Raizen's POV
Sawakas pinayagan na ako ng doctor na umuwi na dahil bored na bored na ako sa ospital. Kasama pala ni Elysa ang mga magulang ko sa bahay nila kaya siguro nalaman nila nagkaroon na ako ng malay at bumisita na rin sila sa akin. Ang dami nga tinanong sa akin ni mommy at siyempre inamin ko sa kanila ang totoo.
Nakita pala nila ang tunay kong ama noong mga panahon na wala pa daw akong malay. Pero kahit anong paramdam niya sa akin ay pipiliin ko pa rin ang tumayong magulang sa akin at kinilala kong magulang. Kahit hindi ko sila kadugo ay tanggap nila kung ano ako. Nangako na rin ako sa kanila na hindi na babalik sa pagiging mafia at wala na akong balak bumalik.
"Let's have a date." Bigla kong sambit sa kanya.
"Ngayon?"
"Mamayang gabi."
"Paano si–"
"Don't worry about Kier. Nasa bahay sila mommy kaya may pag iiwanan tayo sa kanya."
"Saan na pala kayo nakatira ngayon?"
"Kung saan natin nabuo si Kier."
Nakita ko ang pag pula ng pisngi niya na kinatawa ko at hinampas niya rin ako. "Kainis ka!"
"Bakit? Totoo naman ang sinabi ko. Doon ang huling–" Kumurap ako ng dumikit ang labi sa akin.
Siya na rin ang humiwalay sa amin. "Oo na. Alam ko na kung saan."
Napahawak ako sa labi ko. Shit. Mukhang nababakla na ako ngayon. "Hindi mo naman sinabi sa akin gusto mo kong halikan."
"Aminin mo nga sa akin ikaw ba iyan, Raizen? O baka sinasaniban ka na naman ni Primo?"
Tumawa ako kaso sumasakit ang sugat ko. "Hindi ako sinasaniban ni Primo dahil ako rin iyon."
"Iba ang pagkakilala ko sayo."
"Ano ba ang pagkakilala mo sa akin?" Tanong ko sa kanya. Gusto ko rin kasi malaman kung ano pa ang nagustuhan niya sa akin.
"Ang pagkakilala ko sayo ay isang seryosong tao pero mahal mo ang mga mahalagang tao sayo. Hindi bully at malakas mang asar. Ganoon kasi ang pagkakilala ko kay Primo dati."
"Ganito naman talaga ako. Hindi ko lang mapakita sayo ang other side ko dahil nagpapanggap lang ako at hindi mo pa pwede malaman ang totoo. Kahit gusto kong aminin sayo pero pinipigilan ko lang ang sarili ko."
"Salamat nga pala."
Kumunot ang noo ko. "Para saan?"
"Kung hindi ka pumasok sa paaralan ni Sir Edward ay hindi kita makikilala."
"Kung ang ama mo ang misyon ko ay makikilala mo pa rin ako."
"Kahit na. Ikaw kasi ang unang lalaking minahal ko."
"Alam ko. Wala may gustong mang ligaw sayo dahil malapit ka ng kinasal dati. Ano pala nangyari doon?"
"Sinabi ko sayo na makikipag kita ako sa kanya at sinabi ko sa kanya na walang kasal magaganap kaya ayun pumayag siya."
Ako kasal pero hiwalay na ngayon. Wala na nga akong balita kung kamusta na ba si Ely ngayon. Kung saan man siya ngayon ay siguro ginagawa na niya ang mga matagal na niyang hindi nagagawa bago pa kami kinasal.
"Ano pala ang trabaho mo bago ka nagtuturo?"
"Construction worker, carpenter, electrician... basta paiba iba ang trabaho dati."
"Matitino naman ang mga trabaho mo dati."
Kumunot ang noo ko. "Ano ang tingin mo sa akin? Bubuhayin ko ang pamilya ko sa illegal? Hindi ako ganoon."
"No. Ang ibig kong sabihin kung bakit ka pa nagtuturo."
"Humingi ng tulong si Ed sa akin. Kahit tumanggi ako sa kanya ay hindi niya ako titigilan hanggang pumayag ako."
"Dapat pala kay Sir Edward ako nagpapa salamat dahil sa kanya ay nakilala kita."
Sabi ko nga sa kanya kahit hindi ako pumasok sa paaralan ni Edward ay magkikita at makikilala ko siya kung ang ama niya ang misyon ko.
Kinagabihan ay naghahanda na ako para sa first date namin ni Elysa. Ito ang unang beses na magdedate kami dahil yung una dapat ay kasama namin si Kier kaya nauwi sa family bonding. At ngayong gabi ko na rin balak mag propose sa kanya. Gusto ko kasi memorable ang gabing pag propose kay Elysa.
May kumatok at nakita ko sa reflection ng salamin na pumasok si mommy sa kwarto. "Anak, nandito na si Elysa."
"Sige ho, mom." Sabi ko. Mabuti nga lang hindi ko binenta ang bahay na ito. Simulang inambush ulit ang bahay ko ay ayaw na bumalik ng mga magulang ko doon lalo na si mommy.
"Saan pala ang punta niyo?"
"Date lang ho. Kaya dito na muna si Kier habang wala kami ni Ely."
I don't know why I always called her Ely. Nakasanayan ko na siguro dahil kapangalan niya rin ang ex wife ko.
"Kami na muna bahala ng daddy mo kay Kier."
"Thanks, mom." Niyakap ko si mommy. Masaya ako dahil binigyan ako ng pangalawang magulang na kagaya nila.
Pagka punta namin sa isang restaurant ay sinamahan na kami ng isang waiter sa magiging table namin dahil nagpa reserve ako kanina.
"Nagpa reserve ka pala. No choice rin pala ako para hindi sayang ang reservation mo."
"Yes, kung pumayag ka makipag date sa akin ngayon ay ito ang first date natin."
"Oo nga pala. Hindi na tayo nagdedate noon."
Noong naging girlfriend ko si Elysa dati ay hindi pumapasok sa isipan kong yayain siyang makipag date sa akin dahil isa lang talaga ang nasa isipan ko, ang gamitin siya laban sa ama niya pero ngayon maayos na ang lahat.
"Order na tayo. Huwag mo na problemahin ang presyo. Ako na ang bahala."
"Hindi naman ako papayag na ikaw lang ang magbabayad nang lahat na pinag kainan natin."
"No, it's okay. Ako ang lalaki."
"No, share tayo sa gastusin."
Kumawala ako ng hangin. "Okay, kung mapilit ka talaga."
Umorder namin ng makakain namin. Noong dumating na ay ang dami naming pinag usapan ni Elysa at mas lalo ko siya nakilala pa.
Pagkatapos namin kumain ay tumayo na ako at lumuhod na ako sa harapan niya. Kinakabahan nga ako na para bang ito ang unang beses na mag propose ako sa babaeng mahal ko at gusto kong maka sama habang buhay.
"Rai, what are you doing? Tumayo ka nga diyan. Ang daming tao napapa lingon sa atin."
"Ely, alam natin na malaki ang kasalanan ko sayo at gusto ko iyon bayaran pero nagawan mo pa rin akong patawarin. Hindi ko man agad narealize mahal pala kita pero ito tayo ngayon. Masaya." Nilabas ko na ang singsing at nakita kong naluluha na siya. "I'm not doing this because of Kier, I'm doing this because I really love you."
"Alam ko naman iyon."
"So, umm... sorry, kinakaban ako ngayon. Do you agree to be the mother of my future children? Are you willing to change your surname and become Misis Valentino? Will you marry me?"
Dahan-dahan na siyang tumatango. "Yes, yes and yes!"
Pati ako ay napapaluha para bang first time ko 'tong gagawin talaga.
Sinuot ko na sa daliri niya ang singsing bago niyakap si Elysa. "Thank you, Ely."

BINABASA MO ANG
Love Or Revenge
RomancePumasok siya sa pagiging teacher dahil sa kagustuhan ng kaibigan niyang baguhin ang ugali ng mga estudyante sa Section F. Pero dati siyang mafia na umalis dahil ayaw niyang mapahamak ang pamilya niya at may madilim na nakaraan si Raizen kaya gusto n...