng madami." Saad ko ginulo ko ang kanyang buhok. magiliw naman itong kumain.
"s-sorry sa g-ginawa ko kanina di na yon maulit." Saad niya.
kinalma ko ang aking sarili bago mag salita.
" bakit ka ba nagalit kanina?" tanong ko.
" I'm jealous." maiksing saad niya yumuko ito at hindi na ako nag salita.