2

483 22 0
                                    

Elysa's POV

Nakita ko si Raizen habang natutulog rito sa faculty room. Oras ng trabaho pero natutulog siya. Ngunit lumapit ako sa kanya ng dahan-dahan.

Dahan-dahan siya dumidilat at tumingin sa akin na kinagulat ko. "What? What do you from me?"

"Gusto ko lang malaman kung may kilala ka bang Primo."

"Primo? Wala akong kilalang Primo. Bakit?"

Ang galing niya talaga mag panggap na hindi niya kilala si Primo o umamin man lang sa akin.

"May bodyguard kasi ako pangalan ay Primo tapos kamukha mo pa siya. Hindi kaya..."

"Don't be silly, miss. Wala akong kakambal. Nag iisang anak lang ako."

"Kung ganon..." Kumunot ang noo sa tawag niya sa akin. "Tinawag mo ba akong miss?"

"Oo, babae ka naman. Malamang tatawagin talaga kitang miss hindi mister."

"Iyan din kasi ang tawag sa akin ni Primo. Ni minsan ay hindi niya ako tinatawag sa pangalan ko."

Kahit rin pala minsan ay hindi rin ako tinatawag ni Raizen sa pangalan ko. Palaging hey ang tawag niya sa akin at ako naman lumilingon agad.

"Kung wala kang kailangan sa akin ay papasok na ako sa susunod kong klase." Tumayo na ito.

Simulang pumasok rito si Raizen ay hindi ko pa siya nakikitang kumain kapag lunch break. At naririnig ko sa mga estudyante ng Section F ay mabait daw siya dahil sumasabay sa kalokohan nila.

Teka, absent nga pala yung isang teacher na dapat magtuturo sa Section F. Ibig sabihin si Raizen ang substitute teacher.

Gusto ko makita kung paano siya mag turo.

Pumunta na ako sa classroom ng Section F. Masyado ng luma ang classroom nila dahil hindi na 'to inaasikaso ng school director.

Pinapanood ko siya habang nagtuturo siya at nakikinig sa kanya ang bata kaso napansin kong huminto siya sa pagtuturo.

Lumingon ako ng may narinig akong bumukas ang pinto at sumilip siya. "Yes? May kailangan ka ba talaga sa akin? Imposibleng wala dahil hindi ka pupunta rito kung wala."

"Um, gusto kita makilala at halos isang linggo ka na nagtuturo pero hindi pa kita ganoon kilala."

"Kung iyon lang ang gusto mong malaman, pwede naman tayo mag usap pagkatapos ng trabaho."

"At gusto ko rin mapanood kung paano ka mag turo sa Section F."

"Huh? Err... Hindi pwede. I mean, mawawala ako sa concentration kapag may nagmamasid sa akin."

"Fine."

May magagawa pa ba ako? Isa lang ang ibig sabihin nito ayaw niyang nandito ako.

Uwian na sigurado naman pwede ko ng makausap si Raizen. Nakita ko siya kanina na may kausap sa telepono.

"Raizen..."

Tumayo na siya. "Wait. May kakausapin lang ako saglit."

Iniiwasan ba niya ako? Para hindi ko malaman kung sino ba talaga siya? May tinatago siguro sa akin – sa amin si Raizen.

Maya maya pa ay nakita ko ng bumalik siya sa faculty room.

"Let's go." Naguguluhan ako sa sinabi niya. "Hindi ba gusto mo kong makilala? Mag usap tayo habang naglalakad."

Sumabay na ako sa kanya lumabas ng campus at talagang maglalakad lang kami.

"Wala ka bang sasakyan?"

Love Or RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon