Tinawagan ko ang isa sa mga estudyante ni Raizen baka may alam siya kung saan nakatira ngayon si Raizen. Pumunta ako noong isang araw sa bahay niya kaso walang tao ang lumalabas.
"Hello, ma'am. Napatawag kayo."
"Alam mo ba kung saan nakatira ang dati niyong teacher?"
"Si Sir Raizen? Alam ko kung saan siya nakatira kaso ang sabi niya sa amin na huwag ko daw ibigay ang address niya pero dahil girlfriend kayo ni sir ay sasabihin ko."
Girlfriend? Hindi nga pala kami tuluyang hiwalay. Ibig sabihin walang closure naganap sa relasyon namin.
"Salamat, Jayden."
Sinabi na niya sa akin ang address kung saan nakatira ngayon si Raizen. Hindi ko alam kung bakit ko gusto malaman kung saan siya nakatira pero ngayon may dahilan na ang pag punta ko.
Sinama ko si Kier dahil wala akong kasama sa bahay. Nang makarating ako doon ay familiar sa akin yung lugar. Dito ko nga pala nakita si papa na pinapatay niya yung pamilya ni Raizen.
Kumatok na ako at may isang matandang babae ang bumukas sa akin. Teka nga! Heto yung binigay na address ni Jayden.
"Ano ang maitutulong ko sa kanila?"
"Um, dito po ba nakatira si Raizen?" Tanong ko sa matandang babae.
"Wala si Raizen rito. Dinalaw niya yung puntod ng mag-ina niya. Kung pupuntahan mo si Raizen ay puntahan mo na lang. Malapit sa cliff." Tinuro niya sa akin kung saan banda ang cliff.
"Okay ho. Salamat."
Tumingin siya kay Kier. "Anak mo?"
Tumango ako. "Yes po."
"Delikado ang pumunta doon kaya dito mo muna iwan ang anak mo."
"Pasensya na ho sa abala." Lumuhod ako sa harapan ni Kier. "Stay here while I talk to someone, okay?"
Tumango siya. "Okay."
Pumunta na ako kung nasaan makikita si Raizen at may nakita akong dalawang puntod saka may isang nakatalikod na lalaki. Si Raizen na siguro iyon.
Napansin niya siguro ang presensya ko dahilan lumingon siya sa gawi ko. "What are you doing here?"
"Don't get me wrong, Mr. Valentino. Hindi ako naparito para bisitahin ka."
"Wala akong sinabi ng ganyan." Binaling niya ulit ang tingin sa puntod. "Ano nga ang ginagawa mo rito?"
"Sino yung kasama mo sa bahay? Galing ako doon kanina at may nakita akong matandang babae."
"That's my mom."
"Akala ko..."
Tumingin ulit siya sa akin. "Wala akong sinabi na ulila na ako. Hindi ko lang binanggit sayo ang tungkol sa kanila."
Nakita kong may iniinom siya. Alak pala iyon.
"Umiinom ka pala."
"Ngayon lang. Dahil ngayon ang death anniversary ng mag-ina ko."
Kaya pala nandito siya ngayon. Death anniversary pala ng mag-ina niya.
"Sigurado akong hindi iyan ang dahilan kung bakit ka nandito. So, tell me."
Umupo ako sa tabi niya. "Bakit hindi mo sinabi sa mga nakakilala sa atin na wala tayong relasyon? Tumawag ako kay Jayden para alamin kung saan ka nakatira ngayon tapos binanggit niyang girlfriend mo pa rin ako."
"Hindi pa tayo tuluyang hiwalay. Lumayo lang ako sayo dahil alam kong galit ka sa nalaman mo tapos nabalitaan ko na lang umalis ka ng bansa."
"Ayaw kong patagalin pa ito, Raizen. Pumunta ako dito para kausapin ka tapusin na natin kung ano man ang pagitan sa atin."
"Paano kung ayaw ko? Ano ang gagawin ko?" Sabi niya sabay inom ng alak.
Inagaw ko sa kanya ang baso. "Bakit ayaw mo? Hindi mo naman ako mahal – I mean, isang pag hihiganti lamang ang ginawa mo kaya nga ginamit mo ko."
Sobrang sakit sa tuwing naalala ko ang ginawa niya sa akin. Ako lang pala ang nag mahal dati. Pwes, dati pa iyon. Wala na akong nararamdam pa sa kanya.
"Wala akong sinabi na hindi kita mahal."
Kumunot ang noo ko. "Huh?"
"Wala akong sinabi na hindi kita mahal." Ulit niya. "Lalo na nalaman ko ang tungkol dito."
May inabot siya sa akin na isang folder. "Ano 'to?"
"Buksan mo para malaman mo kung ano iyan."
Binuksan ko ang folder para alamin ang loob. Laking gulat ko ng makita kong isa pala itong DNA result. DNA result nila Kier. Kailan nakakuha ng sample si Raizen?
Sa loob ng apat na taon kong tinago si Kier sa kanya tapos ganito ang mangyayari. Bakit ba kasi kamukha ni Raizen si Kier? Konti nga lang ang nakuha niya sa akin.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol sa pagdadalang tao mo?" Kalmado niyang tanong pero alam kong may galit sa kaloob-looban niya.
"Sasabihin ko sana sayo ang tungkol doon kaso sinabi mo sa akin na ikaw ang pumatay kay mama. Si mama na nga lang ang kakampi ko pero noong nawala siya ay mag isa na lamang ako."
"Alam kong malaki ang kasalanan ko sayo. Hindi ako humihingi ng kapatawaran mo pero ang sabi ko nga sayo dati noong huling pagkikita natin itatama ko ang mga mali na ginawa ko."
"Paano mo itatama? Hindi mo na pwedeng ibalik ang nawala na." May tubig namunuo sa gilid ng mga mata ko. Ayaw kong umiyak sa harapan niya.
"Sayo." Tumingala siya sa kalangitan. "Alam mo bang hindi ko tinuloy ang binabalak ko sa ama mo kahit galit na galit ako sa kanya dahil ikaw ang iniisip ko. Ayaw kong magalit ka sa akin ng tuluyan. Gusto ko siyang patayin gamit ang kamao ko pero hindi ko magawa."
"Kaya ba pinakulong mo na lang si papa?"
"Oo, dahil ayaw kong mawala ulit ang mahalagang tao sayo nang dahil sa akin. Alam kong galit ka sa akin kaya huwag mo idamay ang mga magulang ko. Sa akin ka na lang magalit."
"Hindi ako ganoon klaseng tao."
Ang awkward na dahil wala sa amin ang nagsasalita na.
"May isa pa akong aaminin sayo." Pag sira niya sa katahimikan.
"Ano 'yon?"
"Tanda mo pa ba yung tinanong mo ko kung may kilala ba akong Primo?" Tumango ako sa kanya. Paano ko ba makakalimutan ang lalaking 'yon? Kung siya ang nakauna sa akin tapos iiwanan lang ako. "Actually, si Primo at ako ay iisang tao lang."
"Alam ko."
Tumingin siya sa akin gulat na gulat. "Paano mo nalaman?"
"Una, Sinabi mo sa akin na wala kang kakambal dahil nagiisang anak ka lang. Pangalawa, kung paano humalik si Primo at ikaw ay parehas. Pangatlo, alam ng puso ko na iisang tao lang kayo pero ayaw mong animin sa akin."
"Talagang mahal mo ko, no?"
"Dati iyon. Pero ngayon hindi na."
"Sabagay. Sino ba ako para mahalin mo kung malaman mo na ako ang pumatay sa mama mo. Pero ako kasi mahal na kita."
"Huh?!"
"Hindi ko kaagad narealize ang nararamdam ko para sayo dahil galit ako sa ama mo. Nagkamali ako ng ginawa na dapat hindi kita ginamit noon."
Sa huli talaga ang pagsisi.
"Nakakatuwa man isipin na sa edad ko ito magkakagusto pa ako sa isang babae." Naatatawang niyang sabi. Ngayon ko pa lang narinig na tumawa si Raizen.
"Mukhang may dahilan ka na para maging masaya ulit ah."
"Because you gave me a reason to be happy again."
"Ayos lang ba sa asawa mo? I mean..."
Tumango siya. "I already let them go. Let go of my past – My darkness past. I want to start all over again from the scratch."
~~~
English na lang ang salita ni Kier ang hirap translate sa Spanish habang kausap niya ang mama niya then translate ulit sa English para maintindihan niyo.🤣
BINABASA MO ANG
Love Or Revenge
RomansaPumasok siya sa pagiging teacher dahil sa kagustuhan ng kaibigan niyang baguhin ang ugali ng mga estudyante sa Section F. Pero dati siyang mafia na umalis dahil ayaw niyang mapahamak ang pamilya niya at may madilim na nakaraan si Raizen kaya gusto n...