----Hindi pala talaga biro ang magkaroon nang sariling pamilya , hindi porke't kasal na kayo ay duon na matatapos lahat. Sa kasal nagsisimula ang lahat , ang mga problema na susubok sa inyong mag-asawa at mga pagsubok na magpapatag sa inyong dalawa.
Nang isilang ko si prio , sobra-sobra kaming nagpasalamat sa panginoon dahil binigyan niya kami nang malaking blessing mula sa kanya. Akala ko ay madali lang maging ina at maging magulang , ngunit hindi pala. Hindi na namin matandaan ni gio kung kelan ba yung huling beses kaming nagkaroon nang maayos na tulog , kung kelan kasi masarap ang tulog namin sa hating-gabi ay duon naman magigising si Prio ay iiyak. Kahit pagod si gio , siya ang mag-aalaga at magpapatahan kay prio , kahit antok na antok dahil sa pagod ng maghapon na trabaho siya pa din ang babangon at pababalikin ako sa pagtulog dahil alam daw niyang pagod na ako sa maghapon na pag-aalaga sa anak namin.
Kapag may sakit si prio , pati ako umiiyak. Napakasakit kasi sa dibdib kapag masama ang pakiramdam niya , hindi pumapasok si gio sa trabaho tuwing may sakit ang anak namin. Tinutulungan niya akong alagaan si prio dahil alam niyang iiyak at iiyak lamang din ako tuwing dadaing si Prio , bilang ina pala masakit sa pakiramdam kapag umiiyak dahil sa sama nang pakiramdam ang baby mo.
Pero makalipas ang mga taon sa buhay naming mag-anak , naging mas matatag pa ako katulong ang asawa ko. Masarap sa pakiramdam na nagawa naming palakihin si prio nang may takot at kilala ang diyos , maka-appreciate ng mga simpleng bagay at hindi mabuhay sa mga luho niya. Pinalaki namin siya nang may malawak na pang-unawa sa paligid at may respeto at disiplina sa sarili , mas gusto niya ang natututo kesa sa naglalaro. Maglaro man siya kasama niya ang daddy niya , minsan ay magkakasama kami pero madalas ay si gio ang kasama niya sa basketball.
Nagkaroon din nang anak na kambal sila ate zab at kuya zac na sila Zic at Zir. Babae si Zir at lalaki naman si Zic. Tatlong taon at kasal na din silang dalawa , naging abala naman si zherlyn sa pagtatapos ng degree niya para matuloy na ang pagiging flight attendant niya. Sinuportahan namin siya ni kuya sa gusto niya , kahit may sarili na kaming pamilya ni Kuya zac hindi namin kinalimutan na may responsibilidad pa din kami sa bunso naming kapatid.
At hindi ko din nakalimutan na kahit may sarili na akong pamilya sa tarlac , may pamilya din ako sa probinsya na sinusubok din ng buhay at kailangan din nang pagtulong ko.
Natagpuan ko man ang sarili kong mundo dito sa tarlac kasama ang asawa at anak ko , hindi pa din nawawala sa puso ko na isa pa din akong PROBINSYANA na nagkaroon muna nang simpleng buhay sa brgy. Pag-asa kasama ang mga kaibigan ko at pamilyang nagpalaki sa akin , at kahit gaanu pa kalayo ang mararating ko sa buhay ko. Hindi ko makakalimutan na lingunin kung saan ako nang-galing at nag-simula at mananatili akong nakakapit sa mga taong bumuo sa akin.
Ako pa din yung simpleng PROBINSYANA noon pero ang pinagka-iba lang , kaya ko nang harapin ang mga pagsubok sa buhay ko kasama ang asawa at anak ko.
------
Authors note: Hala ! Book 2 na Hahaha
Keep safe everyone. Godbless.
------