Chapter 18

76 12 0
                                    

7 YEARS AGO



Alipin x Araw-Gabi,
Justin Vasquez.

Ika-lawang araw nang makabalik si Monique sa tahanan nila, Ika-labing dalawang araw naman ng pagmumukmok ng puso ng binata na pilit na itinatago.. Nanatiling nakahiga ang dalaga sa hello kitty na kama, habang yakap-yakap ang teddy bear na hello kitty na kanyang paborito sa lahat dahil si Liam mismo ang nagregalo sa kanya, bukod don ay paborito niyang talaga ang karakter na iyon..

Agad na nagpag'wapo ang binatang si Liam, inihanda ang mga rosas, ang bagong gitarang binili kahapon at ang prinaktis ding kanta nang sandaling wala siya sa tabi ni Monique.. Abala siya sa paggawa ng sorpresa para sa pinakamamahal, na tiyak niyang magugustuhan talaga ng dalaga.. Abala siyang gawin ang unang sorpresa na magpapasigla sa puso ng taong pinakaimportante sa buhay niya...

"Ayaw kopo sanang gawin ang chemotherapy, dahil hindi kopo talaga kaya." malungkot na sabi ng dalagang si Monique. Iyon ang naabutan ng binatang si Liam, naibagsak ang hawak na mga rosas, habang nanatiling nakasukbit sa likod niya ang gitarang bagong bili, ang kantang pinag-aralan ay nasambit mismo ng kanyang bibig habang palapit sa dalaga... Ang emosyon ay hindi na napigilang ipakita sa mga taong nasa loob ng silid ng dalaga.

"Ayoko sa ibaaa,, sa'yo ako ay hindi magsasawa... ano man ang 'yong sabihinn,," unang lirikong binitawan ng binata, ang kagandahan ng tinig ay natabunan ng labis na emosyon, at dahan-dahang lumapit sa dalaga. "Umasa ka ito ay diringgin, madalas man na parang aso't pusa," muli nitong garalgal na pagkanta habang ang mga kamay ay pinunasan na ang sariling pisnge na parang isang paslit na musmos, halos mapuno ng luha ang silid, at ang ipinangako sa dalaga ay nakalimutan nang tuluyan, "Giliw sa piling mo ako ay masayaa ah..." nang makalapit sa dalaga ay natigil ito sa pagkanta at hinawakan ang mga kamay nito at hinalikan, bahagyang tumayo matapos umupo upang isunod ang noo ng dalaga..

Ako'y alipin mo kahit hindi batid..
Aaminin ko minsan ako'y manhid
Sana ay iyong naririniggg
Sa'yong yakap, ako'y nasasabik..

Pagkat ikaw lang ang nais makatabi
Malamig man o mainit na gabi
Nais ko sana iparating na ikaw lang lamang ang siyang aking...

"Araw-gabiiiii, nasa isip k-ka, napapanaginip ka, kahit san magpunta.." halos hindi na maintindihan ang tinig na pinakawalan ng binata habang ang mga mata'y nakatitig lamang sa malungkot ding mga mata ng dalaga.. Nahahawa sa taglay na lungkot ng mata ni Liam..

Araw-gabiiiiii,,
Nalalasing sa tuwa
Kapag kapiling kaaa
Araw-gabi
tayong dalawaaa..

"Liam," emosyonal na tinig ng dalaga ang pumuno sa tainga ng binata, nanatili itong nakatitig sa dalaga, nang mapaluha iyon ay napadukdok ang binata sa braso ng dalaga, ang dalagang nananatiling nakahiga, at unti-unti nang nauubusan ng lakas.. "Nang-ngako ka sa'king hii-i-ndi ka iiya-ak, mahal ko." garalgal na tinig ng dalaga, pinaalala ang bagay na hindi na nagawa ng binata.. Kahit hirap ay iniangat niya ang ulo ng binata, at pinunasan ang mga luha sa pisngi niyon.. "Huwag mona 'tong uulitin, maliwanag ba??" kahit na emosyonal ay pinakita ng dalaga ang matamis na ngiti sa binata..

"Alam moo-o-nng hindi ko k-k-aya 'yan, Monique kk-ko.. Nakikiusap ako sa'yo.." utal ulit na tugon ng binata, hinawakan muli ang mga kamay ng dalaga at ikinuskos sa sariling pisngi, ninamnam ang presensya ng taong pinakaimportante sa kanya.. "Nakikiusap ako sa'yo, magpagaling at magpalakas ka, dahil hindi ko kakayanin.. Pakiusap, Monique!" hindi na napigilang humagulgol ng binata sa harap ng dalaga, napadukdok muli ito sa braso ni Monique at duon ibinuhos ang lahat ng sakit...

"Para sa'kin ba ang mga rosas na iyon?" tanong ng dalaga, umasang makakatanggap ng tugon mula sa binata at tatahan mula sa pag-iyak, pero bigo siya, bigong matanggap iyon dahil patuloy lang sa paghikbi ang binata, tila ba'y nanlambot ang buong katawan at nanatiling nakadukdok sa braso ng dalaga..

"Liam." lumapit si Michael sa mas batang kapatid, hinawakan sa mga balikat at sinubukang patahanin, pero bigo din ito..

"Monique ko, naki--ki-kikiusap ako-oko... Huwag mo kaming iiwanan, hind-idii ko kakayanin, mahal ko... pleaseeee...." hindi na napigilan ang binata, ibinuhos ang lahat ng nararamdaman sa mga sandaling ito, umaasang mapapagaling niya ang dalaga sa pamamagitan ng kanyang mga pakiusap..

"Anak, Liam.. Tahan na.." ang ginang naman ang sumubok at nag-angat agad ng tingin ang binata sa dalaga, nakikiusap ang basang mga mata, ang basang mga pisngi ay hindi na inintindi pa, hindi narin inisip pa kung magmukha siyang mahina, dahil iyon talaga ang katotohanan, mahina siya pagdating sa dalagang si Monique dahil ito ang lakas niya na unti-unti nang nauupos...

"Gusto ko sanang amuyin iyong mga rosas na binili mo para sa'kin." pangungumbinsi ng dalaga, hinawakan sa pisngi ang binata at pinunasan iyon gamit ang mga kamay..."Para sa'kin ba iyon, Liam?" agad na napatango ang binata na para bang isang paslit na musmos, para siyang bata na hindi nabigyan ng kendi at handang maglumpasay dahil duon...

Agad itong tumayo at humihikbing lumuhod sa sahig, isa-isang dinampot ang mga rosas na kaninang nahulog mula sa kamay niya, hawak-hawak ang tatlong bungkos ng rosas nang punasan ng kanyang braso ang sariling pisngi,, para siyang bata sa ikinikilos at hindi na mahalaga iyon para sa kanya.. Agad naglakad palapit sa nakahigang si Monique at, hinubad mula sa likod ang bagong biling gitara na handog niya para sa nag-iisang dalaga sa buhay niya... "Arawwww-gabi,,, nasa isip k-kaa-ka." dahan-dahan niyang binigkas ang mga liriko ng kanta, hindi na nasunod ang tonong kanyang pinraktis dahil ang paghikbi ang namayani sa kanya. "Napapanaginip ka, kahit san mag-punta.... Arawwww-gabiii, nalalasing sa tuwa kapag kapiling kaaa... Araw-gabi, tayong dalawaaa ..." kinanta ng binata iyon nang punong puno ng emosyon, kaya't ang ginang na kahit labanan ang nagbubugsong damdamin ay hindi napigilan, nanatili namang nakatingin si Michael sa dalagang labis nang nahihirapan ngayon pero pilit pading ngumingiti...

Nang makalapit nang tuluyan sa dalaga, ay yumuko muna ito bago tuluyang iabot ang tatlong bungkos na rosas kay Monique, na ngayon ay labis na ngiti ang nasa labi, bagaman malungkot ang mga mata ay bakas sa labi ang nagbabadyang galak dahil sa ginawa ng binata..

"Salamat, Liam." yumuko ang binata at muling hinalikan sa noo ang dalaga, ang sariling luha na pumatak sa mukha nito ay agad na pinunasan at walang alinlangang niyakap ang nakahigang pinakamamahal niya...








Itutuloy ...
Love after Death

Love after DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon