23

342 13 0
                                    

Elysa's POV

Natatakot akong binaril ni papa si Raizen pero ang mas kinakatakutan ko ay baka kami na ni Kier ang isunod niya. Hindi ako papayag na idamay pa niya dito ang anak namin. Ngunit biglang dating ni Sir Edward sa lugar kung nasaan kami at laking gulat niya ng makita si Raizen na walang malay. Nawala sa isipan ko na dating kasamahan pala ni Raizen si Sir Edward.

Kinuha pa ni Sir Edward ang baril na hawak ko at harap-harapan ko pa pinagbabaril niya si papa saka kinuha si Kier na umiiyak. Wala na nga ako magawa dahil tama si Raizen na hindi na siya ang kinilala kong ama. Simulang namatay si mama ay ang laki na ng pinag bago niya.

During operation ay sinabi ko kay Sir Edward ang nangyari bago pa siya dumating.

"Simulang naka patay siya ng isang inosente ay bihira na lang humawak ng baril si Rai. Hindi nga iyan lumaban o tumawag sa amin noong inambush sila dati." Sabi niya.

"Noong naka patay siya ng inosente ay nakulong ba siya?" Tanong ko. Gusto ko malaman kung nakulong ba si Raizen noon.

"Oo kaso walang katibayan ang mga kapulisan laban kay Rai kaya pinakawala siya agad."

"Sir, alam niyo ho ba yung pinatay ni Raizen ay ang mama ko?"

"Oo, matagal ko ng alam dahil sinabi sa akin ni Rai ang lahat kahit ang pag gamit niya sayo para gumanti sa ama mo. Hindi nga ako makapaniwalang mamahalin ka rin ni Rai dahil kaaway niya ang ama mo." Sinundan ko ang tingin noong tumayo na si Sir Edward. "Kilala ko si Rai kaya alam kong hindi niya kayo iiwanan. Ilang kamatayan na rin ang nilaban niyan kaya maililigtas rin siya sa kamatayan ngayon. At kapag nagising na siya ay huwag kang umalis sa tabi niya dahil kayo ng anak mo ang kailangan niya."

Naniniwala akong babalikan niya kami dahil hindi ko siya mapapatawad kung iniwanan niya kami ni Kier.

"Masamang damo iyang boss namin. I have to go." Nag paalam na sa akin si Sir Edward dahil alam ko namang busy rin siya sa paaralan niya.

Lumipas na ang araw, linggo, buwan ay mabuti na nga lang hindi nagkaroon ng trauma si Kier dahil harap-harapan niya rin kung paano binaril ang daddy niya. Kung sa ibang bata iyon ay sigurado akong nagkaroon na ng trauma sa nangyari. Manang mana talaga sa daddy niya na palaban.

"Mommy, are we going to visit daddy today?"

"Yes, baby. Your daddy needs us."

Dito ko pinatuloy ang mga magulang ni Raizen noong nalaman ko ang nangyari sa bahay nila. Inambush ulit ang bahay na iyon dahil kay papa. Kahit pa paano ay may tutulong sa akin sa pag alaga kay Kier habang busy ako. Gumagawa kasi ako ng lesson plan kung ano ang mga ituturo ko sa mga estudyante ko.

Araw-araw kami bumibisita kay Raizen pagka galing namin sa eskwelahan. Sa tuwing bumibisita kami ay palagi kinukwento ni Kier kung ano ang nangyari o ginawa niya ngayong araw at tuwing weekend ay ang mga magulang naman niya ang bumibisita.

Ang sabi ng doctor nag opera sa kanya ay marami daw dugo ang nawala kay Raizen at mabuti na lang marami silang stock na compatible sa dugo niya. Kung hindi ay mahihirapan sila.

"We're here again, daddy." Sabi ni Kier pagka pasok namin sa loob at lumapit na siya sa kama ni Raizen. "You know what, daddy. My teacher asked us one by one what we want to be when we grown up. You know what my answer is? I want to be like you, daddy."

Tumingin ako kay Kier dahil sa sagot nito. Ayaw ko naman magaya siya kay Raizen na isang mafia at sigurado rin ako hindi papayag ang daddy niya. Marami pang katangian si Raizen na gusto ng anak niya.

Umupo na yung bata sa couch para gawin na daw niya yung homework niya. Ganyan iyan sa tuwing bumibisita kami kay Raizen ay dito na niya ginagawa ang homework niya para daw pag uwi namin ay makikipag laro na siya sa mga kaibigan niya. Hindi nga nauubusan ng energy ang batang 'to.

"Rai, gising ka na diyan kasi ikaw na lang ang hinintay namin dito. Kapag gumising ka diyan ay papayag akong magpa kasal sayo." Pinunasan ko ang luha ko na kanina pa gustong pumatak.

"Mommy."

Lumingon ako kay Kier. "Yes, baby?"

"I'm hungry."

"Okay, we're going home." Humarap na ulit ako kay Raizen. "Balik kami bukas."

Lumapit na ako kay Kier saka kinuha na niya ang bag niya bago pa kami lumabas.

"E-Ely..."

Namilog ang mga mata ko at lumingon sa likuran noong marinig ko ang boses ni Raizen. "Rai?!"

"Daddy!" Tumakbo na si Kier sa daddy niya.

"I'm glad you are okay, buddy."

"I'm glad you are finally awake, Rai." Sabi ko. Masaya ako dahil bumalik na siya sa amin.

"Nangako ako sayo na babalikan ko kayo."

"Teka lang. Tatawag muna ako ng doctor." Humarap na ako kay Kier. "Stay here for a while, baby. I'm going to call a doctor."

Tumango ito. "Okay."

Pumunta na ako sa nurse station para mag tawag ng doctor at mabuti na lang nandoon ang doctor na tumingin kay Raizen kaya agad siya pumunta sa kwarto ni Raizen para tingnan ulit. Laking gulat nga niya na gising na yung pasyente dahil grabe ang pinag daanan ni Raizen sa pag baril sa kanya ni papa.

Speaking of my own father pagkatapos siyang barilin ni Sir Edward ay wala na akong balita sa kanya. Hindi ko rin siya mapapatawad sa ginawa niya sa mag-ama ko.

"So pumapayag ka na magpa kasal sa akin?" Tanong niya.

Umiwas ako ng tingin dahil paniguradong namumula na ako. Narinig niya pala iyon. "Wala ako idadahilan sayo dahil narinig mo ang sinabi ko sayo kanina."

"Ibig sabihin pumapayag ka na rin bigyan ako ng maraming anak?"

"Kasal lang ang binanggit ko kanina." Singhal ko. "Pero pagaling ka muna."

"Baka maka lusot ako."

"Ilan ba gusto mong anak?"

"Aba, akala ko ba hindi ka pumayag na bigyan ako ng anak tapos tatanungin mo ko kung ilan."

"Nagtatanong lang pero kung ayaw mong sagutin ay ayos lang sa akin."

"Apat pero kung hindi umabot sa apat ay ayos lang sa akin. Masaya na ako na kayo ang kasama ko."

Tumango ako. "Uwi na muna kami dahil nagugutom na si Kier. Balik ako mamaya."

"Nakita ko pala sa panaginip ko si Tom."

Kumunot ang noo ko. "Ano nangyari?"

"Wala naman. Nakita ko lang siya pero hindi ko siya nakausap dahil biglang nag laho si Tom at pagkatapos noon ay nagkaroon na ako ng malay."

Salamat dahil hindi niya sinundo sa kabilang buhay si Raizen dahil binalik niya sa amin. Kailangan pa siya ni Kier.

Love Or RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon