3

420 18 0
                                    

"Do you want to join with me to eat lunch?" Alok niya sa akin. "O baka busy ka."

"No, sasabay ako sayo kumain."

Napapadalas na nga ang pagsasama namin ni Raizen simulang naging mag kaibigan kaming dalawa kaya yung ibang teachers ay nagtataka sa closeness namin. Minsan pa nga ay tinutulungan niya ako gumawa ng lesson kapag hindi siya masyado busy.

"I already told you about myself. Why don't you tell about yours?"

"Ano ang gusto mong malaman?"

"Lahat. Since I told you everything about myself."

"Okay, ask me anything you want to know." Sabi ko sabay subo sa pagkain.

"Start with your name."

"Elysa Diaz."

"How old are you?"

"Twenty-six but turning twenty-seven this year."

"Tell me about your family?"

"Bakit ba tayo nag-E-English?"

Nag kibit balikat siya. "Ewan ko."

"About my family. As you can see my father is a businessman. Kilala siyang negosyante sa buong mundo. Si mama mama, she is the best mom ever! Siya kasi yung madalas kong kasama noong bata pa ako but when I was ten my mom died. That's why I'm all alone. Sanay na rin ako ganoon ang buhay ko." Sabi ko kaso napansin ako ang pag tahimik ni Raizen. "What's wrong? May nasabi ba ako?"

Umiling ito. "Wala naman. But how did your mom died?"

"Ang pagkaalam ko may pumatay kay mama pero hindi ko alam kung sino. Simula noon si papa na ang sinisi ko."

"Bakit siya ang sinisi mo? Hindi doon sa taong pumatay sa mama mo."

"6 years ago, napapansin kong wala lagi si papa sa bahay kaya isang araw ay sinundan ko siya. Nakita ng mga mata ko ang ginawa niya. May pinatay siyang dalawang tao. Hindi nga ako makapaniwala na magagawa niya iyon. Simula noon siya ang sinisi ko pero wala siyang ideya na may alam ako sa pinag gagawa niya.

"You said 6 years ago..."

"Oo." Sagot ko pero narealize ko ang sinabi niya. "Baka pagkakataon lang na parehong taon yung nangyaring trahedya sa buhay mo."

"Ang pinuntahan mo noon ay may bahay sa kalagitnaan ng gubat at may malapit na cliff?"

"Mmm... Meron nga. Paano mo nalaman?"

"Nahulaan ko lang." Sabi niya at uminom rin ng tubig. "Ang layo pala ng ugali mo sa papa mo."

"Ang sabi nga ng ibang tao ay nakuha ko ang ugali ni mama kaya nga hindi kami magkasundo ni papa."

"What if... what if lang 'to ah. What if kung may isang tao na gustong gumanti sa ginawa ng papa mo, ano ang gagawin mo?"

"I don't know. Hindi ko naman pwedeng kampihan si papa dahil mali rin ang ginawa niya. Pero sa anong dahilan kung bakit gaganti yung taong 'yon?"

"Maybe he killed someone who important to that person. Pero may kasalanan rin ang taong 'yon sa pamilya mo."

"Like what?"

"I don't know. What if lang naman."

"Para kasing totoo. Ang seryoso kasi ng mukha mo."

Kahit sabihin ko na madalas ang magsasama namin ni Raizen ay may iba pa akong walang alam tungkol sa kanya but I respect his privacy.

"Anong oras na ba? May klase pa ako mga 1."

"Almost 1 na."

"Hala." Nagmamadali na akong ubusin ang pagkain ko.

Love Or RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon