Chapter 9

116 9 1
                                    

PRESENT TIME



Kanina pa'kong nakahiga pero hindi ko magawang matulog.. At kahit na anong pikit pa ang gawin ko ay wala talagang nangyayari, na para bang lalo lang akong hindi inaantok.. Ngayon lang akong nagkaganito dahil kapag inihiga kona ang sarili ko dati dito sa makapal kong kama ay wala pang sampung minuto'y tulog na agad ako. Hindi kasi maalis sa isip ko ang anak ng mga Devilla- si Liam...

"Bakit nga ba gano'n ang tibok ng puso ko kapag kasama ko ang anak ng Chairman Devilla?" tanong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ang glow in the dark stickers na nakadikit sa kisame ng kwarto ko, nakapatay ang mga ilaw kaya't ang sarap titigan ng iba't ibang kulay ng stars..

Hinawi ko ang bed cover na nakatabing sa kalahating katawan ko at bumalikwas sa pagkakahiga. Napahilamos ako sa sariling mukha bago kong pinagmasdan ang nakabukas na pinto ng veranda.. Tanging buwan lang ang nagbibigay-liwanag sa kwarto ko, at maging sa labas ng pintong pinagmamasdan ko ngayon. Tinungo ko ang computer table ko at binuksan ang PC, nang lumitaw sa desktop ang litrato naming pamilya ay napangiti agad ako.. Sa araw-araw na pagbubukas ko ng computer ko ay iyon at iyon lang ang unang lumalantad sa paningin ko at hinding hindi ako magsasawa sa bagay na 'yon..

I sighed before tapping the Google search bar.. Napakagat kuko muna ako bago ko kinonstrak sa isip ang tanong na nasa utak ko..

Wait! Huwag na kaya?

Hindi ko alam kung itutuloy ko paba, natatakot ako sa p'wedeng mabasa, natatakot ako na baka iyon nga ang pakiramdam na'to, natatakot ako na malaman kung bakit ako nagka-kaganito...

Arghhhh!

May gusto ba'ko sa kanya??

A big F!



Kanina kolang siyang nakita, pero nung maamoy ko ang pabango niya at lumantad ang mukha niya sa harap ko duon sa elevator ay bigla nalang akong nakaramdam ng kakaiba, ang pakiramdam ay para bang nakasama kona siya dati, at namiss ko siya?? Ganun e, ganun talaga ang naramdaman ko kanina, para bang kiniliti ng marahan ang puso ko't nagawa niyong gumewang-gewang..

"How.. is it possible.. to fall in-love..... with a guy that you've just..... met for once?" isa-isa ko iyong binigkas habang tinatype ang bawat letra, dahan-dahan kong pinressed ang enter button, at nagpakawala ng buntong hininga..

Wala pang tatlong segundo ay agad lumitaw ang maraming link na pwedeng sumagot ng tanong ko..

It is what we called ~love at first sight~.

If you fall in love with a person you don't know yet, it defines that you don't really care about their personality, and it is the most important when it comes to love..

Damnnnnn!!!

At nang muli kong ini-scroll ang cursor pababa gamit ang mouse na basang-basa na dahil sa pagpapawis na dulot ng kamay ko ay kumunot ang noo ko..

It's -true love.

Agad akong napatayo at nakamot ang sariling noo.. "What a big F!! Mga sinungaling kayo!!" agad din akong umupo at muling hinawakan ang mouse. I selected all those words and cutted it.. "Is it... possible.... to fall-inlove... with the... same.... gender if you are a straight man?" muli kong binigkas ang mga salitang iyon at pinagkadiinan ang enter button..

Yes.

Bigla ulit akong napatayo habang namimilog ang sariling bibig, ginusot-gusot ko ang sariling mata't tinakpan gamit ang dalawang kamay, nag inhale-exhale ako at sinilip ang monitor habang nakatabing ang pareho kong kamay at tanging maliit na awang lang ang iniwanan. At,

Love after DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon