5

341 17 0
                                    

Raizen's POV

Gusto ko matawa noong sinabi niyang si Primo ang nakauna sa kanya. Kung alam lang niya na ako rin 'yon pero hindi ito ang tamang panahon para sabihin ko lahat kay Elysa.

Halos isang buwan na sumasakit ang likuran ko dahil hindi ako sanay matulog sa sofa pero hindi naman pwedeng patulugin doon si Elysa.

"Okay ka lang ba?" Tanong niya habang minamasahe ko ang balikat ko.

"Medyo masakit lang ang balikat ko. Mali yata yung pwesto ko kagabi."

"Gusto mo bang doon ka na ulit sa kwarto mo?"

"Hindi ako papayag sa sofa ka matutulog."

"Pero–"

"No buts." Sabi ko habang umiinom ng tubig.

"Ganito na lang... tabi na lang tayo sa kama."

Muntik ko na maidura yung iniinom kong tubig. "Are you serious? Babae ka at lalaki ako. Alam mo ang ibig kong sabihin, Ely."

Wala akong balak na may mangyari ulit sa amin. Inakit niya lang ako kaya may nangyari sa amin at wala talaga sa plano ko tungkol doon. Ang plano ko lamang ay paiibigin siya sa akin.

"Wala ka naman siguro gagawing masama sa akin, di ba? May tiwala ako sayo."

"Maliban na lang kung aakitin mo ko." Kumurap ako sa sinabi ko. Shit. Bakit ko 'yon sinabi? Malalaman niyang ako rin si Primo.

"Huh? Kailan kita inakit?" Taas kilay niyang tanong sa akin.

"Sa panagininip."

"Hindi ko alam may pagka manyak ka pala."

"Hindi ako manyak. I mean..."

Hindi ko naman talaga napapanaginipan ang ganyang bagay. Madalas ko napapanaginipan ay ang trahedya nangyari 6 years ago. Kaya madalas rin ako nakakatulog sa trabaho, minsan pa nga sa classroom. Kapag nakakaramdam ako ng antok ay binibinigyan ko na lang ng seatwork ang mga estudyante ko.

"Bilisan mo na diyan. Mahuhuli na tayo."

"Mauna ka na maligo at ako ang bahala mag hugas ng pinag kainan natin."

"Sigurado ka?"

"Oo. Para hindi tayo mahuli."

Halos isang buwan na nga kami magkasabay ng pasok sa school kaya yung mga estudyante at teachers ay nagtataka na sa amin.

Bago pa ako pumasok sa klase ko ay pumunta na muna ako sa officer ng school director.

"Hey, Ed." Bati ko pagkabukas ko ng pinto.

"Ano ang ginagawa mo rito, Raizen?" Tanong niya sa akin.

"Dito muna ako tatambay habang naghihintay ng oras."

Minsan ay dito pa talaga ako tumatambay dahil ayaw ko tumambay sa faculty room.

"Ilang beses ko bang sabihin sayo na hindi ito tambayan. Hindi na tayo mga high school student."

"I know." Umupo na ako sa sofa.

"Anyway, sigurado ka na ba?"

"Sigurado saan?"

"Sa binabalak mong gamitin si ms. Elysa Diaz."

"Oo, hindi nga ako nahihirapan dahil sa tingin ko ay nahuhulog na siya sa patibong ko." Ngumisi ako. Walang kahirap hirap ang binabalak ko sa kanya.

Isa si Edward sa miyembro ng mafia ko. In other word, he is my right hand. Isa na akong mafia boss noong nakilala ko siya at the same time kaklase ko rin siya.

"Baka malalaman ko na lang balang araw ay may gusto ka diyan ah."

"Nah. Isa lang ang Elysa na mahal ko. Iyon ay ang asawa ko."

"Bakit nga pala kayo palagi sabay pumapasok?"

"Nalaman ni Julian na may mang ligaw sa anak niya. Ang gusto niya ipakasal si Elysa sa anak ng kakilala niya pero ayaw nito magpakasal sa lalaking hindi niya mahal o kilala. Kaya ayun lumayas sa kanila at sa akin tumira."

"Shit. Seryoso na magkasama kayo sa isang bahay?"

"No big deal. Sa sofa ako natutulog kaya huwag kang mag isip ng malisya."

"Paano na lang kung malaman niya ang totoo?"

"Kapag nalaman niya ang totoo ay sasabihin ko sa kanya ang buong detalye kung bakit ko 'to ginagawa. Alam niya kung ano ang ginagawa ng ama niya." Kinuha ko yung newspaper sa tabi. "At wala siyang ideya kung sino ang pumatay sa ina niya."

Alam kong iyon ang dahilan kung bakit gumanti sa akin si Julian. Isang aksidente ang nangyari noon sa asawa niya. Hindi siya yung target ko pero siya yung tinamaan ng bala.

"Hindi ka pa ba papasok?"

Tumayo na ako. "Papasok na."

"Mukhang gusto mo na talaga ang mag turo sa mga bata."

"Wala na ako magagawa dahil alam nila dati akong mafia at tinuring ko na rin sila na parang mga anak ko."

"Kaya may tiwala ako sayo, Raizen."

Wala silang alam ang school director nila ay dating mafia rin na kagaya ko.

Pagpasok ko sa unang klase ko ay tumahimik na ang mga estudyante sa Section F.

"Good morning, Sir Raizen." Sabay nilang bati sa akin.

"Morning, class."

Pumunta na ako sa desk ko at nilapag na doon ang mga gamit ko.

"Bago ako mag turo sa lecture ko ngayong araw ay may anunsyo ako sa inyo." Sabi ko at handa talaga silang makinig sa akin. "Malapit na ang exam kaya galingan niyo at pakita natin sa ibang section na kaya rin natin sila malamangan."

"Yes, sir."

"Week before exam ay magbibigay ako ng long quiz. Gusto ko malaman kung nakikinig ba talaga kayo sa mga tinuturo ko. Iyon lang. Magsisimula na ako sa lesson natin ngayon kaya makinig kayo ng mabuti. O mas mabuti kung sumulat kayo ng notes."

Nag simula na nga ako mag turo ng bagong lesson at talagang nakikinig ang iba sa kanila at ang iba naman ay nagsusulat ng notes.

"Okay, class. Kung naiintindihan niyo talaga ang lesson natin ngayon ay magbibigay ako ng seatwork. Sagutan niyo yung activity sa libro niyo. Page 522." Nilibot ko ang paningin sa buong klase. "Jayden, ikaw na ang mag bigay ng mga libro sa akin sa faculty. Kung wala ako doon mamaya ay ilagay mo na lang sa desk ko."

"Okay, sir."

"Walang kopyahan ah. Malalaman ko rin naman iyan kung kumukopya kayo o hindi."

Lumabas na muna ako sa classroom habang sumasagot sila ng activity. Naka salubong ko nga si Elysa sa hallway.

"Rai..." Tawag niya sa akin.

"May kailangan ka sa akin?"

"Tumawag kanina sa akin si papa kaya uuwi na ako sa amin mamaya."

"Okay. Sabay na tayo umuwi mamaya para hatid kita sa inyo. Delikado ang umuwi ka mag isa." Hinawakan ko ang kamay niya ng bigla siyang tumahimik. "Bakit biglaan yata tumawag sayo ang papa mo?"

"Masaya ako sa tuwing kasama kita pero tinatanggap ko na yung gusto ni papa na pakasal ako sa anak ng kaibigan niya."

Ano 'yon? Bakit ako nakaramdam ng kirot sa dibdib? Hindi ko naman siya mahal para makaramdam ako ng ganoon.

Binatawan ko na ang kamay niya. "I see..."

"Sorry talaga, Rai."

Ngumiti ako ng pilit. Kunwaring nasasaktan ako sa nangyari. "Congrats."

Asar. Masisira lahat na plano ko kapag kinasal na siya sa lalaking 'yon. Kailangan ko gumawa ng paraan para hindi matuloy ang kasal.

Love Or RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon