Chapter 16

8 0 0
                                    

"Iha pasok ka." Saad ng mama ni Olympics.

Malaki ang bahay nito.

"Ihahatid kita sa kwarto niya" Saad nito ulit.

"Jaime anong nangyayari?" tanong niya sa lalaking kaedaran niya ito ata ang stepfather ni Olympics.

"Narinig kong nagbabasag na naman ang batang iyan baka kung anong mangyari sa kanya Hilda" Saad nito.

"A-ako na po kakausap sa kanya" Saad ko na patingin naman ang mag asawa.

"Mag ingat ka anak kung may mangyari sigaw ka lang andito lang kami sa labas" Saad ng stepfather ni Oly.

Pumasok na ako sa kwarto niya at sinara ang pinto madilim ito kaya hinanap ko ang switch ng ilaw tumambad sakin ang basag na mga gamit at sinapak na flat-screen TV.

"Oly?" tawag ko sa kanya.

Lumingon naman ang lalaking nakatalikod sa akin siguro nabosesan niya ako.

Hindi na ito ang Oly na na kilala ko kinuha siya ng mama niya sa rehab dahil wala itong ginawa kundi mag wala.

Ang lalaking nasa harap ko ang mahaba na ang buhok hanggang balikat ito walang pang itaas at mahaba ang balbas namamayat din ito.

Tumingin siya sa gawi ko nagkatagpo ang mga mata namin nakita ko ang lungkot din.

" Ara ikaw ba yan nananaghinip ba ako?" Saad niya.

Tumango lang ako lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

" Isang taon na mahal ko." Saad niya. "Sinubukan kong ilabas ka sa kulungan nagmakaawa ako kay Daddy maniwala ka sakin." Saad niya nakayakap pa din ito sa akin.

"Wag mo na alalahanin yon." Saad ko. "Maligo ka" Saad ko.

Tumingin naman ito sa akin.

"Maliligo na ako pero sasama ka sa loob." Saad nito.

"Bakit?" tanong ko

" baka kasi iwan mo ko pag pumasok ako sa loob ng banyo."

" Hindi Isasama kita sa bahay ko pagkatapos mo maligo ang mag eempake na tayo ng gamit mo." Saad ko tumango naman ito.

Hinanda ko ang susuotin niya pinalinis ko na din ang mga bubog na nag kalat sa sahig at nagpadala na ng pagkain dito sa kwarto niya.

Papa labas na siya sa banyo ng hilain ko ulit siya pa balik naka twalya lang siya.

Pinaupo ko siya sa toilet.

" A-anong gagawin mo?" tanong niya.

"ahitin natin bigote mo mukha kang namang ermetanyo" Saad ko.

Inahitan ko siya at blinower ang kanyang buhok itinali ko ito parang man bun at lumabas na sa banyo.

Malinis na ang kwarto niya.

" Kumain kana." Saad ko at inilahad sa kanya ang pagkain na nasa tray.

" Feed me." Saad niya sinunod ko nalang ito para walang away.

Pagkatapos non ay Inilagay namin sa maleta ang mga damit niya onti lang iyon dahil isang buwan lang siya sa akin.

Pagkatapos non ay nagpaalam na kami sa mama niya at sa stepfather niya mabait ito. Nagpasalamat ng paulit ulit ang mama niya.

Pinaupo ko siya sa tabi ko ako ang nag drive para iwas aksidente.

Kuwento naman ito ng kuwento na para bang walang nangyaring masama sa amin.

Nang makarating kami sa aking bahay ay pinakita ko ang kwarto na tutulugan niya.

"ayoko dito gusto ko tabi tayo." parang batang pagmamaktol nito.

"okay." Saad ko ayaw ko na makipag talo.

Dinala ko siya sa kwarto ko at tinulungan mag ayos ng gamit.

Pagkatapos non ay nag bihis na ako ng pantulog at umupo sa mini office sa aking kwarto.

Si Olympics naman ay nakahiga at nakabusangot tinignan ko siya.

" Matulog kana Olympics" Saad ko.

" Bukas mo na tapusin yan tulog na tayo" Saad niya.

Pinatay ko ang laptop ko at lumapit sa higaan binagsak ko sa sarili ko sa kama niyakap ako ni Olympics at yumakap ako pa balik mukhang magiging maayos ang tulog ko neto.

A Not So Happy Ending (Olympics Gatchalian) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon