7 YEARS AGO
Sa labing pitong taong nabuhay sa mundong 'to, sa pangatlong pagkakataon, ay muling sumikip ang dibdib ng dalaga. Napahawak siya duon at nanghihinang tinungo ang kusina. Madilim ang paligid dahil dis oras na ng gabi, ni hindi na nagawang buksan ang ilaw dahil para bang hinihiwa unti-unti ang kanyang puso. Pangatlong beses nang nangyayari sa kanya 'yon subalit tubig lang ang tinatapat niya duon. Tinungo niya ang refrigerator at naghihingalong binuksan 'yon..
Nang makakuha ng isang bottled water ay agad niya 'yong ininom, nagkandatulo na sa suot niyang damit ang tubig subalit patuloy lang siya sa pag inom.. Huminga siya nang malalim at napasadlak sa sahig habang hawak hawak ang dibdib.. Guminhawa naman ng kaunti ang pakiramdam niya matapos uminom ng tubig, ngunit muling nadagdagan ang kirot niyon nang biglang bumungad sa kanya ang binatang si Liam, muling napahawak sa sariling dibdib, humigop ng hangin, at nagpakawala ng mabibigat na paghinga..
"What's wrong?" takang tanong ng binata, ngunit hindi siya nagawang sagutin ng dalaga, kaya't agad siyang umupo sa harap nito, at ganon nalang ang gulat niya matapos mapansing hirap na sa paghinga ito. "Monique!! What's wrong?? Anong nangyayari sa'yo, huh???" muling tanong ng binata, nababalisa, at hindi alam kung anong dapat na gawin... "Look at me! Look at me, Monique, please.... Look at me...." natataranta nitong dagdag ngunit napasubsob nalang sa harap niya ang dalaga kaya't pumwesto siya sa gilid nito at emosyonal na tinapik-tapik ang pisngi. "Mom! Mom!! Tulong!!! Mom!!!!!!" bigay na bigay ang pagtawag sa sariling ina, hindi mabitawan sa mga bisig ang dalaga. "Mom! Si Moniqueee.. Mom, pleaseee...." imbes na buhatin na ang dalaga ay dumukdok pa ang binata sa mukha ng babaeng pinakaiingatan..
"Ano ba naman 'yan, Liam! Dis oras ng gabi, sigaw ka ng sigaw!!" bulalas ng ginang sa binata, ngunit nang makita ang sitwasyon ng dalaga ay bigla din 'tong nataranta, agad tumungo sa dalaga at marahang tinapik-tapik ang pisngi nito. "Sweetie, what's wrong?? Wake up. Wake up, sweetie please. Wake up..." emosyonal, garalgal na tinig ang pinakawalan ng ginang habang nakadukdok sa mukha ng dalaga, ang mga luha ay nagkalat na sa pisngi. "Ano pang hinihintay mo! Bring her to the car, Liam!" ang emosyonal na binata ay kaagad na tumayo at lumingon pa muna sa dalaga bago binuhat. Ang biglaang pag pula ng mga mata, at ilong nito ay pinapakita ang labis na pag aalala.. Anong problema, mahal ko?? Pleasee, maging okay kalang, nakikiusap ako.....
Nang marating ang pinakamalapit na hospital ay agad na sinugod sa ER ang dalaga, ang planong magpapatingin sa doctor pagsikat ng araw ay alas dose ng madaling araw nangyari.. Hindi inaasahan, ang mag-ina ay walang kaide-ideya sa nangyayari sa dalaga..
"Doc, ano hong nangyari?"
"Sumunod kayo sa'kin.." hindi mabitawan ng ginang ang braso ng binatang labis-labis na pag-aalala ang nasa puso. Ang pagkabigla ay hindi maalis sa isipan, maging ang pagtataka ay nanatili lamang duon hanggang marating ang opisina ng doktoro..
"Have a seat." panggigiya nito sa mag-ina na iisa lamang ang nararamdaman sa mga oras na'to, ang pag-aalala sa kondisyon ni Monique..
Saglit na katahimikan pa muna ang namutawi bago tuluyang nagsalita ang doctor.
"Pang ilang beses na hong nawalan ng malay ang pasyente?"
Nagkatinginan pa muna ang mag-ina bago nanguna si Liam sa pagsagot. "F-for seve-r-ral times po, doc." nauutal na wika ng binata, habang ang mga basang mata ay nakatitig lamang sa doctor, hinihintay kung anong itutugon..
The doctor released a deep sigh before giving the response to Liam, napatingin 'to sa ginang, maya-maya'y ipinatong ang mga kamay sa ibabaw ng lamesa habang nakasarado..
"The patient is in danger." anito habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa mag-inang ngayon ay hindi magawang maproseso ng kanya-kanyang utak ang unang paliwanag ng doctor.. "She's in Stage 4 Heart Cancer." saglit na tumigil ang doctor at pinanood ang ginang na napatayo at napasapo sa sariling noo, habang ang binata ay natulala sa nagsabi ng kalagayan ng pinakamamahal, ibig lumuha ulit ng sariling mga mata ngunit hindi pa nagagawang tanggapin ang nalaman.
BINABASA MO ANG
Love after Death
DragosteMaaari nga bang magdulot ng panibagong trahedya ang bagay na itinuring nang bilang isang trahedya noon? Love after Death literally means the love of a woman after her death. What will happen if she has been transmigrated into a man's body? Would it...