Elysa's POV
Ngayong araw ang reunion ng mga dating estudyante ni Raizen kaya itong si Kier ay excited na pumunta. Hindi ko magawang humindi sa bata kapag gusto niya talaga kaya siguro siya ang unang tinanong ni Raizen. Ginagamit pa talaga yung bata para mapapayag lang ako. Sanay yatang gumamit nang ibang tao ang taong 'to.
Dahil nag simula na rin si Raizen na ligawan ko kaya walang araw na hindi siya nang liligaw sa akin. Masaya ako dahil pursigi talaga siya sa pang liligaw.
"Mommy, hurry up! Daddy's here already!" Sigaw ni Kier. Nasa kwarto pa rin kasi ako dahil nahihirapan ako pumili ng susuotin.
Tumingin ako sa biglang pag bukas ng pinto at nakita kong pumasok si Raizen.
"Sorry. Nahihirapan kasi ako pumili ng susuotin ko." Sabi ko.
"Take your time. Marami pa namang oras."
"Nandito ka rin naman. Pwede mo ba akong tulungan?"
"Sure."
Kinuha ko na yung dalawang damit nagustuhan ko at pinakita sa kanya. "Alin sa dalawa ang maganda?"
"Kahit ano naman diyan babagay sayo pero..." Seryoso niyang tinitingnan ang dalawang damit. "Pero yung isa ay sobrang iksi. Ayaw kong suotin mo iyan. May anak ka na kaya iwasan mong mag suot nang ganyan."
"Okay." Binalik ko na yung isa cabinet. "Heto na yung susuotin ko."
"Much better." Ngumiti siya sa akin. "Hintayin ka na lang namin sa labas."
Pagkarating namin sa venue kung saan gaganapin ang reunion nila ay ako lang pala ang babae rito. Buti na lang hindi yung isang damit ang sinuot ko. Baka mabastos pa ako wala sa oras nito.
"Sir, Ma'am, salamat sa pag punta niyo ngayon." Salubong sa amin ni Eric at tumingin siya kay Kier. "Hello, little Sir Raizen. Thank you for coming today."
Kaso nag tago si Kier sa likod ni Raizen dahilan lumuhod ang daddy niya sa harapan nito. "Buddy, don't be shy. He is one of daddy's former students."
"Okay, daddy."
Masaya nga silang lahat dahil naka punta ako sa reunion nila at ngayon pa lang pala sila nagkaroon ng reunion dahil busy ang iba sa kanila sa trabaho kaya hirap makakuha ng schedule kung kailan. Mabuti nakakuha sila ngayon.
Tuwang tuwa nga si Kier habang kausap niya ang ibang estudyante ni Raizen at si Raizen naman ay naparami na yata ang ininom. Akala ko ba hindi siya umiinom?
Hindi ko alam kung paano ko hahatid si Raizen sa kanila lalo na't sobrang late na.
"Hatid ko na ho kayo." Tumingin ako sa nag salita.
"Naku. Nakakahiya naman sayo, Eric."
"Ayos lang, Ma'am. Kasalanan rin namin kung bakit naparami ang inom ni Sir Raizen ngayon. At baka mahirapan pa ho kayp i-uwi si Sir Raizen ngayon lalo na't buhat-buhat mo ang anak niyo."
May punto siya doon. "Salamat, Eric. Pero sa bahay ko na lang ang punta natin para hindi ka na mapalayo kung sa bahay pa ni Raizen."
"Okay, Ma'am."
Kinabukasan nagising ako at tumingin sa katabi. Nagising nga pala siya kagabi habang pinupunasan at doon na rin may nangyari sa amin. Siguro wala siya maalala na may nangyari sa amin dahil lasing siya.
Nakita ko ang pag bangon niya sabay hawak sa ulo. "Argh. Dammit."
"Masakit ba ang ulo mo?"
Kunot noo siyang tumingin sa akin kaso napalitan ng pagkagulat. "Shit. Ano nangyari kagabi? Kung paano ako nakarating sa bahay niyo?"
