17

310 13 0
                                    

Raizen's POV

Naging busy ako nitong mga nakaraang araw dahil sa parating na exam at ang gusto ng karamihang estudyante, ang bakasyon. Dumaan rin ako sa pagiging estudyanye kaya alam ko lahat na hirap.

Ngayong araw ang last day nang exam nila kaya umuwi na rin ako agad at bukas ko na lang i-checheck ang exams ng mga estudyante ko sa lahat sa section.

Habang naglalakad ako ay may nag text sa akin at nakita ko ang pangalan ni Jayden.

From Jayden;

Sir, gusto ko lang sabihin sayo na malapit na ang reunion. Sana makarating kayo at isama niyo na rin si ms. Elysa at ang anak niyo.

After eight years ay ngayon lang nagkaroon ng reunion ang batch nila Jayden kahit ba palagi rin naman sila nagkikita.

To Jayden;

Asahan niyong pupunta ako pero hindi ako mangangako na sasama si Elysa. Tatanungin ko muna siya.

From Jayden;

Sige, Sir. This coming Saturday na yung reunion.

Binalik ko na ang phone ko kung saan iyon nakalagay pero may napansin akong familiar. Hindi ako pwedeng magkamali.

"E-Ely?"

Binaling niya ang tingin sa akin saka ngumiti. "Rai."

"Paano? Kitang kita ng dalawa kong mata kung paano ka nahulog sa bangin."

"Long story short, habang wala pa akong malay noon ay may mag-asawang tumulong sa amin at noong nagkaroon na akong malay ay wala akong maalala sa nakaraan. Kailan ko lang naalala ang lahat."

Niyakap ko siya dahil buhay ang asawa ko. "I'm happy that you are alive, Ely."

Siya na ang humiwalay sa amin. "Si Tom? Kamusta na siya? Siguro malaki na siya ngayon."

Hindi ako makasagot. Paano ko ba sasabihin sa kanya na matagal nang patay si Tom? Binaril siya sa harapan ko.

"Ely, I'm sorry. May dapat kang malaman tungol sa akin."

"Ano iyon?"

"Alam kong ayaw mo sa isang mafia kaya hindi ko sinabi sayo ang totoo. I'm really sorry. Natatakot kasi ako kung sasabihin ko sayo ang totoo ay baka iwanan mo ko gaya ng pag iwan ni mama kay papa."

"Hiwalay na ang mga magulang mo?"

Umiling ako. "Hindi. Ang nakilala mong mga magulang ko ay hindi ko tunay na magulang. Sila lang ang umampon sa akin. Matagal nang patay ang biological mother ko pero ang ama ko ay hindi ko alam kung nasaan siya nagtatago ngayon."

Matagal na akong walang balita sa kanya. Kung buhay pa ba siya o ano.

"I understand. Kamusta ka na ngayon?"

"Masaya dahil nalaman kong buhay ka pero..." Nalungkot ako dahil ayaw kong mawala sa akin sina Elysa at Kier.

"Pero ano? May mahal ka ng iba?"

Tumingin ako sa kanya. "Paano mo nalaman?"

"Sa tagal kita naging asawa ay kilala na kita, Rai. Naiintindihan ko kung may mahal ka ng iba ngayon. Sampung taon akong wala sa tabi mo."

"Sorry talaga, Ely."

"It's okay. Tell me about her. Kung paano mo siya nakilala."

"Nakilala ko siya dahil co-teacher ko siya dati."

"Co-teacher? Kailan ka pa nagtuturo ngayon sa mga estudyante?"

"Four year na ako nagtuturo sa paaralan ni Ed. Remember him?"

Tumango siya sa akin. "And then? Ano pa?"

"Kapangalan mo rin siya tapos may anak kami. Kamukha nga ni Tom."

"Rai, sa nakikita ko ay masaya ka sa tuwing kasama mo siya."

"Yes, sobrang saya ko sa tuwing kasama ko siya at hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ko man lang marinig ang boses niya."

"Kaya nag desisyon na ako hindi ko guguluhin ang buhay niyo."

Kumunot ang noo ko. "What do you mean?"

"Hindi ko guguluhin ang buhay niyo. Matagal ako na wala sa tabi mo kaya makikipag hiwalay na ako sayo para pwede mo na siya yayain magpakasal."

"Raizen."

"Daddy."

Lumingon ako dahil nakikita kong tumatakbo si Kier papalapit sa akin at binuhat ko na siya. Tumingin ulit ako kung nasaan si Ely kanina kaso wala na siya ngayon.

"Sino yung kausap mo kanina?"

Binaling ko ang tingin kay Elysa. "Nobody. Ano pala ginagawa niyo rito?"

"Miss ka na daw ni Kier kaya pumunta kami sa school pero ang sabi ng isang co-teacher mo ay umalis ka na daw. Nagpasya ako na puntahan ka na lang sa inyo."

"Si Kier lang ba ang naka miss sa akin?" Tumingin ako sa anak ko. "Did you miss me, buddy?"

"Yes, daddy. I missed you so much but mommy miss you more."

"Naku, Elysa. Hindi marunong mag sinungaling ang mga bata kaya umamin ka na."

"Oo na. Namiss rin kita kahit pa paano." Nakita ko ang pag pula ng pisngi niya.

"Niyaya pala kayo ni Jayden."

Kumunot ang noo niya. "Saan?"

"May reunion sila gaganapin ngayong Sabado." Tumingin ako kay Kier. "Wanna come with me, buddy?"

"Where, daddy?"

"My former student have a reunion this coming Saturday."

Tumingin siya sa mommy niya. "Can we go there, mommy?"

"Sure." Nakangiting sagot ni Elysa.

"Okay, buddy. What do you want to do today?"

"Um, I want to watch a movie."

"Watch a movie, eh? Let's watch."

"Baka pagod ka ngayon."

"I'm fine. Makita ko lang kayo ni Kier ay nawawala na ang pagod ko at pag bigyan mo na ako."

Nang makarating na kami sa mall ay pumunta na kami sa cinema para bumili ng ticket. Ang pinili ko talaga ang gugustuhin panoorin ni Kier.

Pagkatapos namin manood ay kumain muna kami bago ko sila hinatid sa kanila.

"Mukhang nag enjoy si Kier ngayon." Sabi ko. Tulog na rin siya dahil sobrang kulit. Naubusan na siguro ng energy.

"Masaya kasi yung bata dahil kasama ka niya."

"Ikaw? Hindi ka ba masaya na kasama ako?"

"Si Kier ang pinag uusapan natin dito, hindi ako."

Bakit kasi ayaw pang sabihin sa akin ni Elysa ang totoo niyang nararamdaman? Natatakot ba siyang umamin sa akin? Siguro nga.

"Maiba tayo, Raizen." Tumingin ako sa kanya. "Hindi ako naniniwalang wala lang sayo yung kausap mo kanina. Sino ba kasi iyon?"

Bumuga ako ng hangin. "Si Ely."

Tumingin siya sa akin, gulat na gulat. "Akala ko ba..."

"Iyon din ang inakala ko dati. Ayon sa kwento niya sa akin kanina ay may tumulong sa kanya at noong nagkaroon siya ng malay ay wala siyang maalala sa nakaraan niya."

"Ngayon bumalik na ang asawa mo ibig sabihin..."

"Hoy, huwag kang mag isip ng ganyan. Hindi ko kayo iiwanan ni Kier."

"Siya ang asawa mo at ina lamang ako ng anak mo."

"Exactly. Ikaw ang ina ng anak ko at gusto kong makasama habang buhay."

"Pero Raizen..."

"No more buts. Nag desisyon na si Ely na hiwalayan ako para yayain daw kita ng kasal."

"Kasal? Kasal agad? Hindi pa nga tayo."

"I know. Itutuloy ko pa ang pang liligaw sayo simula bukas. Asahan mo iyan."

Love Or RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon