Nag simula na ang exam kaya concentrate ang mga estudyante ko. Isang linggo bago ang exam ay gumawa pa nga sila ng group study para sabay-sabay sila mag aral.
Lunch time ay sabay kami ni Elysa kumain sa canteen.
"Rai, may gusto pala ako malaman."
"Ano 'yon?"
May inabot siya sa akin isang papel. "Noong nakatira pa ako sa bahay mo ay nakita ko ito. Ano ang ibig sabihin nito? Bakit naka sulat rito ang pangalan ni papa?"
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na nakita mo ito sa bahay?" Tanong ko rin sa kanya.
"Ayaw kong mag away tayo kaya hindi ko kaagad sinabi sayo. Kaso hindi ako pinapatahimik ng curiosity ko."
Ang sabi ko nga kay Edward na kapag nalaman ni Elysa ang lahat ay sasabihin ko sa kanya ang buong detalye. At hindi rin ako nag iingat.
"Do you remember what I said about what if?"
"Oo, naalala ko pa iyon. Ano meron– Huwag mong sabihin hindi iyon what if lang."
Tumango ako. "Oo dahil totoo ang sinabi ko sayo dati."
"Ang ibig sabihin may gustong gumanti kay papa. Sino?"
"Ako. Gusto kong gumanti sa kanya sa ginawa niya 6 years ago."
Suminghap siya. "Huwag mong sabihin ang asawa at anak mo ang pinatay ni papa?"
"Tama." Hindi ko alam kung tama ba talaga ang sabihin sa kanya ang lahat.
"Sa anong paraan – ako ba?"
Yumuko ako. "I'm sorry."
"Bakit ako?"
"Gusto kong maranas niya rin ang ginawa niya sa akin."
"May balak ka bang patayin ako? Pero alam kong hindi mo iyon magagawa. Mabait kang–"
"Hindi mo pa ako ganoon kilala. May isang bagay ka pa hindi alam tungkol sa akin."
"Sino ka ba talaga?"
"Dati akong mafia." Hinawakan ko ang kamay niya kaso nilayo niya agad. "Alam kong galit ka. Naiintindihan ko."
"May balak ka ngang patayin ako."
Kumunot ang noo ko. "Wala akong sinabing papatayin kita."
"Pero ang sabi mo kanina gusto mong maranasan ni papa ang ginawa niya sayo."
"Oo pero hindi sa ganoong paraan. Gusto kong kunin ang importanteng tao sa kanya. Ikaw iyon, Ely. Kaya nga pinaibig kita sa akin."
"Ibig sabihin hindi totoo ang lahat na 'to?" Tumango ako sa kanya. "Ang tanga ko naman na naniniwala sa isang kasinungalingan."
"May isang bagay ka pa dapat malaman pero ngayon ay hindi ako hinihingi ang katawaran mo."
"Kung ano man iyan ay may sasabihin rin ako sayo."
"Mamaya na iyan. Ako na muna."
"Okay. Ano ba iyon?"
"Tungkol sa mama mo."
"Ano tungkol kay mama?"
"Kung sino ang pumatay sa kanya."
"Deretsuhin mo ko, Raizen." Galit na siya niyan dahil sa pananalita niya. "May alam ka ba kung sino ang pumatay kay mama?"
"Oo. Ang pumatay sa kanya ay walang iba kundi ako."
"What?!" May luhang pumatak sa kanya. "Bakit? Bakit mo pinatay si mama?"
"Hindi ko ginusto ang nangyari. Isang aksidente ang pag patay ko sa mama mo. May iba akong target pero hindi ko alam na nandoon siya at alam kong iyon ang dahilan kung bakit gumanti sa akin ang papa mo. Sana ako na lang ang pinatay niya hindi ang pamilya ko. Sa akin siya may galit."
Ang kaso wala na ako narinig na kahit anong salita galing sa kanya. Ang tanging narinig ko na lang ay pag atras ng upuan dahilan inangat ko ang tingin. Tumayo na siya at saka umalis sa harapan ko.
Teka, may dapat nga pala siya sasabihin sa akin kaso hindi ko nalaman kung ano iyon. Tsk.
Natapos na ang unang araw ng exam kaya umuwi na ako kaagad.
Siguro bukas ay kakausapin ko si Edward na babalik ulit ako sa dati kong buhay. Babalik na lang siguro ako ulit sa pagtuturo kapag kaya ko na.
Kinabukasan ay pumunta ako sa office ni Edward.
"Ilang beses ko ba sasabihin sayo na hindi ito tambayan, Raizen."
"Hindi ako naparito para tumambay o kung ano." Seryoso kong sabihi.
Kumunot ang noo niya. "Seryoso mo ah. Ano nangyari sayo?"
"Alam na niya."
"Oh? Ano nangyari?"
"What do you expect? Siyempre galit siya sa akin. Sinabi ko rin sa kanya na ako ang pumatay sa mama niya."
"Sigurado akong hindi lang iyan ang dahilan mo kung bakit ka nandito ngayon."
May nilagay akong envelope sa table niya. "I'll quit."
"Wait. Teka, bad timing ang pag quit mo, Raizen. Kung kailan exam week ay doon ka magreresign." Kinuha niya yung envelope. "Tatanggapin ko ang resignation letter mo pagkatapos ng exam."
Tumango ako. "Okay, deal. At sana kapag bumalik ako ay tatanggapin mo ulit ako."
"Ikaw lang ang pinagkatiwalaan ko sa Section F, Raizen. Dahil alam kong kaya mo sila baguhin."
"Iyon lang. Salamat, Ed."
Pumunta na ako sa Section F para mag simula na ang pangalang araw ng exam. Tahimik nga lang ako habang binibigay ko sa kanila ang test paper.
Wala nga rin kahit anong ingay. Mabuti iyan.
"Sir..." Tumingala ako noong tinawag ako ng estudyante ko. Tapos na kasi ang unang exam nila kaya naghihintay na lang sa susunod. "Kanina pa kasi namin napapansin na tahimik niyo ngayon. May problema ba?"
"I'm fine. Huwag niyo ko intindihin. Ang isipin niyo ang exam niyo."
"Siyempre, sir. Gusto namin maging proud kayo sa amin."
Ayaw ko muna sasabihin sa kanila ang tungkol sa pagreresign ko. Ang gusto ko mag concentrate na muna sila sa exam. Baka pagkatapos na lang nito ay doon ko lang sasabihin sa kanila.
Dahil hindi na ako yung magbabantay sa kanila sa susunod sa exam ay bumalik na ako sa faculty room at inaayos ang mga gamit ko.
"Sir Raizen, bakit mo inaayos ang mga gamit mo?"
"Huh?" Tumingin ako sa isang teacher. "Pagkatapos ng linggong ito ay aalis na ako sa pagtuturo. Hinihintay ko lang matapos ang exam nila."
"Paano na yung mga estudyante mo? Ikaw lang nagpaamo sa kanila. Kapag nalaman nilang aalis ka na ay baka bumalik na naman sila sa dati."
"Huwag kayo mag alala dahil kakausapin ko sila bago ako umalis." Sabi ko at tumingin ako sa kabilang side ko kung saan nakaupo si Elysa. Ngumiti ako sa kanya ng pilit saka binaling sa ibang direksyon ang tingin ko.
"Hindi mo na ba sila hihintayin grumaduate? Malapit na matapos ang academic year, Sir Raizen."
"Hindi na siguro. Alam ko naman lahat sila makaka akyat sa stage at makaka tanggap ng diploma." Pinakita ko sa kanila ang long quiz na binigay ko bago ang exam. Lahat sila naka perfect sa quiz. Hindi nga makapaniwala ang mga co-teachers ko na nakakuha ng perfect score ang Section F. "Lahat sila natatalino kaso tamad lang mag aral. Maniwala lang tayo sa kakayanan nila."
Balang araw kapag nakita ko ulit ang mga estudyante ko ay isa na silang successful sa buhay nila.
BINABASA MO ANG
Love Or Revenge
RomancePumasok siya sa pagiging teacher dahil sa kagustuhan ng kaibigan niyang baguhin ang ugali ng mga estudyante sa Section F. Pero dati siyang mafia na umalis dahil ayaw niyang mapahamak ang pamilya niya at may madilim na nakaraan si Raizen kaya gusto n...