15

327 14 0
                                    

Dahil hindi pa ako bumabalik sa trabaho ay may kasama pa rin si Kier pero nagyaya na umalis daw kami dahil bored na siya sa bahay.

"Ma'am..." Lumingon ako na may narinig akong familiar na boses at nakita ko si Jayden.

"Oh? Nandito ka pala."

"Nag deliver lang po ako kanina."

"Ano pala ang work mo?" Tanong ko. Hindi ko kasi alam kung ano trabaho ng mga dating estudyante ni Raizen.

"Tinulungan ko lang po si Eric sa restaurant nila habang wala pa akong trabaho. Kayo po?"

"Nagyaya ang batang 'to na lumabas. Bored na daw sa bahay."

"Ganoon po? Samahan ko muna kayo."

"Huwag na. Baka maka isturbo kami sayo."

"Ayos lang. Sasabihan ko na lang si Eric na mamaya pa ako babalik."

Wala na ako magagawa pa dahil sinamahan na kami ni Jayden sa malapit na park habang naglalaro si Kier sa ibang bata.

"Alam niyo po ba si Sir Raizen ang tumayong guardian ko noong graduation ko. Kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya."

Tumingin ako sa kanya. "Nasaan ang mga magulang mo?"

"Hiwalay na sila kaya kaming dalawa na lang ni Jeremy ang mag kasama. Tumira ako mag isa simulang nag hiwalay ang mga magulang namin tapos isang araw ay nakita ko si Jeremy lumayas sa bahay ni mama kaya ako na tumayong magulang niya. Kung hindi siguro namin naging class adviser dati si Sir Raizen ay baka ganoon pa rin kami magbabarkada."

"Alam niyo ba ang nakaraan ng Sir Raizen niyo?" Tanong ko sa kanya.

"Na dati siyang mafia boss? Alam po namin ang tungkol doon dahil niligtas niya kami ni Eric noon at nalaman rin namin dati pa lang mafia boss si Sir Raizen."

Matagal na pala nilang alam na dating mafia si Raizen.

"Buti hindi niyo sinabi sa iba."

"Iniidolo namin siya pero hindi namin pinangarap na bumuo ng mafia. Mabait kasi si Sir Raizen lalo na sa labas ng school. Naalala ko pa nga noong pumunta ako sa bahay niya para kausapin siya maging guardian ko kasi ako lang ang walang kasamang magulang tuwing graduation."

"Mabait naman talaga si Raizen."

"Kaya po ba minahal niyo siya?"

"Siguro..." Sabi ko at nakikita ko na si Kier lumalapit sa amin. "Nagulat nga ako pagkakita sa kanya dahil ang laki ng pinag bago niya noong huling kita ko sa kanya."

"Oo nga po. Simulang umalis kayo ng bansa ay masyadong workaholic na si Sir Raizen." Sinusundan ng tingin ko si Jayden habang tumatayo na siya.

"What do you mean? Hinahayaan na ba niya ang sarili niya simulang umalis ako?"

"Kailangan ko na pong bumalik sa restaurant."

May dapat pa ba akong malaman tungkol kay Raizen? May hindi pa ba siya hindi sinasabi sa akin? Ang daming katanungan sa isipan ko pagkatapos kong kausapin si Jayden.

"Mommy, where are we going?" Tanong ni Kier habang nag aabang kami ng taxi.

"We're going to visit your daddy."

"Really?" Gustong gusto talaga ni Kier kasama si Raizen. Mukhang magseselos na ako nito.

Pagkarating ko sa bahay nila Raizen ay ang mama niya ang nagpapasok sa akin. Ang sabi niya ay pauwi pa lang si Raizen galing trabaho kaya maghihintay na lang ako.

Narinig ko na ang pag bukas ng pinto at kumurap pa siya pagkakita niya sa akin. "Hindi mo naman sinabi sa akin na pupu–"

Tumayo na ako. "We need to talk."

"Mukhang seryoso ang pag uusapan natin ah. Tungkol saan ba iyon?"

"Nag kita kami ni Jayden kanina at may nabanggit siya. May dapat ba akong mala–"

Bumuga siya ng hangin. "Sa kwarto tayo mag usap."

Nauna na siya pumunta sa isang kwarto. Kwarto niya ito at ngayon pa lang ako nakapasok sa kwarto ng lalaki.

"Ano pa ba ang hindi mo sinasabi sa akin, Raizen?" Tanong ko. Gustong gusto ko talaga malaman kung ano iyon.

"Ano ba ang gusto mo malaman?"

"Ang sabi kasi sa akin kanina ni Jayden masyado ka na daw workaholic. Baka hinahayaan mo na ang sarili mo kaya ang laki na ng pinayat mo ngayon."

"That's true. Hinahayaan ko na ang sarili ko simulang umalis ka ng bansa. Gusto kong ubusin ang oras ko sa trabaho kaya bihira na lang ako umuwi."

"Ako pa tuloy ang may kasalanan ngayon."

Umiling siya. "No. Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Pero sorry kung nag alala ka sa akin."

"Sino may sabi sayo nag alala ako?"

"Hindi ka pa nag alala sa palagay na iyan ah. Kung hindi ka nag alala sa akin dapat hindi ka pupunta ngayon dito para alamin ang dahilan."

Argh. Kahit kailan talaga wala akong laban sa kanya. Masyadong maraming alam si Raizen sa bagay bagay. Sa kanya nga nag mana si Kier. "Huwag masyadong workaholic."

Sana naman hindi na gagawin ni Raizen na hayaan ang sarili niya dahil si Kier rin ang magiging kawawa.

"Siguro matutuwa ka kung wala na ako." Sabi niya.

Kumunot ang noo ko. "Hindi ako ganoon."

"Hanggang ngayon ay dala ko pa rin ang guilt. Kung hindi dahil sa akin ay sana buhay pa ang mama mo hanggang ngayon."

Hindi na ako umimik. Kung hindi ko nakilala si Raizen ay wala kaming Kier ngayon at kasama pa rin niya ang pamilya niya pero hindi ko naman ginusto na ganito mangyayari sa amin.

"Paano mo pala naalagaan si Kier?"

"Marami akong kamag anak sa Spain na tumulong sa akin. Kaya walang problema." Lumapit ako sa kanya sabay yakap. Rinig na rinig ko nga ang tibok ng puso niya.

"May problema ba?"

"Mangako ka sa akin, Raizen."

"Tungkol saan?"

Tumingala ako sa kanya at hiwakan ang magkabilaang pisngi niya. "Huwag mo hahayaan ang kalusugan mo."

Hinakawan niya ang isang kamay ko. "Pangako."

Biglang nakaramdam ako ng init. Shoot. Hindi tama ito na nararamdaman ko ngayon.

"Okay ka lang? Pinag papawisan ka, Ely. Malabong mainit dito dahil ang lakas ng hangin."

"Huh? Um, yeah..." Lumayo na ako sa kanya. Hindi talaga tama ito. Pati ang puso ko ang lakas rin ng tibok.

Ang bilis ng pangyayari dahil dumikit ang labi niya sa akin. I let my guard down. Kaso kusa akong tumugon sa halik niya.

Pinatong niya ang kanyang noo sa akin pagkatapos niya akong halikan. "Nang aakit kasi ang mga labi mo kanina kaya hindi ko mapigilan na halikan ka."

Ano daw?!

Pinag hahampas ko siya dahil naiinis ako sa ginawa niya. "Kainis ka."

Sinalo niya ang isang braso ko. "I miss this every time I kiss you."

Namula ang pisngi ko sa narinig at agad akong umiwas ng tingin. "A-Ano ang pinag sasabi mo diyan? Paalala ko sayo hindi pa kita sinasa–"

"Paalala ko rin sayo wala tayong closure kaya hindi tayo hiwalay at wala akong balak makipag hiwalay sayo."

"Pero ang sabi mo sa akin dati na mag simula ulit tayo sa simula. Tapos ngayon sasabihin mo sa akin na girlfriend mo pa rin ako."

Kumunot ang noo ko ng tumawa siya kahit wala naman nakakatuwa sa sinabi ko.

"You got me there." Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Ano ba naman itong nangyayari sa akin? Hindi ako ganito dati ah. "Pero ito lang ang sasabihin ko sayo matagal na ako magtitimpi na halikan ka. Nang aakit naman kasi."

Love Or RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon