Tinawagan ko si Edward at agad niyang sinagot. "Ed..."
"Oh? Nandoon ka na ba?"
"Wala pa but I need your help. Nasa panganib ngayon ang buhay ng mga magulang ko at kailangan mo utusan yung iba na pumunta doon para iligtas sila."
Kung hindi lang hawak ni Julian si Elysa ngayon ay ako pa mismo ang pupunta sa bahay para iligtas sila. Labas ang mga magulang ko dito kaya huwag niyang idamay kung matapang siya.
Dapat pala noon pa lang ay pinatay ko na siya kahit magalit pa sa akin si Elysa kapag nalaman niya ang ginawa ko sa ama niya. Kung ganito ang mangyayari.
"Okay, magdadala ako doon at sasabihin na lang kita kung nailigtas na namin ang mga magulang mo."
"Thank you, Ed."
Pangako, tatapusin ko na talaga ang laban na ito. Hindi na ako papayag may mapahamak pa.
Pagkarating ko sa lugar kung saan maaari ko makikita si Julian Diaz ay mapalingon ako na may tumawag sa akin.
"Boss Rai..."
Kumunot ang noo ko sa taong iyon. "Oh, ikaw pala iyan. Ano ang ginagawa mo rito?"
"Inutusan ako ni Eddie na ibigay sayo ito." May inabot siyang isang baril kaso tiningnan ko lang iyon.
Matagal tagal na talaga ang huling hawak ko ng baril pero gagawin ko ito para protektahan ang mga taong mahalaga sa akin. Tinanggap ko na yung baril na binibigay niya sa akin.
"Mag iingat ka, Boss Rai."
"Oo naman." Nakangiting sabi ko saka nilagay ang baril sa waistband ko.
Pumasok na ako sa loob ng isang factory. This is the only factory that Edward's mention earlier and that was Julian Diaz's former company. Bakit kaya walang katao tao dito? Hindi kaya mali ang nakuhang impormasyon ng kasamahan namin? Hindi ako pwedeng traydurin noon dahil hindi pa nila alam kung paano ako magalit.
Baka patibong lang ito. Kailangan ko pa rin maging alisto at mag masid sa paligid baka may mga tauhan si Julian rito.
Dahan-dahan ako naglalakad habang nililibot ang paningin ko sa paligid. Wala talaga niisang tauhan ang nagbabantay. So weird.
Laking gulat ko ng makita ko kung sino ang biglang sumulpot sa harapan ko kahit siya ay nagulat rin. Inobserbahan ko siya. Kahit isa wala siyang nakuhang galos.
"What are you doing here, Raizen?" Tanong niya.
"Naparito ako para iligtas kita, Elysa. Si Kier? Nasaan ang anak natin?"
"Nasa bahay si Kier. Walang alam si papa tungkol kay Kier. Noong may tumawag sa akin na isang unknown number at nalaman kong si papa pala iyong tumatawag ay agad-agad kong tinago si Kier para hindi siya makita ni papa. Ayaw kong mapahamak rin ang anak natin."
Kumunot ang noo ko. "Ilang araw ka ng nawawala ngayon."
"Sorry kung hindi ko sinabi sayo ang tungkol dito. Natatakot ako sa pwedeng gawin ni papa sayo."
"Kahit ilang beses ko ng sinabi sayo na handa akong protektahan kayo. Kahit buhay ko pa ang kapalit. Ayaw ko na mangyari ang nangyari dati."
"Nangako ka sa akin hindi mo kami iiwanan."
"Oo pero ibang usapan na kung idadamay pa dito ang mga importanteng tao sa akin. Magka matayan muna kami ng ama mo, Elysa." Seryosong tugon ko sa kanya.
Niyakap ako ni Elysa. "Please, Raizen... huwag mo na ituloy ang binabalak mo. Sinusubukan kong kausapin si papa na sumuko ulit siya sa mga pulis."
Humiwalay ako sa kanya. "Hindi na siya ang kinilala mong ama ngayon, Elysa. Hindi siya titigil hangga't hindi niya ako mapapatay."

BINABASA MO ANG
Love Or Revenge
RomancePumasok siya sa pagiging teacher dahil sa kagustuhan ng kaibigan niyang baguhin ang ugali ng mga estudyante sa Section F. Pero dati siyang mafia na umalis dahil ayaw niyang mapahamak ang pamilya niya at may madilim na nakaraan si Raizen kaya gusto n...