"Si Eric na ang nag presenta na hatid tayo pero dito sa bahay na lang para hindi na siya mapalayo kung pupunta pa sa inyo hanggang sa may nangyari sa atin."
"Elysa, I'm sorry. Alam kong hindi ka pa handa sundan si Kier pero wala talaga ako maalala sa nangyari."
"Kahit magalit ako sayo ay wala na. Nangyari na iyon. Pero akala ko ba hindi ka umiinom."
"Umiinom ako pero sabihin na lang natin kung may event. Hindi naman maiiwasan magka yayaang uminom." Humiga ulit siya sa kama. "Shit. Ang sakit talaga ng ulo ko."
"Magpapa deliver lang ako ng makakain natin para maka inom ka ng gamot."
"Hindi naman pwedeng palagi ka nagpapa deliver ng makakain niyo."
"Wala ako magagawa. Hindi ako marunong mag luto."
"Lumipat na kaya ako rito dahil alam kong hindi mo magagawang iwanan ang bahay niyo."
"Oo, marami akong magagandang ala-ala rito kasama si mommy pero siyempre mayroon nakakalungkot. Kamuntikan na rin mawala ang bahay namin at mabuti na lang nagawan ko ng paraan." Tumayo na ako para kunin ang mga nakakalat na damit ko. "Pero lilipat ka dito?"
"Yes, gusto ko rin naman kayo makasama."
"Paano yung mga magulang mo?"
"Maiintindihan naman siguro nila kung bakit ako lilipat."
"Ikaw bahala. Papa deliver muna ako."
Mga kalahating minuto o higit pa ay dumating na yung pina deliver kong pagkain para makakain na kami at sakto rin ang gising ni Kier.
"Good morning, baby." Bati ko kay Kier.
"Good morning, mommy, daddy."
Tahimik lang si Raizen dahil paniguradong masakit pa rin ang ulo niya. Kailangan talaga niya uminom ng gamot.
"Daddy, what's wrong? Are you not feeling well?"
Pilit na ngumiti ni Raizen. "I'm fine, buddy."
Pagkatapos namin kumain ay binigay ko na kay Raizen ang gamot para mabawasan ang sakit ng ulo niya.
"Anong oras ka uuwi sa inyo?" Tanong ko.
"Pinapaalis mo na ba ako?"
"Hindi naman. Baka kasi hinahanap ka na dahil hindi ka umuwi kagabi."
"Hindi na ako bata para hanapin nila." Nakita ko ang pag tingin nito sa phone niya. "Mukhang kailangan ko na rin ang umuwi."
"Bakit?" Takang tanong ko. Para kasasabi lang niya na hindi na siya bata para hanapin pero ngayon kailangan na niyang umuwi.
"Mom texted me. Sabi niya nasa bahay daw si Ely ngayon."
Tumahimik ako bigla. Nakaramdam kasi ako ng kirot sa dibdib. Sobrang sakit dahil wala akong laban sa asawa niya. Siya ang unang minahal ni Raizen.
"Selos ka?" Hindi na ako umimik. Mabuti na nga lang hindi ko pa sinabi sa kanya ang totoo. "Wala ka naman ikaselos. Kayo ni Kier ang pinili ko. Ang gusto kong makasama."
"Ayos lang. Papa liwanag ko na lang kay Kier ang nangyari."
"Narinig mo ba ang sinabi ko? Kayo ni Kier ang pinili kong makasama."
Tumingin ako sa kanya. "Bakit? I mean siya itong asawa mo."
"Panigurado ako ang pinunta niya ay para ibigay sa akin ang anulment paper namin at bisitahin na rin niya si Tom." Sabi niya saka hinawakan ang baba ko at sinunggaban ng halik. "Pangako. Babalik ako sa inyo."

BINABASA MO ANG
Love Or Revenge
RomancePumasok siya sa pagiging teacher dahil sa kagustuhan ng kaibigan niyang baguhin ang ugali ng mga estudyante sa Section F. Pero dati siyang mafia na umalis dahil ayaw niyang mapahamak ang pamilya niya at may madilim na nakaraan si Raizen kaya gusto n...