nanlaki yung mga mata ni jennie sa narinig. pati si chungha na nakangiti ay nagulat din sa binanggit ng pamangkin. alam niya kung anong sitwasyon ng pamilya, alam niya na lihim parin itong dalawang bata, at totoong awang awa siya sa kalagayan nila. parang sinuntok suntok yung puso niya sa narinig."minsan nakakatamad nadin magsinungaling ma." saad ulit ni nari, na nagsusulat parin, na parang walang sinabi na kagulat gulat. si byul naman na nasa tabi niya ay tahimik lang na nakikinig.
totoong mahirap yun sa kanilang dalawa. everytime na tinatanong sila kung nasaan yung mama at dada nila, lagi silang nagdadahilan na nasa abroad, or may bussiness trip or kung ano ano pang mga walang kwentang dahilan.
"alam ko naman na para rin sa safety natin lahat yun." bakas sa boses ng batang babae yung lungkot, at halata mo ding nagpipigil ito ng luha.
nakatingin parin si jennie sakanya, pinipiga ang kanyang puso dahil sa hirap na dinadanas ng kanyang mga anak.
"pero." saad nito at inilapag yung lapis sa tabi saka tumingin sa ina. "sorry ma, wag mo nalang isipin yung sinabi ko." at ngumiti.
halos hindi matagalan ni jennie na makipagtitigan sa mata ng anak, puno ito ng lungkot. nahihiya siya, nahihiya siya sa mga ginagawa nila. hindi niya alam na may ganitong impact ito sa anak niya, at the fact na si nari pa ang nag-salita, ay mas nakakagulat. never pang nag-tanong si nari about sa mga sitwasyon nila, kusa lang nito na nalalaman.
"n-no." halos pumiyok na saad ni jennie dahil sa namumuong sikip sa kanyang lalamunan. "sorry. i'm sorry." tears begin to form at her both eyes, kahit kailan talaga ang rupok rupok rupok niya. nakakainis.
"oh no." saad ni nari, tumayo siya at lumapit sa ina. "im sorry mama." at hinaplos haplos yung mukha nito na umiiyak.
"don't cry." pagpapatahan ni nari sa ina niya. imbes na mabawasan, lalo lang lumakas yung pag-iyak ni jennie dahilan para maalarma na si chungha at pumunta na sa kinaroroonan nito.
BINABASA MO ANG
all about you | jenlisa
Fanfiction➵ all about you | jenlisa ↳ started: 090120 ends: 000000 lowercase intended "you promised, you told me that you'll love me until the end!" jenlisa jennie kim x lisa manoban © | vminsooneul, 2020.