Dahil nangako akong papasyal kami ngayon kaya tuloy ang pag pasyal namin kahit nag alala ako kay Elysa ngayon. Alam ko ang pakiramdam – I mean noong girlfriend ko pa si Ely ay palagi sumasakit ang tyan niya sa tuwing may dalaw siya.
"Gusto mo na bang umuwi tayo?" Tanong ko. Ayaw ko kasing nakikitang nahihirapan si Elysa ngayon.
"Huwag kang O.A, Raizen." Sabi niya. At ako pa ngayon ang O.A. nag alala na nga ako sa kanya. "Mawawala rin ito mamaya."
"Okay, pero kapag hindi mawala ang sakit ay uuwi na tayo sa ayaw o sa gusto mo."
Habang naglalakad kami ay may naririnig akong ingay ng mga bata. Nandito pala kami sa playground.
"Daddy, mommy, can I play?"
Tumingin muna ako kay Elysa bago binaling ulit kay Kier. "Sure."
"Raizen, pasensya na." Tumingin ako sa kanya. "Dapat mag enjoy tayo ngayon pero ganito ang nangyari sa akin."
"It's okay. Kung alam ko lang na malapit na pala ang dalaw mo ay sana nimove ko na lang ang pasyal natin."
"Nakalimutan ko na malapit na pala. At ayaw ko naman i-move yung pasyal natin dahil excited si Kier dito. Nagseselos na nga ako dahil ikaw ang gusto niyang makasama."
Tumawa ako ng mahina. "Dahil siguro apat na taon ako wala sa tabi niya. Wala ako habang lumalaki siya."
"Tsk. Hindi ko na talaga kaya yung sakit. Pwede bang..."
"Okay. Tatawagin ko na si Kier at uuwi na tayo."
Nang makabalik na kami sa bahay nila ay umupo na si Elysa sa sofa.
"May gusto ka bang gawin o kainin? Ako na lang ang gagawa habang nandito pa ako." Sabi ko.
"Gusto ko ng ice cream."
"Okay. Anong flavor ang gusto mo?"
"Ikaw na bahala kung anong flavor. Hindi ako picky sa flavor."
Pumunta na ako sa grocery para bumili ng ice cream ni Elysa. Ganito ba talaga kapag may dalaw ang isang babae? Hindi ko talaga sila maintindihan. Sabagay lalaki ako.
Bumalik na ako dala ang pinamili kong ice cream at binigay ko sa kanya nang makita ko siyang nakaupo pa rin sa sofa. Ngayo'y naka tabi na rin niya si Kier.
Kinuha na niya yung ice cream. "Thank you."
"Kier, go to your room." Sabi ko sa anak namim.
"But daddy... I'm worried about mommy."
"Don't worry. Nothing will happen to your mommy. So go to your room."
Sinunod na rin ako ni Kier na pumunta na siya sa kwarto niya at umupo na ako sa tabi ni Elysa.
"Musta na ang pakiramdam mo? Sumasakit pa rin ba?"
"Sabi ko nga sayo normal lang na ganito mararamdaman namin lalo na't dinatnan kami buwan-buwan." Sinandal niya ang kanyang ulo sa balikat ko. "Pero sorry kung pinag alala kita kanina."
"It's okay. Wala ka naman ginawang mali."
"But I still want to apologize. Babawi ako sayo next time promise."
"Anong pag bawi ang gagawin mo?"
"Kahit anong gusto mo. Gagawin ko lahat."
"Ang mga gusto kong gawin mo ay alam kong hindi ka naman papayag."
Tumingala siya sa akin. "Malay mo. Ano ba iyon?"
"Ang sagutin mo ko tapos yayain kita ng kasal. Naiintindihan kung hindi ka pa handa sa ganoong bagay. Ang importante ay ginaganapan natin ang pagiging magulang kay Kier."
"Malay mo sasagutin kita sa tamang panahon pero i-tuloy mo lang ang pang liligaw mo sa akin."
"Yes, ma'am." Nakangiting sagot ko. Nagkakaroon talaga ako ng pag asa nito.
"At tungkol sa kasal hindi pa ako handa para doon."
"Naiintindihan ko. Hindi ako nagmamadali doon at maghihintay ako hanggang maging handa ka na."
"Thank you, Raizen." Kumurap ako noong ngumiti sa akin si Elysa. Bihira ko na lang makitang ngumingiti siya simulang inamin ko sa kanya ang totoo.
Ngumiti na rin ako at hinawakan ang pisngi niya para punasin ang ice cream sa tabi ng labi niya. "Iniintindi ko ang sitwasyon natin ngayon at handa ako mag hintay sayo."
Nagawa ko ngang mag hintay sayo ng apat na taon. Ito pa kaya pero sana huwag umabot ng ilang taon para maging handa siya ulit.
"Alam mo bang gwapo ka kapag ngumingiti pero huwag kang ngumiti masyado sa ibang kababaihan." Sabi niya. Kahit rin pala sa ibang kababaihan ay nagseselos siya. Ang akala ko kay Ely lang siya nagseselos. Talaga ngang mahal ako ni Elysa
"Huwag ka mag alala dahil hindi naman ako ngumingiti sa ibang tao."
"Good. Kapag nalaman kong ngumiti ka sa iba lagot ka sa akin."
"Aba, wala pa nga pero mukhang possessive ka na."
Inayos na niya ang kanyang upo. "Kasi naman... ayaw ko na masaktan ulit. Umiyak na ako noong inamin mo sa akin ang katotohanan dahil ang lalaking minahal ko ay ang pumatay sa mama ko. Hirap lang talagang tanggapin."
"I've changed. Pero hindi ako papayag na may manakit sa mga mahalaga sa akin."
Hinding hindi na ako papayag na mangyari ang nangyari dati sa akin. Handa akong protektahan ang mga mahalagang tao sa akin at handa rin akong lumaban hanggang sa kamatayan. Wala pwedeng humawak sa kanila.
"I know you are going to protect us pero huwag mo hahayaan na mapahamak ka at hindi na bumalik sa amin."
"Hinding hindi ko kayo iiwanan."
"Hindi natin masasabi pero ayaw kong maging negative."
"Trust me. Hindi ko kayo iiwanan ni Kier."
Wala akong balak iwanan ang mga mahal ko sa buhay. Ngayon pa na nagagawa ko pang sumasaya na kasama silang dalawa. Ang laki na ng pinag bago ko simulang nalaman kong may anak ako kay Elysa.
Napansin ko ang pag tahimik ni Elysa.
"I love you."
Tumingin siya sa akin at namumula ang pisngi. "I-I love you too.".
Pakiramdam ko ay namumula na rin ang pisngi ko pati ang tenga ko. "Pinapa kilig mo naman ako."
"Bakla ka ba?"
"Hindi ako bakla. Kahit lalaki ay kinikilig rin naman at walang bakla na pumapatol sa babae."
"Meron. Pero hindi sinabi na may kilala ako. Kahit bakla ka pa ay ma–"
"May anak na tayo, Elysa. Geez..."
Wala ring bakla na gustong huwak ng baril at bubuo ng isang mafia. Tsk. Bakit ko ba iniisip ang ganoong bagay?

BINABASA MO ANG
Love Or Revenge
RomansaPumasok siya sa pagiging teacher dahil sa kagustuhan ng kaibigan niyang baguhin ang ugali ng mga estudyante sa Section F. Pero dati siyang mafia na umalis dahil ayaw niyang mapahamak ang pamilya niya at may madilim na nakaraan si Raizen kaya gusto n...