Naging maayos ang samahan ko sa mga estudyante simula noong nalaman nilang lahat na dati akong mafia dahil sinabi sa iba. Nagtataka nga ang ibang teachers kung ano ang ginawa ko. Kung paano sila tumino.
Habang naglalakad ako pauwi galing sa trabaho ay may nakita akong familiar na lumabas sa isang restaurant.
Kapag sinuswerte ka naman talaga. Mukhang hindi niya kasama ang bodyguard niya. Kailangan ko lumapit sa hayop na 'yon... pero paano?
May napansin akong kahina-hinala na tumitingin kay Julian at biglang itong lumapit habang abala si Julian sa paglalakad.
"Mukhang gumagawa ang tadhana para makalapit ako sa kanya." Kahit ayaw kong gawin ito pero kailangan kong lumapit.
Lumapit ako doon sa lalaki sabay hatak at nilapit ko ang mukha sa tenga niya. "Alam kong may binabalak kang masama kay Julian Diaz."
"P-Paano mo nalaman?"
"Halata sa kinikilos mo. Kinakabahan ka."
"Ano nangyari?"
Humarap ako sa nag salita. "Muntik ka na mapahamak kanina pero huwag ka mag alala at nagawan ko ng paraan."
Pinaalis ko na yung lalaki at paalis na rin sana ako ay pinigilan niya ako.
"Wait." Lumingon ako sa kanya. "Salamat sa pag ligtas mo sa buhay ko."
Tsk. Ang galing niyang umarte na parang hindi niya ako kilala. Best actor.
Mukhang ito na ang pagkakataon ko makalapit sa kanya.
"Kailangan mo ba ng trabaho? Bibigyan kita bilang kabayaran sa pag ligtas mo sa akin."
"Anong klaseng trabaho?"
"Maging bodyguard nang anak ko."
Bodyguard ni Elysa? Sabagay, kailangan ko rin mapalapit rin sa kanya at gagamitin ko ang anak niya para sa plano ko.
"Tinatanggap ko ang offer niyo, sir."
"Ano ang pangalan mo?"
"Primo Val–"
"Okay, Primo. Pwede ka mag simula maging bodyguard nang anak ko. Pauwi na rin ako kaya sumama ka na."
Pagkarating namin sa bahay niya ay sobrang laki. Saan kaya niya ninakaw ang pera pang gawa rito?
"Maupo ka na muna diyan. Papautos ko lang sa maid na tawagin si Ely."
Sa tuwing naririnig ko ang pangalan ng anak niya ay naalala ko ang asawa ko.
"Papa, tawag niyo daw ako." Inangat ko ang tingin ko at nakita kong gulat na gulat siyang nakatingin sa akin. "Rai–"
"Ely, this is Primo. Simula ngayon ay siya ang magiging bodyguard mo."
"What?! Sinabi ko na sa inyo hindi ko na kailangan ng bodyguard."
"Iniisip ko lang ang kalagayan mo, Ely lalo na marami ako nagiging kalaban sa business."
Napaka galing niyang umarte kahit sa sarili niyang anak. Panigurado akong walang alam si Elysa kung ano ba talaga ang ama niya.
Iniwanan na kaming dalawa ni Julian.
"Primo? Ano itong pumasok sa utak mo? Alam kong ikaw iyan Raizen."
Shit. Nawala sa isip ko na makikilala nga pala ako ni Elysa. Pero kailangan kong mag panggap na hindi ko siya kilala. Samantala hindi na muna ako si Raizen Valentino.
"I don't know what are you talking about. Who's Raizen?"
"Huwag ka na mag panggap na hindi mo kilala. Ano ba ang binabalak mo?"
"Wala akong binabalak na masama, miss. Bilang kabayaran sa pag litas ko sa papa niyo kanina ay binigyan niya ako ng trabaho. At kung sino man iyang Raizen na yan ay siguradobg kamukha ko siya dahil napagkamalayan mo kong Raizen."
"Hindi mo ko naloloko. Kung may binabalak ka nga ay hindi naman ako magagalit sayo dahil alam ko ang pinag gagawa ni papa dati."
Hindi ko pinahalatang nagulat ako. May alam siya kung ano ang pinag gagawa ng ama niya pero hindi man lang niya pinigilan. Mag-ama nga kayo. Pamilya kayong mamamatay tao.
"Isa pang sabi mong may binabalak ako ay hahalikan kita diyan, miss." Tikom ang kanyang bibig noong sinabi kong hahalikan ko siya. Wala akong balak halikan siya. Kahit ang ma-in love sa kagaya niya pero gagawin ko ang lahat para ma-in love siya sa akin.
"Talaga bang hahalikan mo ko?" Hawak niya ang kanyang labi.
"Wala akong balak na halikan ka, miss. Nandito ako para bantayan at protektahan ka."
"Ang sama mo!"
"Anong masama sa sinabi ko? Nagsasabi lamang ako ng totoo."
"Kahit na! Ang sama ng ugali mo!"
Nagulat na lamang ako na may palad na dumampi sa pisngi ko. "Tsk. Sino na ngayon ang masama ang ugali? Nanampal ka ng walang dahilan."
Sa buong buhay ko ngayon pa lang ako nasampal.
"S-Sorry. Ikaw naman kasi."
"Magsosorry ka tapos ako pa itong sinisi mo. Ayos ka ah." Hinawakan ko ang kamay niya sabay hatak at dumikit ang mga labi namin.
Pero bakit ganoon? Parehong pareho sila. No, hindi ako pwede madali sa emosyon ko.
Humiwalay na ko at tumalikod sa kanya. "Babalik ako bago gumabi."
"Saan ka pupunta?! Pagkatapos mo kong halikan."
Bumalik ako sa dating bahay namin para bisitahin ang mag-ina ko. 6 years na pero ngayon ko pa lang sila bibisitahin dahil hindi ko tanggap na wala na sila.
Umupo ako sa harapan ng puntod nila. "Ely, buddy, sorry kung hindi ko kayo naprotektahan." Doon na pumatak ang luha ko. Simulang nilibing ko ang mag-ina ko ay ni minsan hindi ako umiyak. "Ely, sorry kung hindi ko sinabi sayo ang totoo na isa akong mafia. Natatakot ako kapag sinabi ko sayo ang totoo baka iwanan mo ko."
Kung isa lang itong panaginip sana magising na ako sa bangungot na ito.
"Mahal na mahal ko kayong dalawa." Hinawakan ko ang lapida ng anak ko. "Tom, buddy... alagaan mo ng mabuti ang mommy mo para sa akin."
Tumingala ako sa kalangitan at naalala ko ang mga masasayang araw na kasama ko sila bago nangyari ang trahedya.
Nag pasya na ako bumalik sa bahay nila Elysa pero naririnig ko ang boses niya.
"Papá, qué entró en tu cerebro y me llevaste un guardaespaldas?!" Sigaw ni Elysa. (Papa, ano ba itong pumasok sa utak mo at kinuha mo ko ng bodyguard?!)
Alam ko naman ayaw sa akin ni Elysa dahil sa nangyari kanina.
"Iniisip ko lang ang kalagayan mo. Alam mo naman marami ako naging kaaway sa business."
"Mi condición? Espero que cuando mamá aún vivía lo hacieras. No necesito tu preocupación!" Halata ang galit sa boses ni Elysa. (Kalagayan ko? Sana noong nabubuhay pa si mama ay ginawa mo na iyan. Hindi ko kailangan ng pag-aalala mo!)
Lumapit na ako sa kanila dahil alam kong ako ang dahilan kaya siya galit ngayon. "Sorry, miss."
Humarap siya sa akin na nakakunot ang noo. "Ano ang ginagawa mo rito?"
"Hindi ko sinasadyang marinig ang pinag uusapan niyong dalawa. Alam kong hindi maganda ang huling pag uusap natin kanina. Sorry sa mga sinabi ko sayo."
Nandito na ako ngayon kaya hindi ko pwedeng sayangin ang pagkakataon. Maghahanap ako ng bagay na makaka sira kay Julian Diaz at pagkatapos nito ay hindi na ako magpaparamdam pang muli kay Elysa. Ang huling misyon ko lang ang ginagawa ko.

BINABASA MO ANG
Love Or Revenge
RomancePumasok siya sa pagiging teacher dahil sa kagustuhan ng kaibigan niyang baguhin ang ugali ng mga estudyante sa Section F. Pero dati siyang mafia na umalis dahil ayaw niyang mapahamak ang pamilya niya at may madilim na nakaraan si Raizen kaya gusto n...