12

346 12 0
                                    

Raizen's POV

Bumuga ako ng hangin pagkaalis nila Elysa. Hindi na pala ako makakaranas na magkaroon ng anak dahil pinag kait sa akin ni Elysa ang anak namin. Laking tuwa ko nga noong nalaman kong may anak ako sa kanya.

"Anak, sigurado ka ba sa desisyon mo?" Tanong ni mommy sa akin.

"Kung ito ba talaga ang dapat kong gawin."

"Sa anong dahilan kung bakit ayaw pakilala ka sa anak niyo?" Tanong naman ni daddy.

"Long story, dad."

Ayaw kong sabihin sa kanila ang dahilan. Ayaw ko makitang umiyak si mommy at disappointed sila kapag nalaman nila na yung inampon nila ay isa pa lang mamamatay tao.

Wala nga silang ideya nakulong ako dati kaso walang matibay na katibayan ang mga pulis kaya pinakawala rin ako agad.

"Matutulog na ho ako." Sabi ko at pumasok na sa loob.

"Hindi ka ba kakain muna ng hapunan?"

"Kayo na lang ni dad. Maaga pa ako bukas."

Kinabukasan ay maaga nga ako pumasok dahil ayaw ko talaga ang mahuli. Hindi na ako nakatira doon sa dati kong bahay kaya malayo-layo ang biyahe ko.

Habang nasa kalagitnaan ako ng lecture ay may kumakatok sa pinto ng classroom.

Binuksan noong taong iyon ang pinto dahilan tumingin ako sa kanya. "Excuse me, Sir Raizen. May gusto kasing kumausap sa inyo."

Kumunot ang noo ko. "Pwede bang mamaya pagka–"

Napasinghap ako ng makita ko kung sino. Ano ang ginagawa niya rito? Kapag nandito siya baka hindi ako makapag concentrate sa klase.

"What are you doing here?" Tanong ko kaso naririnig kong umiingay na ang mga estudyante ko. "Quiet!"

"Gusto kita makausap." Tumingin ulit ako sa kanya.

"Kung hindi importante iyng sasabihin mo... hintayin mo na lang matapos ang klase ko."

"Importante itong sasabihin ko sayo, Raizen."

Bumuga ako ng hngin bago humarap sa mga estudyante ko. "May kakausapin lang akong tao pero huwag kayo maingay. Habang wala ako ay sagutin niyo ang activity sa page 110. Dapat pag balik ko ay tapos ba kayo."

Lumabas na ako ng classroom para kausapin si Elysa. Mukha ngang importante ang sasabihin niya dahil ang seryoso ng mukha.

"Ano ba yung sasabihin mo sa akin?"

"Ayaw ko man lumapit sayo para humingi ng tulong pero..." May inabot siya sa akin isang piraso ng papel. "Nakita ko iyan pagkagising ko."

Kinuha ko ang papel sa kanya at binasa ang nakasulat.

"Huwag mong sabihin sa akin na lumayas si Kier."

Tumango siya. "Pagkagising ko kanina ay hindi ko makita si Kier. Isang buwan pa lang kami rito at hindi pa siya familiar sa lugar."

"Matalinong bata ang anak mo..."

"Anak mo rin siya, Raizen."

Hmph. Ngayon sasabihin niya sa akin na anak ko rin si Kier. Ang gulo niyang kausap.

"Tulungan mo kong hanapin si Kier. Parang awa mo na, Rai..."

Bumuga ako ng hangin. "Fine." Binuksan ko ang pinto at sumilip sa loob. "Class, tapos na ang klase ko sa inyo kaya homework niyo na lang iyan."

"Bakit, sir?"

"May importante akong gagawin ngayon."

Nagmamadali na kami lumabas ng campus para hanapin kung saan pumunta si Kier.

Love Or RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon