"Class, dahil tapos na rin ang exam niyo at malapit na ang graduation. May anunsyo ako sa inyo." Sabi ko dahilan tumahimik sila. "Ito na ang huling araw ko bilang teacher niyo."
"Huh? Bakit, sir?" Gulat na tanong ni Jayden.
"Aalis na ako. Pero hindi porke't aalis na ako ay hindi na tayo pwede mag kita sa labas. Gusto ko sana sa susunod na pagkikita natin ay successful na kayo sa buhay. Mapapangako niyo ba iyon sa akin?"
"Yes, sir." Mahinang sagot nila sa akin.
"I can't hear you, class."
"Yes, sir!"
"Good. Ngayon pa lang ay proud na ako– Hey, huwag naman kayo umiyak. Parang hindi kayo mga lalaki."
Hindi ko nga pala nababanggit na puro lalaki ang nasa Section F pero sa kabilang section ay halo-halo. Ang Section F lang talaga puro lalaki.
"Kasi naman, sir. Hindi kayo ang makakasama namin bago ang graduation."
"Malay niyo balang araw ay magkaroon tayo ng reunion. Dapat sa araw na iyon ay good news ang matatanggap kong balita ah."
Hindi ko pwedeng sabihin sa kanila ang totoong dahilan. Problema ko 'to kaya ako mismo ang gagawa ng paraan.
"May isa akong gusto sabihin sa inyo na dapat niyo tandaan."
"Ano iyon, sir?"
"If you dream, you should also do your best to fulfill it because dreaming without an effort would just lead to disappointed."
Ayaw kong mang gaya sila sa akin na hindi tapos sa pag aaral dahil nag trabaho ako para tulungan ang mga magulang ko but at the same time ay nasa mafia pa ako. Nagtatrabaho kasi ang mga magulang ko sa ibang bansa.
Kinuha ko na yung mga gamit ko nang makarating ako sa faculty room. Sinisigurado kong wala ako makakalimutan.
"Talaga bang aalis ka na ngayon, Sir Raizen?" Tanong ng isang co-teacher ko.
"Yeah. May importante pa kasi akong aasikasuhin."
Babalik na siguro ako sa dati kong bahay. Lumipat lamang ako ng matitirahan dahil kailangan ni Edward ang tulong ko. Hindi naman ako pwede bumiyahe araw-araw ng sobrang layo kaya pag samantala muna ang bahay kung saan ako nakatira ngayon.
May nilagay akong sulat sa desk ni Elysa habang nasa klase siya at lumabas na ako ng faculty room.
Sumakay na ako ng taxi noong may huminto sa harapan ko.
Pagkarating ko sa bahay ay nilibot ko ang tingin sa paligid. Kailangan ko na yata ang mag linis dahil puro alikabok na.
Sabagay, ilang buwan na rin walang nakatira rito.
Pagkatapos kong mag linis ay binisita ko ang mag-ina ko.
"I'm home." Sabi ko at umupo sa harap ng puntod nila. "Malapit ko na maipaghiganti ang ginawa ni Julian sa inyo."
Kung hindi maging tagumpay ang binabalak ko kay Julian ay katapusan ko na.
Tumayo na ako. "Pahinga muna ako ah. Babalik na lang siguro ako sa susunod na araw. I love you both."
Nagising ako sa kumakatok sa pinto. Sino naman ang isturbo na ito? Wala pang araw tapos kakatok ng ganito.
Timatamad akong bumangon pero kailangan kong buksan iyon. Mabuti na nga lang malayo ako sa mga tao.
Binuksan ko na ang pinto at laking gulat ko sa nakita. "Mom?! Dad?! Ano ang ginagawa niyo rito?"
Kahit hindi na nga ako tumuloy sa pag aaral ay hindi ko magawang pahintuin sila sa trabaho para makasama ko sila ng matagal.
"Surprise, son!" Sabi ni dad.
"Kaya kami nandito ng daddy mo dahil retired na kami sa trabaho. Wala na rin naman kami magawa pa sa US."
"Kaya nag pasya kayong umuwi dito? Kailan kayo nakarating?" Tanong ko sa kanila.
"Wala pang isang oras noong dumating kami ng mommy mo." Ani daddy.
"At nalaman rin namin ng daddy mo nangyari kay Elysa at Tom. Pasensya na kung wala kami sa tabi mo."
Umiling ako. "Hindi na ako bata, mom. Kaya ko na ang sarili ko."
"Ang akala ko pa naman pag balik namin ng daddy mo ay makikita pa namin si Tom."
Umuwi pa ng bansa ang mga magulang ko noong nalaman nilang ikakasal na ako tapos manganganak na si Elysa. Sobrang saya nga nila pagkakita kay Tom. Iyon kasi ang una at huli nilang kita sa apo nila.
"Alam kong pagod kayo sa haba ng biyahe kanina kaya doon na kayo ni daddy sa kabilang kwarto magpahinga." Tinulungan ko na sila sa mga gamit nila para dalhin sa kabilang kwarto.
"Marami pa ako gustong malaman sa ginagawa mo, anak."
"Mamaya na tayo mag usap, mom. Wala pang araw at inaantok pa ako."
Kinaumagahan ay may naamoy akong mabangong niluluto at doon ko naalala umuwi na nga pala ng bansa ang mga magulang ko.
Pumunta na ako sa kusina at si daddy ang una kong nakita.
"Gising ka na pala, Raizen." Sabi ni daddy habang umiinom ng kape.
Lumingon si mommy sa akin. "Good morning, son."
"Morning." Umupo na ako sa hapag kainan para kumain na.
"Kamusta ka na?" Tanong ni mommy at saka umupo sa harapan ko.
"I'm totally fine."
"It's already 6 years, Raizen. Wala ka pa rin ba naging girlfriend?"
"Let's not talk about it, mom."
"So nagkaroon ka nga ng girlfriend dati."
Hindi ko masasabi kung ex girlfriend ko na ba si Elysa o hindi pa. Hindi pa kami official hiwalay. Walang closure.
"Wala ka bang balak tapusin ang pag aaral mo?"
"I'm too old for that."
"Walang pinipiling edad ang pag aaral, Raizen. Kahit sino pwede kung gugustuhin. May kakilala nga ako sa US na nag aaral habang nagtatrabaho at 40 years old na siya."
"Mom, okay ang buhay ko ngayon."
"Paanong okay ang buhay mo kung wala ka namang trabaho."
"Wala akong sinabing wala akong trabaho. I'm a teacher."
"Teacher? Hindi ko alam gusto mo pala ang mag turo sa mga estudyante."
"Wala rin akong sinabing gusto ko mag turo. Remember Edward?"
"Yes, I remember him. Ano meron sa kanya?"
"May ari na siya ng isang paaralan. Isang araw ay tinawagan niya ako para humingi ng tulong. Wala kasing tumatagal na teacher na section ng mga pasaway kaya nilagay niya ako sa section na iyon. Kahit pa paano ay may natutunan rin ako habang tinuturuan sila."
"Ang sabi mo mga pasaway ang mga estudyante mo. Ibig sabihin wala silang interest matuto."
"Don't worry, mom, okay na ang lahat dahil nakikinig sila sa lecture ko. Nangako silang lahat sa akin sa susunod na pagkikita namin ay successful na sila sa buhay."
"Mukhang may future maging teacher ang anak natin." Ani daddy.
Wala naman talaga akong balak mag turo kung hindi lang kailangan ni Edward ng tulong ko. Hindi ko naman inaasahan magugustuhan ko ang pagtuturo.
"Bakit hindi ka mag aral ng education? Para dagdag kaalaman rin." Sabi ni mommy.
"No need. Gastos lang iyan."
Ayaw ko na rin ang bumalik sa pag aaral kahit sabihin ng ibang tao na sayang dahil hindi ako tapos. Hindi ko na sila pinapakinggan. Hindi naman nila buhay 'to para pakialaman, buhay ko 'to.

BINABASA MO ANG
Love Or Revenge
RomancePumasok siya sa pagiging teacher dahil sa kagustuhan ng kaibigan niyang baguhin ang ugali ng mga estudyante sa Section F. Pero dati siyang mafia na umalis dahil ayaw niyang mapahamak ang pamilya niya at may madilim na nakaraan si Raizen kaya gusto n...