Elysa's POV
Kinabukasan ay pumunta ulit ako sa bahay ni Raizen para kamustahin si Kier. Kung naging pasaway ba ang batang iyon.
Ang mama niya ang nagpapasok sa akin sa loob.
"Tulog pa yung mag-ama. Ang dami kasi ginawa ang dalawa kahapon tapos tinuruan pa niya si Kier kung paano lumangoy at pumunta pa sila sa park."
"Alam niyo po bang may anak sa akin si Raizen?"
"Oo, pinakita niya sa amin yung DNA result at kita sa mukha niya ang tuwa noong nalaman niyang may anak siya. Mahilig kasi sa bata iyan si Raizen."
"Ganoon po ba?"
Wala akong ideya na mahilig pala sa bata si Raizen. Marami pa nga talaga ako hindi alam sa kanya.
"Ang pangalan mo ba ay Elysa?"
"Yes po."
"Kapangalan mo pala ang yumao niyang asawa."
"Yes po. Sinabi nga sa akin ang tungkol diyan. Noong unang pagkikilala namin ay hindi niya ako tinatawag sa pangalan dahil naalala niya ang asawa niya."
"Mahal na mahal talaga ni Raizen ang asawa niya at handa siyang ibigay ang lahat. Kahit nga ang pangarap niya tinalikuran niya."
"Ano po ba ang pangarap niya?"
"Ang maging architect. Pagka graduate niya ng high school ay nag hanap na siya ng trabaho para tulungan kami. Gusto niya kasing makasama kami ng daddy niya pero hindi namin maiwanan ang trabaho namin sa ibang bansa. Noong isang buwan lang kami umuwi." Hinawakan niya ang kamay ko. "Naging masayahin ulit ang anak ko nang makilala ka niya. Sana mahalin mo rin ang anak ko, hija. Sa nakikita ko ay mahal ka talaga ni Raizen."
Sinamahan ako ng mama ni Raizen sa kwarto niya at kitang kita ko ang dalawa sarap ng tulog. Naka yakap pa nga si Kier kay Raizen para bang mawawala ang daddy niya sa kanya. Nakita ko ang pag gising ni Raizen at bumangon na siya. Ngayon ko lang nakita yung peklat sa balikat niya. Tatlong beses pa naman may nangyari sa amin pero hindi ko napansin iyon.
"Anong oras na? Mahuhuli na ako." Naku naman. Pakiramdam ko umiinit ang buong katawan ko sa husky niyang boses.
"Sabado ngayon, Raizen. At mag bihis ka dahil may bisita ka." Sabi ng mama niya.
Tumingin siya sa akin. "Nandito ka na pala. Hintayin mo na lang magising si Kier. Mukhang napagod sa mga pinag gagawa namin kahapon."
"Sige."
"Kumain ka na ba, hija?"
"Hindi pa po. Hindi kasi kumakain si Kier kapag nauna ako."
"Magluluto na muna ako at pagka gising ni Kier ay kakain na tayo."
"Salamat po, ma'am."
"Tawagin mo na lang akong tita Pau."
"Sige po."
Nang umalis na si tita Pau ay tumingin ako kay Raizen habang nagsusuot ng shirt.
"Binanggit sa akin kanina ng mama mo na mahilig ka sa bata."
"Hindi naman sa mahilig talaga ako sa bata pero gusto ko talaga magkaroon ng sariling pamilya. Dahil nga nag iisang anak lang ako."
"Tinalikuran mo ang pangarap mo. Sayang. Kung hindi mo tinalikuran ay sana architect ka na ngayon."
"Matagal ko ng kinalimutan ang pangarap kong iyan. Kahit anong pilit ng mga magulang ko na bumalik sa pag aaral ay ayaw ko na talaga. Masaya na ako kung ano meron ako ngayon – may matinong trabaho. Kahit hindi ko maipag mamalaki sa anak ko na tapos ako sa pag aaral. At least kaya kong buhayin ang pamilya ko."
"At ano nangyari sa balikat mo? Bakit may peklet ka diyan?"
Hinawakan niya ang balikat niya. "It happened 10 years ago. Papatayin sana ako ng ama mo pero sa balikat ko tumama yung bala. Hindi na nga nawala ang peklat na ito kaya sa tuwing nakikita ko 'to ay naalala ko rin ang trahedya."
Tinawag na kami ng mama niya para kumain noong nagising na si Kier. Pagkatapos namin kumain ay nagpasya ako na hindi na muna umuwi sa amin. Pinasyal nga ako ni Raizen kung saan sila pumunta ni Kier.
"Ayaw mo ba mag turo ulit?" Tanong niya sa akin.
"Gusto para sa susunod na pasukan ay pag aaralin ko si Kier kaso wala akong kilala na pwedeng mag bantay sa kanya."
"Bakit hindi mo siya pag aralin sa paaralan ni Ed?"
"Nakakahiya naman sa kanya. Umalis ako ng walang paalam tapos babalik ako."
"Ako na ang bahala kumausap kay Ed. Sigurado naman akong maiintindihan niya kung bakit ka umalis na walang paalam."
"Pumapayag na ako." Sabi ko.
Tumingin siya sa akin. "Pumapayag ka saan?"
"Pumapayag na akong bigayan ka ng pagkakataon."
"Really? Thank you, Ely."
Siguro kailangan ko ulit buksan ang puso ko at mamahalin ulit si Raizen. Wala naman mawawala sa akin kapag ginawa ko iyon.
Hinawakan niya ang kamay ko. "Thank you talaga. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya na binigyan mo ko ng pagkakataon."
"Alam na ba ni Kier na ikaw ang ama niya?" Tanong ko. Hindi ko nga pala natanong sa kanya ang tungkol doon.
"Nakita kasi niya yung DNA result na dala mo noong umuwi kayo. Ang dami nga siyang tinanong sa akin. Matalinong bata si Kier."
"Matalino nga siya. Sa murang edad niya ay nagbabasa siya ng libro."
"Hay... Dapat ineenjoy niya ang buhay habang bata pa siya. Huwag siya gagaya sa akin na hindi ko na enjoy ang pagiging bata ko dahil araw-araw ko naririnig nag aaway ang tunay kong mga magulang."
"May kondinsyon pala ako sayo, Raizen."
"Ano 'yon?"
"Sana pumayag ka na tuparin ang pangarap mo maging architect."
"Bakit ba gusto mong tuparin ang pangarap ko?"
"Sayang naman kasi. Isipin mo sa hinaharap pwede ka gumawa ng sarili mong bahay."
"But I owned a house."
"I know. What I mean is... paano kung magkaroon ka ulit ng sarili mong pamilya?"
"Doon kayo sa bahay tumira. Wala namang masama kung doon kayo tumira. Pero teka nga, deretsuhin mo nga ako, Ely."
"Pumapayag akong bigyan ka ng pangalawang pagkakataon kaya pumayag rin ako na ligawan mo ulit ako."
"Really? Yes! Thank you." Kita sa mukha niya ang saya.
"Tumigil ka nga diyan. Pinag titinginan tayo ng mga tao." Hinawakan ko ang kamay niya. "Balik na tayo sa inyo para makauwi na kami ni Kier."
"On Monday I will go to your house." Sabi niya.
"Ano ang gagawin mo sa bahay?"
"I will court you starting Monday. At plano ko pala sa susunod na pasukan ay ako ang magbabantay kay Kier habang may klase ka."
"Pero may pasok ka rin."
"Siguro naman hindi niya ako iisturbuhin habang nagtuturo."
"Makulit at pasaway nga lang siya pero kapag sinabihan mong behave tatahimik naman siya."

BINABASA MO ANG
Love Or Revenge
RomansaPumasok siya sa pagiging teacher dahil sa kagustuhan ng kaibigan niyang baguhin ang ugali ng mga estudyante sa Section F. Pero dati siyang mafia na umalis dahil ayaw niyang mapahamak ang pamilya niya at may madilim na nakaraan si Raizen kaya gusto n...