"Ano ang pinag kaabalahan mo ngayon?" Tanong ko sa kanya.
"Bumalik ako sa pagtuturo. As usual, class adviser pa rin ako ng Section F."
Kailangan ko nga pala mag hanap ng trabaho para sa pasukan ay papasok na si Kier. Ang kaso hindi ko pwedeng iwanan si Kier na mag isa habang naghahanap ako.
"May gusto lang ako malaman, Raizen."
"Ano 'yon?"
"Bakit ka pumasok sa pagiging mafia?"
Humiga siya. "Isang mafia ang ama ko."
"Huh?!"
"Hindi yung ama ko ngayon. Alam kong naguguluhan ka... foster parents ko sila. Nangyari ang lahat na ito noong 9 years old pa ako at nalaman ni mama na isang mafia si dad. Si mama yung tipo na ayaw niya sa isang mafia kagaya rin niya si Ely. Ayun na nga nalaman ni mama na isang mafia si dad kaya umalis siya na kasama ako habang lumalaki ako ay nasangkop ako sa isang grupo. Umuuwi ako noon na puro pasa at sugat. Ako nga rin ang may dahilan kung bakit namatay si mama."
"Ano nangyari?"
"Wala akong ideya na may malubhang sakit pala siya. Imbes na alagaan ko siya ay mas inuuna ko pa ang makipag away. Simula noon bumalik ako sa puder ni dad at tinuruan niya ako kung paano gumamit ng baril. Nag simula ang lahat doon."
"Paano ka naman umalis sa pagiging mafia mo?"
"Noong nalaman kong nagdadalang tao ang asawa ko. Napaisip ko na ayaw kong mapahamak ang pamilya ko sa mga ginagawa ko. Noong girlfriend ko pa si Ely ay hindi ko maamin sa kanya na isa akong mafia dahil natatakot akong iwanan niya. Kahit pala hindi ko sinabi sa kanya ang totoo ay iniwanan niya rin ako."
"Siguro may dahilan. I mean, kung hindi ganito ang nangyari sa buhay mo ay hindi mo ko makilala pero hindi ko hiniling na mangyari talaga sayo 'to."
"I know. Kasalanan ko naman kung bakit ito nangyari."
"Talaga bang kamukha ng anak mo si Kier?"
"Yeah." Bumangon na siya at may kinukuha sa bulsa niya sa likod. Wallet niya pala. May binigay siya sa akin isang picture. "Heto ang picture ni Tom."
Kamukha nga talaga ni Kier ang yumao niyang anak.
"Hindi ako naniniwala sa reincarnation pero alam ko hindi ako hinahayaan ni Tom." Tumayo na siya at kinuha na niya ang bote ng alak na iniinom niya kanina. "Sana payagan mo kong makilala ni Kier bilang ama niya. Pangarap ko talaga magkaroon ng maraming anak."
"Huh?! Maraming anak?!"
"You heard me right."
Seryoso ba siya? Ay teka, bakit ko ba iniisip ang bagay na iyan? Kaso hindi naman siya pumayag na mag hiwalay kaming dalawa. Iniisip niya siguro kapag nalaman na ni Kier na si Raizen ang ama niya pero hindi pa ako pumapayag. Ayaw ko bumalik siya sa buhay ko. Never!
"Sasama ka ba sa akin pag balik?"
"Malamang. Nakakatakot mag isa dito lalo na malapit na gumabi. Baka multuhin pa ako ng mag-ina mo."
"Hindi nila gagawin sayo iyan. Sa akin lang sila nagpaparamdam."
"What do you mean?"
"Hindi mo ba napapansin na madalas ako natutulog sa faculty roon kapag wala akong ginagawa? Gabi-gabi ko kasi napapanaginipan ang trahedya nangyari noon."
"Hanggang ngayon pa rin ba napapanaginipan mo pa rin?"
"Hindi na. Matagal na rin yung huling panaginip ko tungkol doon. Nakakatulog na ako ng mayapa." Inabot niya ang kamay niya sa akin. "Ingat. Masyadong delikado ang daanan rito."
"Bakit kasi dito ka nakatira?"
"Gusto namin ni Ely na tumira sa tahimik na lugar kaya dito namin naisipan at saka marami akong magagandang alaala sa lugar na 'to pero siyempre may masakit na alaala rin."
"By the way, bago ko nga pala makalimutan." Lumingon pa siya sa akin. "Hindi ako pumapayag na makilala ka ni Kier bilang ama niya."
"Huh? Why?"
"Hindi mo alam ang hirap noong pinag bubuntis ko si Kier."
"Kung sinabi mo sana sa akin ay tinulungan sana kita sa pag alaga mo sa kanya. Handa ako gisingin mo sa tuwing naglilihi ka. At hindi sapat na dahilan iyan para hindi ako makilala ni Kier. Kahit anong gawin mo ay ako pa rin ang ama niya."
"Hindi ko na kailangan ng lalaki sa buhay ko."
Sana hindi na lang kami bumalik rito. Tahimik ang buhay namin ni Kier sa Spain na wala si Raizen sa buhay namin. Nagsisi ako na bumalik.
"Hindi ko magagawang talikuran ang tungkulin ko bilang ama niya. Kahit anong gawin mo ama pa rin ako ni Kier."
"Ayaw ko ng bumalik ka sa buhay ko! Ano bang hirap intindihin doon ah?"
"Alam kong malaki ang kasalanan ko sayo... but am I not worthy to be given a second chance?"
Hindi ako pinalaki para hindi magpatawad pero ibang usapan ito. Buhay ng mahalagang tao ang kinuha niya sa akin at hindi na niya maibabalik ang buhay nawala na.
"I'm sorry, Raizen."
"I see. I am really not deserve a second chance. Sinayang ko lang ang pagkakataon noon."
Nakita ko siyang nalulungkot ay nasasaktan rin ako. Teka, bakit parang ako ang mali sa nangyari? Biktima rin ako rito.
"Mommy." Lumingon ako ng marinig ko ang boses ni Kier. "Are we going home, mommy?"
Nakita ko ang pag luhod ni Raizen sa harap ni Kier. "Hola, Kier."
Nagulat ako dahil nakapag salita si Raizen ng Spanish. Nawala sa isipan ko na nakakapag salita nga pala siya ng foreign language.
Nag tago sa likuran ko si Kier. "My mommy said I can't talk to strangers."
"What your mommy said was right but I'm not a bad guy. I was your mommy coworker." Sabi niya habang ginugulo ang buhok ni Kier.
Heto na ang pagkakataon niyang sabihin kay Kier ang totoo pero hindi niya ginawa.
"One more thing, take care of your mother. Wherever your father is, he will be proud of you, buddy."
"I will."
Tumayo na siya. "Hindi ko na kayo mahahatid sa sakayan."
"Bakit hindi mo sinabi sa kanya ang totoo habang kausap mo si Kier?"
"Ayaw kong mas lalo kang magalit sa akin. Siguro tama ka na hindi dapat ako makilala ni Kier. Apat na taon ako wala sa tabi niya."

BINABASA MO ANG
Love Or Revenge
RomansaPumasok siya sa pagiging teacher dahil sa kagustuhan ng kaibigan niyang baguhin ang ugali ng mga estudyante sa Section F. Pero dati siyang mafia na umalis dahil ayaw niyang mapahamak ang pamilya niya at may madilim na nakaraan si Raizen kaya gusto n...