Chapter 19

78 13 0
                                    

7 YEARS AGO




Ikatlong araw matapos makabalik sa tahanan nila ang dalagang si Monique. Itong araw din ang Ika-labing tatlong beses na pagmumukmok ng puso ng binatang si Liam, ni hindi na ata mawawala sa dibdib ang dulot na sakit ng katotohanang hindi na magtatagal sa tabi niya ang dalagang nag-iisa sa puso niya..

"Your daughter's condition isn't responding to the treatment anymore, Miss.. Ikinalulungkot kong sabihin pero bilang nalang ang sandali niya rito." kahit na doktoro na ang sariling anak ay kailangan padin nilang ipatingin sa professional doctors ang dalaga, nakatatlong doctor na sila munit pare-pareho lamang ang sinasabi ng mga 'yon, maski si Michael na kahit ayaw man ay ganon din ang nakikita... "Kung sana'y mas maaga ninyong nalaman ang kondisyon niya ay maaari pa nating maagapan iyon, pero Miss, Stage 4 Heart Cancer is her condition. Very rare tumor and very hard to treat.." dagdag ng doctor, naging straight forward na ito para mas maunawaan ng mga kaharap ang kanyang mga sinasabi..

"I understand what you've said, Doc.. I'm also a doctor, but according to my research, there is a girl back then that was treated even she's already in Stage 4 Heart Tumor.." umaasang tugon ni Michael sa doktoro na naging batch mate niya noon, nagsaliksik siya tungkol sa kasong iyon kaya't alam niyang may nakaligtas na duon..

"Doc. Devilla, I would like to compliment you all by giving a counsel that is surely ease the pain in the heart of the three of you, but I am a licensed doctor, I've been through a lot of this kinda condition. Lamentable, but that kind of tumor is very hard to treat and the only thing can do that so-called-treatment is just to prolong your sisters' life.." huminga ito ng malalim bago itinuloy ang sinasabi. "I'm sorry, pero tatlong linggo nalang ang estimated days na itatagal niya dahil ganoon kabilis kumalat ang tumor sa pasyente.."

"No! No! That's not true." natatawang tugon ng ginang, hinawakan ang kamay ng doctor na nasa harapan.. "Please do everything... I am willing to pay you even how much money you and your hospital needed.. Kahit milyon ay magbabayad ako, magamot lang itong anak ko, nakikiusap ako sainyo, doc Serizla.." nakikiusap ang tinig ng ginang, umaasang magbabago ang eksplanasyon ng doktoro pero hindi na siya pinaasa pa ng niyon..

"I'm sorry, Miss.. But I guarantee you, if you will continue the chemotherapy of your daughter, she will live here more than the days I have mentioned.."

"But I want her to stay her----"

"Mom... Enough." pagsuway ni Michael sa sariling ina at hinawakan ang mga kamay. "It was enough for today. You have to take a rest."

"How could I take a rest?? Malubha ang kondisyon ng sweetie ko!! Hindi ninyo ba'yon naiintindihan, ha???" nagtaas na ng boses ang ginang, nagpalipat-lipat ang tingin sa tatlong lalaking kasama, at umiling ng magkakasunod. "I'll bring her at abroad... I will do everything just to treat her... SHE'S MY DAUGHTER!"

"Mom.." pakiusap ni Michael sa ina, habang ang binatang si Liam ay tulala sa iisang lugar... "I will support you with that. Pero desisyon ni Monique ang masusunod.."

"Then I will convince her right now.. Ipapaliwanag ko sa kanya... Hindi pa siya pwedeng mawala, Michael. Masyado pa siyang bata...."

"I know, Mom. Pero ang panghihimutok modin ay wala nang magagawa!" hindi na napigilan ni Michael amg magtaas ng boses sa sariling ina, agad namang natahimik ang ginang at napayuko..

"Gusto kolang naman na makasama pa natin nang mas matagal ang sweetie ko, Anak.." sa madaming beses ay muling naging emosyonal ang ginang, ang biglaang pagbago ng emosyon ay hindi ikatataka ng lahat, dahil nahihirapan ito. Nahihirapang tanggapin ang biglang nangyari sa dalaga... Sino ba naman kasi ang makakatanggap sa bagay na ganon? Hindi madali iyon sa kahit na sino...

Agad na nanguna ang binatang si Liam, iniwan ang sariling ina at kapatid sa tanggapan ng bisita, agad na tinungo ang silid ni Monique na ngayon ay mahimbing ang tulog... Nanguluntoy ang pangangatawan, kahit na kumakain ng madami ay hindi magawang makabawi ng kanyang katawan dahil sa karamdamang unti-unti siyang inuubos. Lumapit ang binata kay Monique, at binigkas ang mga salitang gusto nitong pagkatandaan ng dalaga.. "Tayong dalawa hanggang sa dulo, mahal ko." iyon lang at idinukdok na ang sariling ulo sa gilid ng dalaga habang ang mga kamay ay nakahawak sa braso ng dalaga.. "Mahal na mahal kita, Monique.." lumong-lumo ang binata...

"Saan ho tayo pupunta?" mahinang tanong ng dalaga matapos siyang bitbitin ni Liam sa back seat ng sasakyan, apat silang nasa loob niyon ngayon..

"Magbi-beach resort tayo, Monique ko.. Hindi ba sabi mo sa'kin noon ay paborito mo ang lugar kung saan makakakita ka ng karagatan at mga puno?" nakayukong tumango ang dalaga, ni hindi na nagawang mag-angat ng tingin. "Dadalin ka namin sa lugar kung saan makakakita ka ng mga ganon.." nakangiting dagdag ng binata..

"Salamat.." tanging silang dalawa lamang ang nagkakarinigan dahil mahina masyado ang tinig ni Monique, at mahinahon naman ang boses na tinutugon ng binata dito..

Ipinatong ng dalaga ang sariling ulo sa balikat ni Liam, at agad nang nagpahinga.. Nakatingin lamang ang binata sa harapang salamin, pinagmamasdan ang nadaraanan nila, mga punong nagsasayawan dahil sa hatid ng hangin, malinis na kalye, at mga makukulay na mga halaman.... Kapansin-pansin din ang paliku-likung kanilang dinadaanan.. May higit apat na oras na silang nasa biyahe at nanatiling ganon ang posisyon ng dalaga, ni hindi manlang nangangawit ang binata.. Ipinatong niya rin kasi ang ulo sa dalaga, at inakbayan ang mahimbing na natutulog na si Monique..

Bakit kung kailan nais mong bumagal ang takbo ng oras ay duon pa mismo iyong bumibilis?
Bakit kailangang hindi dinggin ng itaas ang nais kong mangyari? Nakakahibang dahil walang mabuting pagbabago sa kondisyon ng pinakamamahal ko, ang tanging pagbabago lamang ay lalo iyong lumulubha.. Ano nang gagawin ko, Monique? Mahal ko??

"Liam! Liam. We're here..." niyugyog ng ginang ang balikat ng sariling anak at kaagad namang nagmulat ng mga mata ang binata, agad na tinignan ang dalagang ngayon ay nakasandal na sa dibdib niya...

Agad niyang hinawakan ang pisngi niyon at marahang tinapik iyon.. "Nandito na tayo mahal ko.." hinalikan ng binata sa noo ang dalaga at muling nagsalita.. "Monique, wake up! Nandito na tayo." nakangiting pag uulit ng binata at agad na nag-angat ng tingin ang dalaga, dahang-dahang nilibot ang paningin sa labas ng sasakyan, tanaw na tanaw niya ang mabeberdeng mga puno.. Ito ang pinakagusto ng dalagang puntahan, kaso ngayon na ata ang huli niyang punta sa mga lugar na katulad nito..

"Saang lugar ho ito?" tanong ng dalaga sa ginang na ngayon ay matamis na nakangiti sa kanya..

"Sa Palawan, sweetie ko..."

"Talaga po???" hindi napigilan ng dalaga ang pagkapanabik at kahit na hirap ay napalakas ang boses, tuloy ay napahawak siya sa dibdib matapos iyon..

"Shhhshh! Calm down. Bawal kang mabigla, anak ko.."

"Tiyak na magugustuhan mo ang mga tanawin dito.." biglang ani Michael na nakatingin nadin kay Monique..

"Monique?? Hindi ba sabi ko sa'yo ay gagawin ko ang lahat para mapasaya kita.. Kaya, magkasama nating pagmamasdan ang pag-sikat at pag-lubog ng araw.." pagtukoy nito sa isa pang paboritong gawin ng dalaga na netong mga nakaraan ay hindi na nagagawa dahil nanatili lamang ito sa loob ng silid..

"Maraming salamat po talaga sainyo.. Maraming maraming salamat, Liam...."








Itutuloy ...
Love after Death

Love after DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon