Chapter 20

6 0 0
                                    

nasa airport ako ngayon hinatid ako ni Ally at Trophy.

tinawag na ang aking flight kaya niyakap ko na sila at nagpaalam.

nag lakad na ako papunta sa aking sasakyan eroplano. tumingin ulit muna ako sa paligid umaasang pupunta si Olympics at pipigilan ako ngunit walang Olympics na dumating.dumiretcho na ako ng tingin pa tungo sa aking sasakyan. sadyang hindi niya ako hinabol.

malungkot akong bumaba sa taxi na akong sinakyan. nasa tapat ako ng aking dating tirahan sa New York bumuntong hininga ako at pinagpasyahan nang pumasok sa loob.

wala akong ginawa buong linggo kundi maglinis ng maglinis. isang linggo na ako dito sa New York walang Olympics Gatchalian na sumunod at nagmakaawa na maniwala sa kanya. balita ko ay engage na sila ni Satina kinuwento sa akin ni Ally sila ang laman ng pahayagang sa buong Pilipinas.

malungkot akong na patingin sa bintana pinagmasdan ang mga taong naglalakad.

araw, buwan at taon ang lunipas walang Olympics Gatchalian na nag pakita. siguro'y masaya na ito at kasal na siguro nga'y Ilan na ang anak nito kay Satina.

nagpatuloy ako sa buhay. iniwan ko ang kumpanya sa Pilipinas sa pangangalaga ng aking kapatid. ngayon ay lumalawak ito at nakapagpatayo din kami sa New York na ako ngayon ang namamahala.

si Trophy Uytengsu naman ay araw araw tumatawag sa akin. ilang beses din itong nagpabalik balik dito sa New York para lang kamustahin ako.

" Date tayo." Saad ng lalaki na katabi kong nakaupo sa sofa.

"eww Mr. Trophy Uytengsu pwede ba tigil tigilan mo ang panggugulo sa akin. hindi na ako makapag trabaho ng matino o." Saad ko.

"damot naman neto parang date lang e tsaka uuwi na ako mamaya sa Pilipinas." Saad nito.

" sige na lover boy mamaya wag kang malelate at ka kaltukan kita." Saad ko. Nagpaalam na itong babalik na sa hotel na tinutuluyan upang mag impake ng gamit.

kinagabihan ay sinundo ako ni Trophy Uytengsu. inalalayan niya ako papunta sa kanyang sasakyan at pinagbuksan ng pinto.

" gentle man a. "Saad ko sabay batok dito.

" wag ka nga magulo sinisira mo date natin e. " Saad nito at ngumiti sa akin.

" gago hahahaha. "Saad ko.

nang makarating kami sa sa lugar ay pinagbuksan ulit ako nito at inalalayang makapasok doon.

habang kumakain ay napansin kong kanina pa nakatingin sa amin ang babaeng nasa kabilang mesa hindi ko na ito pinansin at nagpatuloy sa pagkain si Trophy naman ay ubod ng daldal kwento ng kwento sa akin ng mga nangyari sa Pinas.

hindi daw natuloy ang kasal nila Satina at Olympics ng may pumigil na lalaki sa gitna ng seremonya. sinabi daw ni tong siya ang ama ng bata. si Satina ay kasal na ngayon sa tunay na tatay ng bata habang si Olympics ay may sarili na ding kumpanya. nag kwento ito ng nag kwento hanggang sa makatapos kami kumain. nagpaalam na itong aalis tumango naman ako dahil may hahabulin pa itong flight. tumingin ako sa gawi kung nasaan ang babaeng nakatingin sa aming upuan kanina ngunit wala na ito.

A Not So Happy Ending (Olympics Gatchalian) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon