Epilogue

727 17 3
                                        

A months before our wedding ay nagulat na lang ako sa binalita ni Elysa na buntis siya ulit. Wala ako maalala na may nangyari sa amin pero mas lalo siya nagalit sa akin sa nangyari kaya napaaga ang kasal namin kaysa sa inaasahang araw. Pero kailan ko lang din naalala nagka yaan ang mga kaibigan ko na uminom. Tumanggi na ako sa kanila kaso ayaw nila ako tigilan sa pangungulit dahil mapapa sugod ako wala sa oras nito.

Limang taon na kaming kasal ngayon ni Elysa at mayroon na kaming tatlong anak. Si Kier ang panganay namin, si Primo ewan ko ba kung bakit iyon ang pinangalan ni Elysa sa anak namin at si Ace. Puro lalaki nga ang anak namin pero buntis ulit si Elysa sa pang-apat naming anak. Sana nga lang babae na 'to pero kung lalaki ulit ay wala na ako magagawa kaysa magalit pa sa akin ang asawa ko.

Kier already 9 years old while Primo is 5 and Ace is 4. Nagulat na nga lang ako nagdadalang tao si Elysa kay Ace noong sinabi niya sa akin during Primo's 1st birthday. Ako ang na surpresa na dapat si Primo dahil birthday niya pero ano ba alam ng anak namin sa surpresa.

"Rai." Tawag sa akin ng maganda kong asawa kahit buntis.

Lumingon ako sa kanya dahil nagtitimpla ako ng gatas kay Ace. "Bakit?"

Rinig kong suminghap si Elysa. "Sumisipa si baby."

"Really?" Binigay ko na kay Ace yung bote ng gatas niya. Kahit malapit na maging kuya ay nagpa baby pa sa amin at 9 months na ang parating na bunso namin pero ayaw alamin ni Elysa ang gender kung lalaki daw ulit. Napaka negative. Naniniwala akong babae na ito. "Hi, baby. Daddy's here."

"Hindi mo pa ba susunduin ang panganay natin?" Tanong niya. Napatingin tuloy ako sa oras.

"Nag paalam sa akin kanina si Kier na mahuhuli daw siya ng uwi ngayon dahil may tinatapos pa daw silang project."

"Bakit hindi nag paalam sa akin ang batang 'yon?"

Tumingala ako sa kanya. Nagtatampo na naman ang asawa ko kaya hinalikan ko siya sa labi. "Tulog ka kasi kanina kaya hindi na nag paalam sayo si Kier."

"Okay. Naasikaso mo na rin ba si Primo?"

"Yes, wife. Inasikaso ko na ang mga anak natin dahil ayaw kong mahirapan ang asawa ko."

Halos isang linggo na ako hindi pumapasok dahil pinapa leave na ako ni Elysa sa trabaho para kasama niya daw ako habang manganganak sa bunso namim. Naiintindihan naman ni Edward iyon.

Speaking of Edward, wala nga akong ideya kinasal na pala siya. Nangyari daw iyon noong mga panahon na wala pa akong malay. Kaso hindi ko pa nakikilala ang asawa niya hanggang ngayon.

Ngumiti ito. "Ang swerte ko talaga na ikaw ang pinakasalan ko. The best husband and father."

"Bolera. Hindi mo naman kailangan bolahin pa ako. Nangako ako sayo na tutulungan kita alagaan ang mga magiging anak natin."

"Totoo naman ah."

"Halika nga rito." Pinalapit ko siya sa akin at sinunggaban ko siya ng halik. Wala na akong hihilingin pa dahil binigay ma sa akin ang mga gusto kong mangyari. Ang maging masaya sa piling ng magiging pamilya ko.

Mga ilang oras lumipas ay tumawag na sa akin si Kier para magpa sundo kaya nag paalam ako kay Elysa para naman hindi magalit sa akin.

Pagkarating ko sa school ni Kier ay nakikita ko na ang pag labas niya.

"How's your day, buddy?"

"Okay lang po. We are just busy because we have so many projects."

"Hmm... grouping ba ang mga projects niyo?"

"Yung iba po groupings pero yung iba ay hindi."

Ginulo ko ang buhok ni Kier saka ngumiti. "I know you can do it, son. Nag mana ka kaya sa akin."

Naalala ko yung sinabi sa akin dati ni Elysa na puro libro daw ang hawak ni Kier at hindi masyado nakikipag laro sa ibang bata pero kahit na nakikipag laro na siya sa iba ay hindi niya hinahayaan ang pag aaral niya. Active rin ang anak ko sa school's activities, events, etc. Kaya nga proud na proud kami ng mommy niya sa kanya.

"Siyempre po. Ang sabi ni mommy sa akin na sayo talaga ako nag mana."

Natawa ako sa sagot ng anak ko. "Bilisan na natin umuwi baka pagalitan pa tayo ng mommy mo."

Pagka uwi namin ay nakita kong tulog na si Elysa sa kwarto namin. Ganoon ba kami katagal ni Kier sa labas? Hindi kasi ako pwedeng tumagal sa labas dahil hahanapin ako ni Elysa at kung magalit ang asawa ko sa akin ay sa labas ako ng kwarto matutulog at ayaw kong mangyari iyon.

Nagising ako ay madilim na sa labas. Hindi ko nga namalayan naka tulog pala ako kanina habang katabi ko si Elysa. Magluluto na nga muna ako ng hapunan namin baka pagka gising ay hanapan ako ng makakain. Lagi pa naman gutom ang mga buntis lalo na't dalawa sila kumakain.

"Raizen!" Sigaw ni Elysa mula sa kwarto namin. Pinatay ko muna ang kalaban baka mawalan pa kami ng bahay wala sa oras.

Nagmamadali akong pumunta sa kwarto namin at kitang kita kay Elysa kung gaano na siya sa nasasaktan.

"What happened?"

"Manganganak na yata ako." Nahihirapan na rin siya sa pagsasalita.

"Huh? What?" Hindi ma proseso sa isip ko ang sinabi.

"Tangina, Raizen! Bingi ka ba?! Ang sabi ko manganganak na yata ako!"

Doon lang na proseso sa isipan ko ang sinabi ni Elysa. Bakit ang aga yata lumabas ng baby namin? Hindi pa kabwanan ng bunso namin.

Sinabi ko kay Kier na dadalhin ko ang mommy nila sa ospital at binilin ko rin sa kanya na siya muna ang bahala sa mga kapatid niya habang wala pa ang lola nila. Tatawagan ko si mommy mamaya para bantayan ang mga bata.

Muntik ko na nga rin makalimutan tawagan si mommy pagkarating namin sa ospital dahil kinakabahan ako kahit hindi naman ito ang unang beses. Kinakaban ako na naeexcite. Parating na kasi ang bunso namin.

Inabot na ng ilang oras ang hinihintay ko sa labas ng delivery room bago pa lumabas ang doctor kaya agad ako napa tayo.

"Doc, kamusta na ho?"

"Congratulations on having a healthy baby girl, Mr. Valentino." Masayang ansunsyo ng doctor.

Napangiti ako sa narinig. Sawakas nagkaroon na rin kami ng babae. Natupad na rin ang isa pang kahilingan ko na magkaroon ng anak na babae.

"Really? Babae ang naging anak namin?" Hindi ako maka paniwalang tanong.

Tumango ang doctor sa akin. "Yes, babae ho ang anak niyo."

Naluluha ako sa sobrang saya ko. "Thank you. Can I see my daughter?"

"Sure. Sabihan niyo na lang ang nagbabantay sa nursery room."

Pagkarating ko sa nursery room ay sinabihan ko na ang nagbabantay doon kung pwede makita ang anak ko. Naluluha na naman ako ng makita siya dahil kamukhang kamukha ni Elysa ang bunso namin.

"Hi, princess. Daddy's here." Nilapad ko ang palad ko sa salamin na may ngiti sa mga labi ko.

Dahil hindi nga namin alam ang gender niya noong check up ni Elysa kaya wala pa kami naiisip na magandang pangalan para sa kanya. Hindi ko pwedeng unahan si Elysa.

•–•

Hello! Sorry kung iniskip ko na mismo ang kasal nila.

At anunsyo lang, ¹st week or ²nd week of January ay magkakaroon ulit ako ng Series. Pagkatapos kasi nito ay ibabalik ko na yung Jordan and Blake: X Files. 😁

Love Or RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon